Chapter 28: To the Island

469 21 6
                                        

Faith's P.O.V

HINDI pa rin talaga ako nasasanay sa pagsakay ng eroplano. Nahihilo pa rin talaga ako at parang naduduwal. Buti na lang si Kenji ang katabi ko sa plane at binigyan niya ako ng mint candy.

May sumundo sa aming bus ara ihatid kami sa port dahil kailangan ng boat transfer papunta sa Isla. Pagbaba kong ng bus at nang makita ko ang boat ay parang naduudwal na agad ako.

"Ready ka na?" untag sa akin ni Kenji at saka inagaw pa ang hawak kong travel trolley bag.

"Mabait naman ang alon ngayon..." pilit kong pangungumbinsi sa sarili ko habang naglalakad sa tulay papunta sa boat. Napatawa lang naman sa tabi ko si Kenji.

"Sukaan mo ako, okay lang," nilahat pa nito ang sarili sa harapan ko habang paatras na maglakad.

At ayon na nga, masaya ang alon today kaya nagkakagulo rin ang sikmura ko.

Nakatakip lang ako sa bibig ko dahil baka bigla akong sumuka. Hindi rin ako nakatingin sa dagat dahil baka lalo akong masuka.

"Kailangan mo 'tong makita, Faith..." kanina pa ako sinisiko ni Kenji na napaka-excited.

Bago kami nagpunta rito ay may announcement ng mga buddies. Ibig sabihin sila 'yung kasama mo sa transportation papunta sa venue ng team building, dahil marami kaming trainees gusto nila may ka-pair silang permanent employees nang sa gano'n ay hindi sila mawala sa event. Obvious naman na si Kenji ang pair ko.

"Ayaw ko. Ikaw na lang," sabi ko naman at nakayuko pa rin.

Napahinto ako nang may dumamping mainit sa magkabilang palad ko at pilit pinalingon sa kanan. Napagtanto kong mga kamay ni Kenji ito at abot tenga ang ngiti niyang nakatingin din sa dagat at sa buong isla.

Parang kumislap ang mga mata ko nang makita ko kung gaano kaganda ang kulay asul na dagat at ang mga islang nakapalibot dito. Para akong dinala sa paraiso.

Ito pala ang ibig sabihin ni Kenji na dapat ay makita ko.

Ang sarap at ang lamig ng simoy ng hangin na para pang tinatangay ang lahat ng pagod ko.

Nang maramdaman kong hindi pa inaalis ni Kenji ang mga kamay niya sa pisngi ko ay kumalas agad ako dahil pakiramdam ko may mga matang nakamatyag.

Kasama ko sa flight sina Irene at Pats. Gano'n pa rin ang tingin ng dalawa sa akin, wala pa ring nagbago kahit ilang buwan na kaming nagtatrabaho sa Cisco. I think they are already permanent in the company pero hindi maiwasang trainee pa rin ang tawag sa amin dahil minsan naging palayaw namin iyon. Narinig ko rin na under na sila kay Anikka.

"Are you bullying her again?"

Naantala naman kaming dalawa ni Kenji ang lumipat si Red sa tabi ni Kenji. Wala siyang buddy at hindi na nakakapagtaka kung bakit.

"Sino bang naunang nang-bully sa kanya?" mataray na saad naman ni Kenji.

"We'll start the game in an hour after we reach the island. Are you both ready?" tanong naman ni Red at napaiwas na lang ako ng tingin dahil paguran ang running man na tinutukoy nilang game.

Nakapag-adjust ang katawan ko sa alon sa dagat. Mabilis naman na kaming nakarating sa isla at nag-check in na agad sa mga rooms namin. Kasama ko sa silid sina Irene at Pats, kung swineswerte nga naman. 

Hiwalay ang villa ng mga boys sa mga girls. As usual, pagkadating namin walang pahinga-pahinga ang dalawa at kaagad na nag-aura sa dagat. Hindi nila ako kinibo at hindi ko rin naman gustong makipag-usap sa kanila. Nasa katabing room si Jimin at sana nga doon na lang din ako na-assign. 

The Runaway HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon