Faith's P.O.V
NAGISING ako dahil sa alarm ko. Inabot ko ang alarm clock ko sa table malapit ng kama ko para patayin. Madilim pa rin ang kwarto ko kahit alas otso na ng umaga. At ayoko pang bumangon.
Napasapo ako sa ulo ko dahil ramdam ko ang bigat na para bang may nakadagan dito. Ayoko pa talagang bumangon pero nasusuka ako kaya bumangon ako at dumiretso sa CR.
Alam ko paulit-ulit na lang pero, ayoko na maglasing talaga.
Naghilamos lang ako at nag-toothbrush para maalis nag lasa ng alak at suka ko. Paglabas ko ay saktong may nag-do-doorble. Sinilip ko lang sa butas at may delivery man sa tapat.
Pagbukas ko ng pintuan ay nailabas na nito ang isang paper bag na kahit hindi ko pa naamoy ay alam ko nang pagkain.
"Hindi po ako nagpa-deliver," saad ko sa rider ng Food Panda habang pini-picturan ako nang iniabot ang pagkain sa akin.
"Nagpadeliver po si Sir Red Castromayor. Sent na po ang proof of delivery..." anito saka binulsa ang cellphone at akmang aalis na sana siya nang bigla kong pinigilan. "Ano'ng sent kuya? Sinend mo ba nag picture ko? Teka lang naman kuya..."
"Opo Ma'am."
Nang umalis ito ay muntik na akong mangalumbaba. Pagpasok ko sa loob tumapat pa talaga ako sa salamin sa maliit na hallway papasok sa sala.
Ang gulo ng buhok ko na para akong ginahasa.
Nagpadala si Red ng bulalo kanin at may dessert pa. Tamang-tama dahil gutom na ako at mainit pa ang sabaw.
Pinaghain ko ang sarili ko at nilantakan ang sabaw.
The soup is really good, savory at lasang-lasa mo ang Pinoy spices. Parang nanuot ang lasa ng karne dahil alam mong matagal itong pinakuluan. At ang karne, fall from the bones talaga!
Payapa at tahimik naman ang agahan ko, kung hindi lang ako napahinto nang may mga alaalang biglaang nagsulputan sa akin na parang hindi sa akin.
I remember drinking with Maico's friend...
I remember dancing in the bar with Maico's friend...
But Maico's friend disappeared...
Then another man came...
Naka-black suit, may salamin, nakaayos ang buhok aakalain mong nagbebenta ng insurance.
I danced with him...
"Ahhh!!!" napasigaw ako at napailing-iling nang may pamilyar na boses ang umalingawngaw sa isipan ko habang binubulabog ako ng mga alaalang iyon.
Ginulo-gulo ko ang buhok kahit magulo na at gusto kong sampalin ang sarili ko hanggang sa ma-delete ako ngayon sa earth.
'Di ba?
Minsan gusto talaga natin maglaho na lang...
Hanggang sa nakakain na ako ng breakfast at nanonood sa sala ng bagong version ng 'Eat Bulaga' paulit-ulit na nag-replay sa isipan ko kung paano ako gumiling sa harapan ni Red kagabi.
Oh my gosh!
Sa pagkakakilala ko pa naman kay Red ay hindi siya mahilig sa mga gano'ng babae! Ang layo ng ugali ko kay Anikka! Walang ka-elegante man lang! Hindi ka na natuto, Faith!
Muling nag-ring ang cellphone ko pero hindi ko sinilip. Kanina pa rin ring nang ring ito pero parang may phobia akong tignan.
At dahil mababaliw ako kakaisip sa bahay, naisip kong mag-pamper na lang. Since magpapa-salon dapat ako today, itutuloy ko na lang.
BINABASA MO ANG
The Runaway Hearts
RomanceWhen a woman searching for her purpose in life meets a man who has been living a soulless life, she unintentionally falls in love with him secretly and chose to run away from him everytime she's given the chance to tell him how she feels. *** Faith...
