Faith's P.O.V
EVERYTIME I closed a case, I feel happy. Parag ito na lang ang nagpapakilig sa akin. I worked here in the Investigation department half of my working hours because of the pile of cases they still have unresolved. Today I worked with a team closed a case.
"Hays, sana dito ka na lang Faith..." nilapitan ako na may pahalong buntong hininga ni Trixie, sa sa mga senior investigator na rito.
"Can we just request from Rose that you stay here?" sumunod naming lumapit si Casper sa akin. Isa siyang matinik na senior investigator dito. May hitsura, maporma at magaling magsalita.
"Kung si Chairman ang mawawalan ng staff yari tayo," siniko naman ni Trixie si Casper.
What I heard from people her ein the investigation department, Red is the one they fear. Sabi nga nila mas nakakatakot daw si Red kaysa ang daddy niya and he's not really on good terms with them.
Base sa pagkakakilala ko kay Red, hindi talaga siya nakukuntento sa mga half meant investigations at mukhang iyon ang hindi nagugustuhan ng mga tao rito. They think that Red is doubting their work.
"Nilalamig ako kahit hindi pa ako nakakalapit kay Chairman. Grrr." Napayakap naman si Trixie sa sarili niya. "Kung anong gwinapo niya, siyang nilamig niya." Dagdag pa nito.
"That is why the board is not in favor of him. How can they trust him if he's not that approachable?" napailing-iling naman si Casper.
Nang lumalim na usapan nila tungkol kay Red ay nagpasya akong lumayo dahil ayokong madamay sa mga ganitong usapin.
Hindi lang ganoon kakomportable 'yung feeling ko dahil pinupuri nila ako samantalang si Red naman ang nagturo sa akin kung paano magtrabaho nang maayos.
All the approach I do at work, it's all from Red.
I went back to the floor where the office of the chairman is. Dumiretso ako kay Cheska na mukhang hindi pa rin nauubusan ng document na i-e-endorse kay Red.
"Miss Faith, kayo po pala iyan..." bungad naman nito sa akin.
"Mukhang hindi na nauubos ang ginagawa mo."
"Ahh, opo. Kadalasan binabalik po kasi ni Sir ang mga binibigay kong document."
"Hmmm bakit naman?" napadungaw ako sa mga document at maayos naman ang pagkaka-arrance.
"Ayaw po niya ng arrangement ko."
"Ahh! Oo nga," dahil pakialamera ako ay inayos ko ang mga document. Naalala ko na ayaw na ayaw ni Red kapag hindi naka-arrange by date ang mga document na ibibigay sa kanya.
"Ohhh. Iyan nga rin po ang sabi niya sa akin kanina."
"Yup. The chairman doesn't care about alphabetical orders or when was it received. He wants to review documents by the dates."
"Oh, Cheska."
Napalingon kami parehas ni Cheska nang marinig naming ang boses ni Red na nasa likod naming at may hawak pang ballpen.
Napalunok ako nang mapansin kong medyo maluwang ang neck tie niya at medyo nagulo nang kaunti ang buhok niya.
"I need those documents and her..." anito sabay umalis din kaagad.
Napakurap naman ako nang mapagtanto kong ako ang tinutukoy niya.
Napasunod ako kay Cheska na pumasok sa silid ni Red. Natanaw ko ang desk nito na maayos pa rin kahit super stressed na. May mga tatlong tray siguro ng mga papeles na nasa tabi ng desk niya.
BINABASA MO ANG
The Runaway Hearts
Любовные романыWhen a woman searching for her purpose in life meets a man who has been living a soulless life, she unintentionally falls in love with him secretly and chose to run away from him everytime she's given the chance to tell him how she feels. *** Faith...
