Chapter 8: Faith's Resolve

467 16 1
                                        

Faith's P.O.V

"WHAT we're you thinking, Faith?" mariin akong napapikit nang pagtaasan ako ng boses ni Red pagkapasok namin dito sa maliit lang na conference hall.

I knew then it would turn out like this. Judging from how Red's seeing this investigation, he has a one sided opinion about Fatima. Naiintindihan ko naman dahil may mga ebidensya siyang hawak at alam kong matindi ang pressure sa kanya dahil siya ang mag-re-report nito mismo sa client. Kaya ayaw ko talagang maging manager katulad niya.

I was at the point where I questioned my feelings about this. Hindi lang talaga ako mapakali kanina dahil ang dami kong gustong tanongin kay Fatima. Hindi ko lang alam paano ko ipapaliwanag kay Red ang pinanggagalingan ko dahil sarado ang utak niya sa opinyon ko.

"Haven't I reminded all of you yesterday that we have to agree on the questions you're going to ask? You're not in an interrogation, Faith. We're supposed to confirm everything Fatima has written on her statement!"

Bakas sa boses ni Red ang galit at nararamdaman ko na rin ang masamang titig ni Pats at Irene sa akin dahil mula noong naging-outcast na ako sa team na ito ay hindi na nila ako masyadong kinakausap at parang nilalayuan na nila ako. I just pretended to not know anything pero ako ang topic nila sa banyo, sa coffee shop at kapag magkakasama sila sa cafeteria.

"Gusto ko lang pong malaman kung nagsasabi siya ng totoo, hindi po ba kailangan din natin iyon malaman sa kanya? Kasi paano pala kung inosente si Morfe, mali tayo ng hinuhusgahang tao," sinubukan kong buksan sa kanya ang saloobin ko. Dahil pakiramdam ko, hindi lang naman si Morfe ang sangkot dito.

"Paano kung tama si Fatima? If we're going to judge it based on facts, Fatima is saying the truth because all of her claims are supported with evidences, ilang ulit ko pa ba ito sasabihin sa 'yo? Why are you so different from the team!?"

Napaawang-bibig ako sa sumunod kong narinig. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko at para bang bumalik sa alaala ko lahat ng ganitong pangyayari sa mga nagdaang trabaho ko.

I thought, he would somehow be different. Pero mukhang pare-parehas lang naman pala lahat ng mga boss sa trabaho. All of them are judgmental and do not care about their staffs.

"H-Hindi...po ako iba.." halos pumiyok ang boses kong sumagot sa kanya.

"Go back in the office. I don't want to see you in the conference hall this afternoon," tinalikuran naman ako nito kasabay ng pag-angat ko ng tingin sa kanya.

"Bakit po? Mayroon lang po akong gustong kompirmahin..."

"If you insist on coming, consider this day as your last day in Cisco..." Nanlaki ang mga mata ko sa mga katagang binitawan niya na para bang lahat ay napakadali sa kanya.

Paano niya nagagawang magdesisyon nang gano'n-gano'n na lamang samantalang pangarap ng isang tao ang nakasalalay?

"Faith," nilapitan naman ako ni Ran para pakalmahin sana.

"Yes, Sir. Understood. I will join this afternoon's session as well." Nakipagtagisan ako ng tingin sa kanya dala ng galit kong umaapaw dahil sa kanya.

***

PAGBALIK ko sa conference hall ay naabutan kong wala pang tao. Nag-decaf na coffee lang kasi ako today dahil bawal naman ang kape talaga sakin at hindi na nga ako sumabay kin Red na mag-lunch matapos naming magsagupaan kanina.

Kaninang umaga, nakisuyo ako kay Ran kung pwede kong makita ang mga pinadalang HR-related documents ng mga persons of interest. Mga apat na bundle yata ito at nagtungo talaga ako sa office kaninang madaling araw para lang makita ang mga ito. Included in the files sent to us are the daily time records of employees, and I took Morfe's and Fatima's leading me to another suspicion that maybe, Fatima is really lying about Morfe's death.

The Runaway HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon