Faith's P.O.V
HINDI ko pa nabubuo ang unang linggo ko sa trabaho pero pakiramdam ko nasa isang buwan na ako nagtratrabaho. The work at Cisco is on a greater level and at a faster pace. I was told na may learning phase naman dito pero mukhang scam din gaya ng ibang company na sa una lang sasabihin na understandable na matagal ka at may training period pero mukhang wala sa team namin.
Red mobilized the three of us as if we're already aware of the project. Tinutukan kami ni Ran nitong nagdaang araw para lamang ipaintindi sa amin ang project na hawak namin.
It turns out our client is a well known corporation and is under investigation internally. Kailangan namin tulungan si Red sa pag-imbestiga ng mga dokumentong ibinigay sa amin kaya naman puno ng papeles ang mga lamesa namin at mayroon pang bundle na bagong dating na nasa likuran ni Red. Ang trabaho namin nina Irene at Pats ay i-document ang mga impormasyong nakalap namin sa mga papeles na ito. Noong nagtrabaho ako sa law firm, halos ganito rin ang trabaho ko, mas madami nga lang ang binibigay na dokumento at hindi ko mahabol sina Pats sa bilis nila.
"Faith, wala pala ako mamaya. Si Red ang mag-re-review ng trabaho mo kaya ayusin mo ha?"
Pagkatapos ni Ran masabihan si Irene at Pats nang mabilisan ay lumapit naman ito sa akin at pansin kong hininaan pa niya ang boses niya upang hindi marinig ni Red na kasalukuyang nakatutok sa kanyang dalawang monitor.
Alam ni Ran ang kalidad ng trabaho ko at marami siyang binabalik sa akin kaya napapikit-mata na lamang ako. "Ayaw ni Red nang maraming red marks sa umpisa pa lang at isasauli niya 'yon sa 'yo kaya ayusin mo kaunti ha?"
Napatango-tango ako with a teary-eyes dahil gusto ko pigilan si Ran na umalis dahil hindi ko pa kayang humarap kay Red at ipakita ang trabaho kong ikaiinit ng ulo niya. Mukhang perfectionist kasi si Bossing at mismo kay Ran ay marami siyang pinapabago. I think he has another team that works for him dahil may ibang empleyado pang lumalapit sa kanya para lang magpa-approve o magpa-sign ng documents. Naririnig ko rin sa pantry na pinaguusapan siyang magaling at gusto ng iba nga ay magpa-train under him. Nabanggit nga rin nila na sure ang promotion kapag si Red ang nag-re-reccommend sa isang staff. No wonder marami akong staff na nakikitang mabait sa kanya pero dahil maldita ako, 'pasipsip' ang tingin ko d'yan.
Hindi ko rin namalayan na ilang oras na pala ang nakalipas. Tumayo ang balahibo ko nang magpasa si Irene at Pats ng trabaho nila at pina-early lunch pa sila. Sa totoo lang wala pa akong kain hanggang ngayon dahil hindi na ako nakapag-almusal at hindi rin ako nakapag-break dahil sino ba naman ako para umalis sa puwesto ko kung wala pa akong nauumpisahan.
Ang lamig ng aircon pero parang pinapapawisan ang noo ko kasi nahuhuli ko sa gilid ng mata ko na tumitungin si Red sa akin. Siguro nakakahalata na siyang wala pa akong nagagawa masyado.
***
NAG-commit ako ng after lunch na deadline kay Red para sa deliverables ko kaninang umaga. Tinapos ko ang trabaho ko sa paraan na alam ko at tinuro ni Ran nitong lunch at dahil sa kaba ko, humingi ako ng payo kay Ran na sa kanya ko muna ipapa-check ang document ko.
Panay pikit ang mga mata ko tuwing naririnig ko ang pagbuntong-hininga ni Ran habang kausap niya sa telepono ang IT na kinausap niya tungkol sa email na maling na-send ko.
Hindi ko talaga in-expect na ganito kabilis ang trabaho rito o 'di kaya ay sadyang namahinga na ang utak ko at parang nahihirapan na ako mag-catch up sa mga instructions.
Aminado naman akong hindi ako matalino at slow learner ako pero sobrang na-pre-pressure talaga ako tuwing tumitingin si Red sa akin. Lalo na noong hinanapan ako ng i-re-review niya.
BINABASA MO ANG
The Runaway Hearts
RomanceWhen a woman searching for her purpose in life meets a man who has been living a soulless life, she unintentionally falls in love with him secretly and chose to run away from him everytime she's given the chance to tell him how she feels. *** Faith...
