Chapter 13: Everything Hurts at the Start

462 22 2
                                        

Faith's P.O.V 

WALA naman talaga akong balak na mag-lunch ngayon sa cafeteria kaso nakailang tawag na sa akin si Ran kaya naman sinabi ko na susunod na lang ako.

Binulsa ko ang cellphone ko at tumayo mula sa pwesto ko dahil ayoko naman maubos ang oras ng lunch break ko.

Simula kasi nang dumistansya ako sa mga kapwa ko trainees ay sa rooftop na ako nagla-lunch. Mas mahangin nga doon at mas payapa kaysa humarap ka sa mga taong pawang pagpapanggap ang ginagawa.

Palakad ako sa hallway nang mapahinto ako dahil hinarang ako bigla ni Irene. Sa likod niya ay si Cheska at Joy na sa ibang team na-assign.

Napaatras ako nang bigla siyang lumapit sa akin habang nanlilisik ang mga tingin.

"I still don't get why a trash like you keeps coming back here? Nakakahiya ka!

Tinulak ako nito dahilan upang mapaatras ako nang malaking hakbang. Nagkataong walang tao rito sa hallway dahil nasa Cafeteria na ang karamihan kaya matapang siguro ang babaeng ito.

"Nag-sign ako ng 3 months na contract dito," nakipagtagisan naman ako ng tingin sa kanya.

"Wala kang karapatan magtrabaho kay Red at Kenji, dahil matatalino sila. You're stupid, freak and poor! You don't belong here, idiot!"

"Teka lang, na-stuck ba ugali mo sa High School? Nasa trabaho na tayo, Irene. Ayusin mo ugali mo," inirapan ko siya at tinangkang lagpasan siya ngunit hinarang ako ni Cheska pati na rin ang Joy na kasama niyang parehas niya kalahing bruha.

"Ayusin mo ang nilulugaran mo! You don't have the right to work with Red and Kenji. Pinapahirapan mo lang ang trabaho nila nila. Isa ka lang namang hampaslupa na kinaawaan nila. Don't you see? ikaw ang naiiba sa company na to!" humalakhak pa ito sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Your hair, your clothes shoes and you smell like pulubi!"

Dahil biglang kumalam ang sikmira ko inis kong binangga ang dalawang humarang sa akin.

Halos magkasabay lang kaming dumating sa cafeteria ng mga maldita. Syempre back to anghel mode na naman sila dahil halos lahat ng nakakasalubong nila ay binabati nila.

I was informed last week na out of 100 Trainees na tinanggap nila, 50 lang daw ang ipapasa nila.

Kaya siguro sobrang competitive ng mga ito.

Nakasingit pa nga sila sa unahan dahil may mga kanya-kanyang staffs na silang close samantalang ako wala. Hindi ako makahanap ng mga pwedeng i-approach dito dahil pakiramdam ko kalat sa buing office na nag-eskandalo sa office ng client ang nasahol nadadagdagan pa ang mga chismiss na naikakalat.

Kumuha na ako ng plato nang makarating na ako sa counter.

Bilib din ako sa plato rito, ang laki, rectangle ang hugis at maraming silid. laging tatlong klase ang ulam. Dalawang klase ang protein at isang gulay. Unli rice rin. May dessert din at soup.

Kaya raw may pa-free lunch at coffee shop dito sa Cisco ay para maka-focus ang mga empleyado sa trabaho at hindi na problemahin ang kakainan dahil karamihan sa kanila panay late-lunch na lang, kaya napaka-thoughtful naman ng nakaisip nito.

Nang makargahan ko ang plato ko ay natanaw ko ang table nila Ran. Red is also with them, pati ang mga higad na dikit nang dikit sa kanila. May kanya-kanyang grupo kasi ng managers ang magkakasama and Red seemed to be with his co-managers, si Marga at Nate.

Mukhang wala rin naman akong pwesto roon maya doon na lang ako sa bakanyeng table malapit sa bintana kaya dadanan ko pa rin ang table nila.

Nang malapit na ako sa table nila ay yumuko ako kaunti para ang labas hindi ko na lang sila nakita.

The Runaway HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon