Chapter 10: Today's Visitor

461 19 8
                                        

Faith's P.O.V

HABANG nagto-tooth brush ako ay napapa-scroll ako sa newsfeed ko sa facebook. Ang dami kong nakikitang #ManicMonday ang posts ko pero hindi ako nakaka-relate ngayon. Dahil officially unemployed na ako today. Congratulations, wala ka nang trabaho Faith pero parating na ang mga bills mo.

Alam mo ba 'yung masaya sa wala kang trabaho? 'Yong hindi ka magmamadaling pumara ng jeep, tapos isisiksik mo 'yung kalahati ng pwet mo, 'tapos buo pa rin ang bayad mo. Tapos kapag bababa ka lang sa tabi ay ayaw ka pang paupuin sa bungad kaya tuloy pag bababa ka na, pagalingan ka na lang sumiksik sa mga tuhod ng mga pasahero tapos may mga nakasabit pa sa bungad kaya parang may guwardyang nakaabang sa 'yo habang pababa ka na.

Syempre, minsan hindi naman natatapos sa jeep lang ang laban natin sa umaga. May pila pang abot sa hagdan sa MRT 'tapos buwis buhay ka talagang sisiksik sa loob kaya kanya-kanyang kapit na lang. Pagbaba mo naman sa MRT lalakad ka pa nang pagkahaba-haba kaya 'di ka pa nagwo-work sa office, pagod ka na.

Pero sa totoo lang, nakaka-miss din ang mga ganitong ganap. Na umaga palang lalaban ka na para sa pangarap mo.

Nang matapos ako mag-tooth brush ay napadungaw ako sa bintana. Semi-condo ang tinitirhan ni Cheng pero maaliwalas naman ang paligid. May guards at pwede kang mag-jogging sa buong compound dahil may playground din doon kung saan nagkikita ang mga asong alaga ng mga tenants dito. Allowed kasi ang pets dito kaya ang dami kong nakikitang may aso.

"Taray ng mga aso, inaalagaan at pinapakain. Sana naging aso na lang ako..."

Hindi ko napigilan ang sarili kong nainggit sa mga asong nakita ko na sinakay pa sa stroller. Iyong ibang aso nga tumatae tapos nakakatanggap pa ng 'good job'. Sana all 'no? Ikaw itong nagpapakahirap sa trabaho sesesantihin ka pa.

Wala si Cheng ng isang week dahil anniversary nila ng boyfriend niya at magto-tour sila sa Thailand. Nakaalis na nga siya kaninang madaling araw at iniwanan pa ako ng pangkain. Maluha-luha na lang ako kanina nakita ko 'yung isang libo nakadikit sa ref kanina.

Kaya naisip kong maglilinis na lang ako araw-araw dito para naman makabawi ako sa kanya.

Habang naglilinis ako ng condo ay naka-play sa TV ang favorite kong anime. Ang Dragon Ball, oo mahilig ako sa Dragon Ball kaya noong bata ako wala akong kasundong mga babaeng bata noon sa amin dahil mga barbie ang mga pinapanood nila

Nang makalinis naman ako ay napansin kong walang laman ang ref namin, kaya rin siguro nag-iwan si Cheng ng pera at naisipan kong mamalengke muna.

Paglabas ko ng condo ay nakita ko ang mga asong naglalaro sa playground, napapa-sana all pa rin talaga ako sa kanila.

Busy ang market ngayon kasi monday nga at maraming lumuwas galing pang probinsya kaya naman sa kanila ako bumili. Gano'n kasi kami ng Mama ko dati noong bata pa ako. May taniman kasi kami doon at sinasamahan ko siya magtinda tuwing Market Day.

"Ija! Gusto mo bang magpa-hula?" Habang kumakain ako ng ice candy bitbit ang gulay na pinamalengke ko ay naagaw ang atensyon ko ng isang matandang lalaki na naka upo sa isang banig at may hawak itong kahoy na tungkod.

"Nanghuhula po ba kayo?" tanong ko naman sa kanya at yumuko.

"Oo, patingin ako ng palad mo."

Inabot ko naman sa kanya ang isang kamay ko matapos kong ilapag saglit ang mga pinamili ko.

"Hmmmmm. Medyo mailap ka sa pera ija," aniya matapos suriin ang palad ko. Hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon paano nila nahuhulaan ang tadhana ng isang tao gamit ang palad. May naka-drawing ba doon?

The Runaway HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon