Faith's P.O.V
PAGDILAT ko ng mga mata ko ay puti ang kisame na nakita ko. May mga tunog akong naririnig na paang boses ng iba't-ibang tao. May mga bisita ba si Cheng? Kailan pa naging puti ang kisame ni Cheng? Alam ko pink ang kulay ng kisame niya dahil paborito niya ang pink.
Muli akong pumikit at saka dumilat at mas malinaw na ang paningin ko ngayon pati na ang pandinig ko. Napabalikwas ako ng bangon at napatanto kong maling desisyon iyon dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.
Mukhang nasa hospital ako dahil may mga kasama ako ditong may kausap na nurse at mga naka-hospital gown pa sila.
Saglit kong inalala ang mga huling nangyari. Nagkasakit nga pala kami ni Red kanina kaya parehas kaming pinauwi.
"Hi Ms. Serenity," lumapit naman ang isang nurse sa akin na may tulak hospital trolley, na lalagyan ng mga gamot. Sandali akong napakurap dahil ang binanggit nito ay ang pangalawang pangalan ko.
"Hello po. Bakit po ako nandito?" nahihiya akong nagtanong habang may chine-check siya siya sa folder na hawak niya.
"Mataas po ang lagnat niyo kanina at mahina po kaya. Don't worry dahil normal flu lang naman po ang nararamdaman niyo at negative ang result ng swab tests niyo."
Unti-unti nang lumiwanag ang mga ala-ala ko kanina.
Kasama ko si Red pauwi at bigla na lang ako nakatulog sa sasakyan ni Red dahil parang pagod ang buong katawan ko at masakit ang katawan ko. Naalala ko nang dinala nga ako ni Red dito sa hospital at...
"Ahhh!"
Napasigaw ako at sabay napasabunot sa sarili nang maalala ko ang mga nangyari! Punyeta ka Faith!
"Miss okay lang po ba kayo?" nagulat ang nurse na lumapit sa akin dahil nagulat din ang mga roommates ko.
Bigla na lang ding bumukas ang kurtina sa tabi ko at iniluwal si Red na naka-polo na lang at inalis nito ang neck tie at mukhang kagigising lang din nito.
"Faith, gising ka na pala?" napaukusot-kusot pa ito sa mata niyang lumapit sa akin.
"O-Okay lang po..." nahihiyang sagot ko sa kanilang dalawa. Nahiya tuloy ako dahil ang daming natutulog at nagambala ko sila.
Ni-check lang ng nurse ang temperature ko at pinainom ako ng gamot. Pinayagan na akong umuwi dahil normal na flu lang naman ito. Red stayed a while ago because he's low on fluids at tinapos lang niya ang IV Drop niya kanina. Unlike me, may infection lang ako kaya ako nilagnat nang mataas.
Gabi na nang maayos ni Red ang papers namin na ma-discharge rito sa hospital. Siya na rin ang naglakad ng health card namin dahil mas alam niya ang proseso at kausap niya ang HR namin. Aminin na natin na minsan nakakabagot mag-lakad ng health card sa hospital lalo kung hindi nasagot ang HR n'yo, pero joke lang. Bayani ang mga HR natin.
Napatayo ako nang palapit na si Red dito. Umupo na lang di kasi ako sa inuupuan ng guard dahil nilalamig ako sa loob.
"Let's go..." pag-aya naman nito sa akin pero hindi ako sumunod at napatingin lang sa kanya nang makababa kami sa hagdan.
Napapaisip ako na ang dami-dami ko nang utang sa kanya. Dahil hindi naman ako responsibilidad ni Red sa mga ganitong bagay.
Kaya lalo akong nahihirapan na kalimutan ang nararamdaman ko dahil sa 'yo, Red.
Tuwing gusto kong takbuhan ang damdamin ko, saka ka lapit nang lapit.
"What are you doing?" he asked and walked closer to me.
"Susunduin ako ng kaibigan ko rito. Mauna ka na. Namumutla ka pa rin," ngumiti ako sa kanya at sandaling huminto ang mga tingin ko sa mga mata niyang kumikislap pa rin para sa 'kin. Kung may gusto ka kay Red katulad ko, hindi mo gugustuhing aalisin niya ang salamin niya. Dahil mas lalo kang malulunod sa mga titig niya. Ang ganda pa naman ng mga mata niya.
BINABASA MO ANG
The Runaway Hearts
RomanceWhen a woman searching for her purpose in life meets a man who has been living a soulless life, she unintentionally falls in love with him secretly and chose to run away from him everytime she's given the chance to tell him how she feels. *** Faith...
