Chapter 3: First Mistake

799 16 1
                                        



Red's P.O.V

MAYBE it was too delusional of me to think that it only has been a few minutes since I last stared at the window when it still bright outside, and now that I glanced at it, it's already dark.

Napatayo naman ako sabay sinisiksik ang mga kamay ko sa aking mga bulsa para maglakad papunta roon. The majority of the staffs have also left work because it's 11pm, what do I expect?

Nagubos lang ako ng mga dokumentong pinapa-review sa akin bago ipasa sa client. Samantala ay kinuha ko naman ang cellphone ko mula sa bulsa ng coat ko at nakita kong walang ni isang laman na notification ang cellphone ko.

I checked my inbox and saw the last message I have sent this morning. It says here 'Good Morning' and 'Read 9:14 am'

Hindi naman ako nagalinlangang mag-send ulit ng message dahil gabi na, wala na palang sumunod na message bukod sa message ko kaninang umaga.

"Sabi ko na nga ba, hindi ka pa rin nakakauwi."

Napabalikwas ako ng tingin sa may pintuan kung saan nakasandal si Marie. Hindi rin naman nakakagulat na nandito pa siya hanggang ngayon dahil halos parehas lang naman kaming nagpapaalila sa trabaho.

"I just finished reviewing what I had to. Nakakahiya naman sa mga staffs kong nagtratrabaho ng walong oras mahigit para lang habulin ang deadline na sine-set ko," saad ko naman sabay napabaling sa mga pwesto ng team ko.

"Alam mo totoo iyan," napangusong sabi naman nito habang palakad palapit sa akin. "We had to do our part kahit wala na tayong tulog.." natatawa pa ito.

"Pauwi ka na ba or, may hinihintay ka pa?" sunod na tanong naman nito sabay napansin kong napatingin din siya sa cellphone kong naka-flash sa messages. Agad ko namang ni-lock ito.

"Pauwi na rin, kung hindi ka lang pumasok."

"Parang namumutla at namamayat ka na, kumakain ka pa rin ba? I hope you take care of your health too. Alam ko paulit-ulit ako pero, huwag kang mainis sa akin..." muli na naman nitong pagpapaalala sa akin.

Napahalakhak na lamang ako nang mahina. I have been listening to her nags for years already, nakakatuwa minsan na hindi siya nagsasawa rito. I guess, even Marie have changed a bit over the past years, her closeness to us never changed. Isa ako sa malapit kay Marie noong kapanahonan na siya ay isang manager. She was also the one who pushed me into the position I am now. Kung mayroon man akong nakakatandang kapatid na nawawala, mukhang si Marie na agad ito.

Tumunog naman bigla ang phone ni Marie dahil may tumatawag sa kanya. I saw the caller id of the one who is calling and smiled when Marie turned it off.

"Did you guys fight again?" I smirked.

"Hayaan mo na 'yung taong iyan" nakasimangot namang sabi nito na tila nasira ang mood niya bigla.

The one who called Marie is her long-term boyfriend, Luis who was also part of the circle of friends we had here in the company but Luis had to leave the company last year for a better opportunity. Silang dalawa ni Marie ang tumulong talaga sa akin dito sa Cisco.

"I'm sure Luis is worried now. Go drop him a message at least..." pangungumbinsi ko naman dito. May kaunting tampo pa rin kasi si Marie kay Luis mula nang nag-Korea ito para sa isang 6-month project contract doon bilang parte ng portfolio niya para sa promotion sa bago niyang trabaho.

"Luis is fine, pero ikaw umuwi ka na. Annika was with me the whole day in the management meeting. Probably she is with her Dad tonight for a dinner with a potential client."

The Runaway HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon