Chapter 15: Newfound Friend

198 15 4
                                    

Faith's P.O.V

10 years ago...

MATINDING Summer ngayon sa Maynila at dahil kasal ng kapatid ni mama ay lumuwas kami rito. Ibang klase ang init dito dahil kaunti lang mga puno at puro buildings ang nakikita ko.

Binigyan pala ako ni Mama ng 100 pesos pambili ng meryenda sa convenience store kaya naman pagkatapos ng hapunan kanina ay dumireso ako doon.

Bumili ako ng mga tsokolate at nakasubo ang ice pop sa akin habang palakad-lakad dito sa tulay. Sa ibaba nito ay ang Ilog ng Maynila.

"Lalalalalalalala~"

Dahil feeling ko nasa movie ako ay kumakantakanta ako habang humahangin ang buhok ko.

Sa hindi kalayuan ay may nakita akong lalaking estudyanteng nakahawak sa kapitan ng tulay. Parang ang layo ng tingin nito sa ilog.

Napatingin ako sa higpit ng pagkakahawak niya roon at parang hindi siya gumagalaw.

Nang palapit na ako sa kanya dahil dadaan ako sa likod niya ay napansin ko naman ang paa niyang nakatiklay.

Nang malagpasan ko siya ay biglang napabagal ang hakbang ko at hindi ko maintindihan kung bakit naiwan sa isip ko ang mukha niyang nakatitig sa ilog kanina na para bang walang kabuhay-buhay.

Mariin akong napapikit at lumingon sa kanya na ganoon pa rin ang tindig.

"Hoy! Magpapakamatay ka 'no?"  nakapamaywang kong saad sa kanya pero parang wala naman siyang pakialam.

"Huwag kang magpapakamatay. Wala nang magagawa ang mga patay. Tumatakas ka lang sa kung anong dahilan mo para mamatay..."

Napakurap ako ng ilang beses pero hindi pa rin niya ako nilingon.

Kaya wala akong choice kundi binatukan siya. Gulat naman itong napatingin sa akin.

Bigla akong nasindak sa mga masasamang tingin niya sa akin kaya kaagad akong tumakbo palayo sa kanya.

***

Back to reality kahit muntik nang mamatay kagabi. Nagbigay ako ng tip kay kuya Angkas kanina kasi ang bilis niya magpatakbo at naihabol niya ako rito sa office.

Nagmadali akong tumakbo at humabol sa elevator at buti na lang naisiksik ko pa ang sarili ko.

Tumingin ako sa salamin at ngumiti dahil ang ganda ko ngayong araw. Feeling second life yarn?

Nakarating ako sa 19th floor nang maayos, walang hassle at masaya dahil buhay ako.

Nag-tap lang ako ng I.D ko sa biometrics scanner, pwede rin kasi finger prints pero hindi pa ako registered dito kaya I.D lang muna.

Nadatnan ko sa lobby si Red na may kausap na staffs. Parang may ine-explain pa ito sabay taas ng sleeves niya hanggang siko.

Sa sandaling segundo na palakad ako doon ay tila bumagal ang takbo ng mundo ko at biglang nag-flashback sa akin ang nangyari kagabi.

This boss that I hated saved my life last night.

"Faith!" napaatras ako nang biglang may tumawag sa akin sa realidad. Napansin ko sa harapan ko si Marie. Bakit ba biglang sumusulpot ito?

Ay pero Director pala siya jaya dapat mabait ako.

"Good Morning po..." bati ko naman sa kanya.

"I heard what happened last night. Wala naman bang ibang masakit sa iyo? Dapat nagpahinga ka muna. I can't even imagine how scared you were last night!"

The Runaway HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon