Faith's P.O.V
PUMASOK ako kahit alam kong dapat hindi at kahit bayad naman ang araw ko. Pagdating ko sa office ay wala nga talaga sila. Nag-expect lang naman ako nang kaunti na meron akong dadatnan.
To be honest, I do feel bad about coming here even though I know that nobody wants me here. Hindi naman bago sa akin ang feeling na 'to, at ayoko na rin magpakalunod sa lahat ng mga maling ginagawa ko sa buhay. I'm done doing that.
"Eh 'di sesantihin mo 'ko kung ayaw mong pumasok ako ngayon," napadaan ako sa pwesto ni Red dahil nakita ko ang picture frame sa tabi ng monitor niya kung saan may larawan siyang nakangiti kasama yata ang mga colleagues niya.
Kagabi pa ako npapaisip sa trabaho ko at napanaginipan ko pa nga mga dokumentong trinatrabaho ko. Sabi nga nila kapag napapanaginipan mo na ang trabaho mo ay hindi na raw healthy. Dapat nga charged as overtime iyon kapag nananaginip kang nagtratrabaho ka.
Ayon na nga, kagabi ko pa pinagiisipan ang trabaho ko. Ipinaliwanag sa amin ni Ran na ang client namin ay si Mr. Drew. Kilala ko naman siya dahil nakikita ko siya minsan sa balita at sino bang hindi makakakilala doon eh napakayaman no'n.
Nagulat ako na may kinakaharap pala silang gano'n na problema at hindi pa sinasapubliko. Turns out, bumababa ang profit o kita ng kompanya at sinikreto nila ang investigation dahil makakapekto sa stockholders nila ito. They want to know how and who could have been the caused of this in the company.
Sa meeting namin dati nila Red, ipinaliwanag din niyang may whistleblower at aralin namin ang written statement niya kaya naisipan ko kagabing balikan iyon. Dahil sa totoo lang wala akong maintindihan.
"Red...is not here?" Habang abala ako sa paghahalungkat ng mga dokumentong nasa likod ng pwesto ni Red ay napalingon ako dahil parang may dumating sa likoran ko.
"Nasa client po yata sila..." bahagyang nanlaki naman ang mga mata ko nang mamukhaan ko ang lalaking nasa harapan ko.
"Sir Kenji, po 'di ba?" paninigurado ko pa kasi baka namamalikmata lang ako. Nakadalawang milo pa naman ako kaninang umaga para lang tumapang ako pumasok today.
"Kenji lang, walang Sir sa Birth Certificate ko..." ngiting sabi naman nito.
Hindi ko alam pero parang alam mo 'yun, mas lumiwanag ang paningin ko nang ngumiti siya o 'di kaya ito na 'yung tama ng milo ko?
Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi siya gwapo sa paningin ko dahil gwapo naman talaga siya. Maaga rin masyado para sabihing 'yung spark na naramdaman ko nang ngumiti siya ay dahilan ng pagkagusto ko sa kanya dahil hindi naman ako naniniwala sa love at first sight. Sadyang may spark kang mararamdaman kapag kausap mo siya. Dahil bukod sa malambing ang boses niya, mala-anghel pa ang mukha, hindi katulad ng iba diyan.
"You're part of Project Titania, right?"
Hindi ko alam bakit hindi ako nakaimik pero tumango na lang ako. Pagkatapos ay humakbang siya palapit at bigla akong napaatras.
"I think we'll work with each other soon. By the way I am from the Legal Team. Akala ko nandito si Red para kakausapin ko sana kung kailan na kami pwedeng humiram ng documents sa inyo. Would be helpful to see the whistleblower's statement first..." sabi naman nito sabay tingin sa dokumentong hawak ko.
"...and that's what you're holding on to..." umismid pa ito. Laking gulat ko naman nang muli kong tinignan ito. Kanina pa ako hanap nang hanap, hawak ko lang pala.
"Ah, hehe opo. Babasahin ko po sana ito ulit. Hindi ko lang masyadong na-appreciate noong unang beses kong binasa."
"It's someone else's statement, that's expected," napatango naman ito na para bang naiintindihan ang struggle ko. Kasi hindi naman ako pamilyar talaga sa mga ginagawa nila at pinasubo na agad ako sa trabaho. Dapat kasi talaga naging honest na lang ako sa interview ko.
BINABASA MO ANG
The Runaway Hearts
RomanceWhen a woman searching for her purpose in life meets a man who has been living a soulless life, she unintentionally falls in love with him secretly and chose to run away from him everytime she's given the chance to tell him how she feels. *** Faith...
