Act I
Faith's P.O.V
TATLONG taon ng pagtratrabaho at araw-araw na pag-patay ng alarm at pagsabing "5 mins" pa bago gumising at bumangon, ngayon lang ako nagising ng isang oras bago mag-alarm ang phone ko.
Bakit?
Ngayon lang naman ang unang araw ko bilang trainee sa isa sa mga dream company ko, pagkatapos ng halos isang taon pagiging tambay, palamunin at tagalinis ng dumi ng aso namin.
Graduate ako ng Accountancy pero hindi ako pumasa ng board exam, at nakadalawang try na ako. Sinabi ko sa sarili ko na sa hihinto muna ako magtratrabaho. Gano'n pa man, hindi pa rin nawala ang pangarap kong maging isang "Auditor", dahil mahilig akong tumingin sa mga mali ng tao.
Ngunit dahil ay hindi ako lisensyado, bihira akong makahanap ng maayos at matinong company. It's been three years since I started working, maswerte na lang talaga ako kung nakakatagal ako ng anim na buwan at na-re-regular sa trabaho. Hindi ko na rin alam kung sadyang malas lang ba ako? or bobo talaga ako?
Hindi rin naman lingid sa kaalaman kong mahirap ang trabaho ng isang Auditor. Unang naging dahilan ko kung bakit ako nag-resign ay nagkaroon ako ng sakit dahil sa pagpupuyat. I was assigned to work in a night shift schedule at hindi kinaya ng katawan ko. Kung hindi sa health reasons, napapa-resign ako dahil sa mga katrabaho o kaya ay hindi tama ang trabahong pinapagawa sa akin. I've experienced discrimination in work just because I didn't have a license to perform the job. I tried doing other jobs apart from being an Auditor, pero hindi talaga ito ang gusto ng damdamin ko.
Pagkatapos kong nag-resign sa huli kong trabaho na halos double shift lagi pero hindi naman ako bayad nang tama, umuwi muna ulit ako sa probinsya namin at naging tambay ng halos ng isang taon.
At kung hindi ko pa nakita ang job offer ng Cisco, isa sa mga pinakamalaking Audit Firm sa bansa ay hindi ako gaganahang mag-apply ulit.
The job offer is under a Training Program that the firm offers. Limited up to 100 Trainees lang ang kukuhanin nila para sa lahat ng offices nila sa buong bansa. Ilang beses na rin ako nag-submit ng resume ko rito, pero parating na-re-reject dahil hindi ako nakapasa ng board exam.
The Training program does not require high standards of experience, more fresh graduates ang nagiging target nila sa ganitong program kaya nag-submit ako at natanggap naman ako. But this training program is only for three months. Sa loob ng tatlong buwan kailangan kong patunayan na deserve kong ma-regular.
Fast forward sa kaganapan ko ngayon, palabas na ako ng Condo. Yes naka-condo ako kasi walang paupahan na mura na malapit sa office nila. Nakitira muna ako sa kaibigan kong si Cheng na mapera dahil manager na ngayon sa kanyang trabaho sa isang IT Company.
Hindi ako nakatulog kagabi at pinagisipan ang mga mangyayari ngayon. Naghahalong kaba, excitement at natatae'ng feeling ang meron ako kaya pabalik-balik ako sa CR kagabi hanggang sa hindi ko na mahintay ang alarm ko kaya bumangon na ako.
Nag-book ako ng JoyRide papunta sa address na ibinigay ng HR sa akin. She told me I should be there before 8am pero mukhang napaaga ako. Nang makababa ako sa motor ay napalinga ako sa buong paligid dahil tipikal na convenience store o jollijeep ang una kong hahanapin ko tuwing pumapasok ako sa bagong trabaho. Mukhang walang convenience store na malapit at puro mamahaling restaurant at Starbucks ang nandito. Pakiramdam ko rin ay hindi sila magpapasok mga jollijeep dito sa Avida Compound dahil estillong mayaman ang buong compound at nagtatayugang gusali ang makikita mo.
In the end, kinuha ko na lang tumbler ko at uminom ng tubig dahil hindi ko afford mag-starbucks. Mas mahal pa ang bayad ng starbucks kaysa sa perang natitira sa wallet ko ngayon.
BINABASA MO ANG
The Runaway Hearts
RomanceWhen a woman searching for her purpose in life meets a man who has been living a soulless life, she unintentionally falls in love with him secretly and chose to run away from him everytime she's given the chance to tell him how she feels. *** Faith...
