Chapter 20: Faith's Faith

219 15 7
                                    

Faith's P.O.V

PAANO nga ba maging coach si Red?

Pagkatapos ng Project Titania ay na-assign ang team nito sa iba't-ibang project. Medyo naluwagan ang dibdib ko nang malaman kong hindi ko muna makakasama sa trabaho sina Irene.

Red has an official team. Ngayon ko lang alam na bawat manager ay may kanya-kanyang original team at nagkakawatak-watak lang sila tuwing may project na kailangan talaga ng tao.

Meron ding sariling room ang team ni Red kaya mula nang matapos ang project namin kay Mr. Drew ay bumalik na siya roon. Nasa 20th Floor kalapit lang din ng Crimes Department kung saan may sariling room din ang official team ni Kenji.

Sakto lang ang room sa sampung staffs pero sa team ni Red lima lang kami. Kabilang doon si Jimin at si Ran, at ako ang pang limang member.

Red directly checks my works. Ngayon ko lang napagtanto na hindi talaga siya tinawag na 'Ace' ng Internal Investigation Department nang walang dahilan. Even by observing him alone, you could learn a lot.

At ngayon nga, sinama ako ni Red dito sa bahay ni Mr. Buenavista dahil isa siyang potential client ng Cisco at mukhang gusto pang ligawan ni Red at ayaw pa niyang i-tag as lost client.

At iyon na nga, nandito kami sa Buenavista Village—kasi ang daming bahay 'kala ko pumasok ako sa subdivision pero hindi naman pala.

Simpleng pakikipag-usap lang naman sana ang pakay namin dito at dahil ulit sa curiousity ko, napahamak ulit kami.

Hindi ko lang talaga napigilang mapatingin kanina sa isang kasambahay na nagmamakaawa kay Sir Chase, dahil naalala ko ang nanay ko noong bata kami. Napaalis kami sa pwesto namin noon sa palengke dahil sinabi ng isang customer na panis ang luto ng nanay ko, dahil bukod sa nagtitinda kami ng gulay ay suma-sideline ang nanay na magbenta ng ulam gamit ang mga hindi nabebentang gulay tuwing hapon. Kitang-kita ko ang nanay ko sa kasambahay kanina pero alam ko naman na hindi dapat iyon ang basehan ko kaya alam kong mali na nanghimasok ako.

"Chase..." pagtingin namin sa direksyon na pinanggalingan ng boses na iyon ay nakita namin si Secretary Kim pero hindi iyong nasa Kdrama, Secretary Kim na lalaki ito.

Kasama ni Secretary Kim ang dalawang batang nakasuot pa ng backpack at mukhang may pupuntahan yata dapat sila.

"Ngayon ba ang tutor day nila?"

"Yeah, buti naabutan ko pa sila. Paalis na dapat sila." sagot naman ni Kim.

Parang kumikislap ang mga mata ko habang nakatingin sa kanilang dalawa dahil parehas pa sila ng damit magkaibang style nga lang dahil hindi naman sila parehas ng kasarian. Naka-pigtails pa ang babaeng bata at may bangs sa harap kaya natutuwa ako lalo.

"Jin and Jana, do you know why Daddy called you here?"

Nawala naman ang aliw ko nang biglang magsalita ulit si Mr. Buenavista. Gwapo nga kaso parang masungit din katulad nitong katabi kong hapit sa katawan ang damit, iisipin mo na mag-gym siya.

Napailing-iling agad ako sa mga iniisip ko.

Na-shock lang ako ng bente kanina kay Red dahil first time ko siyang makita na hindi nakapang-formal attire at parang tambay lang sa kanto. Ako naman parang naglalako ng bananaque sa kalsada.

"Because you might be lying to us. Hindi ba na-hospital kayo a few days ago because you got food poison? Did you eat anything else?"

Napatahimik ang dalawang bata at parang na-intimidate sa Daddy nilang seryoso lang nakatitig sa kanila.

"Paumanhin, pero pwede po bang ako ang kumausap sa kanila?"

Kahit ramdam ko ang pagtitimpi ni Red sa tabi ko ay nagsalita pa rin ako at mamaya na lang ako managot sa kanya.

The Runaway HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon