Chapter 29: Debris of a Wrong Love

424 25 5
                                        


Faith's P.O.V 

NAGKAROON kami ng free time ngayong umaga i-enjoy ang mga activities dito sa isla. Yinaya ako ni Kenji na mag-island hopping ngayon kaya kabado bente ako dahil baka mamaya sumuka ako sa barko. 

Kukunin ko na sana ang life vest na nasa mesa nang bigla naman akong inunahan ni Kenji. Hindi na rin ako nakagalaw nang sinuot niya ito sa akin. 

"Red will join the Island hopping, make sure you stick to me like a gum..." malamig ang boses na pinakawalan ni Kenji dahilan upang malito ako sa kanyang pagkakasabi. Hindi ko siya matignan sa mata dahil sa naging usapan namin kagabi. 

Humakbang ako palayo sa kanila dahil hindi ako dapat nandito. Sa paglalakad ko nang patuloy at hindi alam ang patutunguhan nakita ko si Kenji na ilang hakbang ang layo sa akin.

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.

"I believe, I tried warning you..." napaangat ako ng tingin sa kanya nang siya ay magsalita.

"Hindi ka pwedeng mahulog kay Red..." wika pa nito dahilan upang namuo nang tuluyan ang mga luha sa mata ko at kusa na itong tumulo sa aking pisngi.

"...at siya ang dahilan kung bakit," ang tinutukoy naman nito ay si Anikka--ang babae sa buhay ni Red. 

Lumapit si Kenji sa akin dahilan upang lalong hindi ko siya kayang tignan sa mata. Pinunasan ko ang mga luhang bumagsak dahil hindi ko naman gustong makita niya ako nang ganito. 

"But you still fell from him even knowing that he is madly in love with someone else..."  

"T-Tara na..." tanging nasabi ko at akmang hahakbang upang lagpasan siya ngunit bigla niya ang hinawakan sa kamay at pilit pinaharap sa kanya. 

"You  never changed, Faith. When you're in high school, you still let other people hurt you, and even when you've grown enough to protect yourself, you still live like this..." nanlilisik na tumingin sa mga mata ko si Kenji at para bang napako ang mag tingin ko sa kanya. Ako'y tila nalunod sa pagkalito sa kanyang mga sinasabi. 

"Hanggang kailan ka mabubuhay nang ganito?" 

Kumalas ako sa pagkakahawak ni Kenji, "Buhay ko ito, wala kang pakialam..." tuluyan akong nadala ng damdamin ko. 

"Alright..." kalmado nitong sabi,"Just don't cry anywhere I'll see you...Don't look at me like you want me to save you..." napaigiting panga naman ito. 

"If you won't let me save you...don't confuse me anymore..." he gasped. "Don't let me remember that feeling of being a loser to him." 

Bumalik ako sa kasalukuyan nang maayos na ni Kenji ang vest ko at iniabot naman sa akin ang plastic cellphone holder na kasama sa kit na ibinigay sa amin para sa Island Hopping. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat na pagkakaintindi ko sa mga sinabi ni Kenji kagabi. 

Nakapila kaming sumampa sa bangka. Nakita kong magkatabi si Marie at Red kaya tinapik ni Red ang bakanteng pwesto sa tabi niya nang makita niya pero bigla naman akong hinila ni Kenji sa tabi nito. 

Mula kagabi hindi pa ulit kami nag-usap ni Red dahil naabala kami kagabi sa kanya-kanyang grupo na sinamahan namin. Tinawag ako ni Jimin at pinakilala sa mga colleague niya kaya nandoon ako sa pwesto niya buong gabi. Samantala si Red ay naabala sa kapwa niya managers, dahil doon naman talaga dapat siya nakikisalamuha, hindi sa katulad kong wala namang maipagmalaki. 

Nang umandar ang barko ay napansin kong sumama si Anikka kina Marie, may kasama rin silang ibang managers at mukhang masaya ang kwentuhan nila. 

Tumingin lang ako sa dagat at hinayaan ang hangin at alon na aliwin ako. 

The Runaway HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon