Chapter 17: Miss Hawkeye in Action

182 17 1
                                    

Faith's P.O.V 

KUNG hindi lang ako nahihiyang tumanggi kay Kenji na pumunta sa birthday party niya ay nanonood lang ako ngayon sa kwarto ko buong magdamag. 

I never get used to the feeling of going into bars like this. Hindi rin ako umiinom ng alak at ayoko ng feeling ng lasing. Sinabi ko sa sarili ko kanina na uupo lang ako ng mga thirty minutes tapos uuwi na ako pero hindi na ako nakauwi. 

Nag-karaoke party sila at nagpakalasing, samantalang ako tinitipid ko ang watermelon juice na ininom ko. 

Lasing na si Irene at si Pats pati na rin ang mga managers na kasama namin dito sa VIP Room nang iwan kami ni Kenji. Pero napansin ko si Red na nakaupo lang sa couch at mukhang nasa wisyo pa naman siya. Masyado siyang matino para sa isang lalaki, iyon siguro ang flaws ni Red. 

Mayamaya pa ay napagdesisyonan na nilang umalis dito at dinala pa ni Irene ang beer niya. Hindi ko rin napansin wala na pala si Red, malamang nabagot na iyon. 

Chance ko na sana itong umalis pero hinatak ako ni Pats at Irene na lasing na papunta sa dance floor. Ito pa naman ang lugar na iniiwasan ko dito dahil hindi ko kayang tumagal sa mataong lugar. 

Nagsayawan sina Irene at parang wala nang pakialam sa paligid nila. Irene even poured the beer on her chest as if she's already lost. 

Nagulat ako nang mag-twerk ito sa kung sino-sino at biga ulit niya akong hinatak. 

"Sumayaw ka! Show me how a trash like you would dance!" nagsitawanan naman ang ibang tao sa sinabi ni Irene. Hindi lahat ng tao rito ay taga Cisco, I would know it at first glance. Pero kasama ni Irene ang mga trainees na besties niya. 

"Hey!" 

Dumating si Nate na may hawak na champagne at nagulat ako nang bigla niyang hawakan sa baywang si Irene at parang okay lang naman ito sa kanya. May ibinulong pa si Irene sa kanya. 

Napahinto naman ang lahat nang biglang namatay ang ilaw at ang tugtog. Wala akong makita at may mga nakatulak sa akin kaya nadapa ako sa sahig. Kinapa ko ang sahig at tumayo. Sa mga oras 'to kinakabahan na ako. 

Hindi maganda ang pakiramdam ko kapag naiisip kong hindi pa ako makakaalis ngayon din dito. 

Biglang bumukas ang ilaw at bumalik ang tugtog. Ngayon ko napagtanto na nakarating ako sa gitna. 

"Yey!!" sigaw ng mga tao at pagkatapos ay nakarinig ako ng pagputok dala ng pagbukas ng champagne. Hindi ko inasahang didiretso ito sa mata ko kaya napapikit ako at hindi ko naibukas ang mata ko nang ilang segundo. 

Pagbukas ko ng mata ko ay napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Irene na may hawak ng champagne na bote at pinagtaasan ako ng kilay nito. 

Dahil nakaramdam ako ng galit ay lalapitan ko dapat siya para komprontahin nang bigla namang may tumapon ng box ng confetti sa akin. Dahil basa ang katawan ko ay dumikit ang ibang confetti sa akin. 

Sa pagkakataong ito parang unti-unting humihina sa pandinig ko ang bawat hiyaw ng mga taong nasa paligid ko guni-guni ko lang ito dahil gusto ko na talagang tumakas sa lugar na ito.

It has always been like this, there will always be the ones who will make me realize I don't belong to anywhere, at kahit gano'n, pilit ko pa ring sundin ang mga gusto kong gawin, dahil pinaglalaban ko ang karapatan kong mangarap. 

Gusto kong itago at ipunin ang luha ko, dahil ayokong kaawaan o pagtawanan ako ng ibang tao sa lagay kong ito pero tila kusang tumulo ang mga luha ko. 

Akala ko, hindi na ako iiyak nang dahil sa mga ganitong bagay. 

Nasilaw ako sa ilaw na nakatutok sa gawi ko pero agad ding naglaho dahil umiikot-ikot ang mga ilaw dito sa dancefloor. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Kenji na papalapit sa akin. 

The Runaway HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon