Faith's P.O.V
TODAY is all about pampering myself. My schedule ako sa spa today kaya maaga akong tumambay dito. Since VIP member ako ay hindi na ako naghintay nang matagal pa.
Habang inaayos ang hair treatment ko ay napansin kong may kausap ang nag-aayos sa akin kaya ibinaba ko muna ang magazine na binabasa ko. Pagtingin ko sa salamin ay kinusot ko ang mga mata ko dahil baka nanlalabo lang ang paningin ko pero hindi.
"F-Faith?"
Nakompirma ko ang taong tinititgan ko sa salamin nang tinawag ako nito. Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin.
Pero hindi ko magawang ngumiti.
"Anikka..." I called her name as calm as I could.
Umupo ito sa tabi ko at nakangiti pa rin sa akin tuwing nagkakatinginan kami sa salamin.
Anikka is the same. Maganda pa rin at graceful gumalaw, pati pananalita napaka-anghel ng boses.
Pagkatapos ng hair treatment ako, halos patapos na rin naman si Anikka noon. Actually, hindi ko planong makipag-usap sa kanya pero yinaya niya ang sa coffee shop sa tapat.
Ako ang naboluntaryong kumuha ng order namin dahil napansin kong medyo lumalaki ang tyan niya at naisip ko ang sinabi ni Red na malapit na siyang magka-baby.
Nag-order lang ako ng matcha latte at vanilla shake naman sa kanya.
"Nakabalik ka na pala ng Pinas." untag nito sa akin habang inaayos ko ang orders namin.
"Hmmm. I've decided to settle na rito."
"Hmmmm. Balita ko si Red ulit ang boss mo?"
At doon na nga ako matahimik. I think it is awkward for us to talk about the the man we like. Ah, at least I believe I am the only one who likes him now.
"Is he still a cold boss? Ilang beses na siyang pinuna ni Marie na bawasan ang pagiging masungit," napatawa naman ito nang mahina habang sumipsip sa kanyang shake.
Ang dami kong gustong tanongin kay Anikka, pero pakiramdam ko wala ako sa lugar magtanong.
"There's no need to feel awkward with me, I am now a married woman. Besides, I should apologize..." bahagyang humina naman ang boses nito.
"I apologize for treating you that way before, it's my fault you had to leave your dream job..."
"It's in the past, it happens," wika ko. Hindi ko naman hinihingi ang pag-sorry ni Anikka sa akin. Dahil kung ako si Anikka, marahil maiisip ko ring gawin ang ginawa niya sa akin.
Sometimes, love drives us crazy and overwhelms us with fear of being left behind. That is what I am feeling right now.
Maaring nagsisimulang may nararamdaman si Red sa akin at kung papalarin, mapupunan ang nararamdaman kong matagal ko nang tinatago.
Pero dahil sa katotohanang minsa'y nagmahal din siya ng ibang babae katumbas sa kanyang mga pangarap at isang araw, hindi na niya ito mahal, maaring mangyari din iyon sa akin.
Red will grow tired of me too...
"We broke up, after all..." she said.
"I'm sorry," biglang bulalas ko naman at nang tumingin ako kay Anikka ay napansin ko ang gulat sa mukha nito.
"I'm not sure why you're apologizing," she seemed confused.
"I think I may be at fault of your break up. Maybe I gave some confusions..." sagot ko naman sabay napayuko.
BINABASA MO ANG
The Runaway Hearts
RomanceWhen a woman searching for her purpose in life meets a man who has been living a soulless life, she unintentionally falls in love with him secretly and chose to run away from him everytime she's given the chance to tell him how she feels. *** Faith...
