Faith's P.O.V
GINAWAN ako ni Cheng ng lugaw dahil lasing akong nakauwi kagabi. Hindi nga siya makapaniwala na lasing akong umuwi dahil ang paalam ko rin naman ay may bibilhin lang ako sa labas.
"Babae ka, sa susunod na iinom ka magsasabi ka para aasahan ko na kailangan kitang kaladkarin umuwi," paalala naman ni Cheng sa akin habang pabalik-balik sa kwarto niya dahil nagbibihis na siya papuntang trabaho.
"Kung 'di ka pa inuwi ng boss mo, malamang nasa kalye ka pa rin hanggang ngayon..." dagdag pa nito sabay nanlaki ang mga mata ko.
"Boss ko?" gulat akong napatingin sa kanya at saglit kong inalala ang mga nangyari kagabi.
Nagkita nga kami ni Red kagabi sa Convenience Store, bibili lang naman ako ng Cup ramen dahil itutuloy ko sana ang cartoon na pinapanood ko pero napansin kong parang hindi siya okay kagabi kaya doon na ako kumain.
Nang bumili siya ng beer ay inisip ko na baka maglalasing siya kaya nagmagaling ako na magpaiwan para may maghahatid sa kanya sa taxi para umuwi pero ako naman itong lasing na inuwi pa niya.
Napayuko ako sa mangkok ng lugaw at nasawsaw pa ang buhok ko doon kaya agad na lumapit si Cheng sa akin sabay sinapak ako sa braso.
"Nakakahiya!" napatakip ako sa mukha ko, dahil hindi ko talaga kayang humarap sa kanya ngayong araw. Mabuti sana kung wala akong maalala pero naalala ko lahat!
"Suntokin mo nga ako isang beses! Para may dahilan ako mag-sick leave..." sinundan ko si Cheng at kinulit pero iniiwasan naman ako nito.
"Tumigil ka nga! Hindi ka naman lugi eh, napakagwapo ng naghatid sa iyo kagabi. 'Kala ko artista..." may halong kilig pa ang boses nito pero nakasimangot lang ako.
"May girlfriend iyon," nagmartsa ako pabalik sa lamesa at itinuloy ang pagkain ko.
"Oh, tapos? Eh kung mas maganda ka naman?" ani naman nito.
"Hindi ako malulungkot nang ganito kung maganda ako 'te," paglilinaw ko naman sa kanya.
"Lahat tayo babae," biglang naging seryoso ang boses nito habang sinusuot ang boots niya. "Hindi ka lang nabubuhay bilang babae, paano puro cartoons at comics ang pinagkakaabalahan mo."
Alam ko ang lifestyle na sinasabi ni Cheng, marahil ay katulad ito ng pamumuhay niya na every week nagpapa-facial siya, 'tapos nagkaka gluta drip din siya. May dermatologists pa iyan kung saan niya pinapa-check up ang mukha niya tuwing nagkaka-pimple. Nagpapa-salon at nagpapa-manicure/pedicure pa 'yan buwan-buwan.
Dahil hindi ko naman afford ang mag-absent today ay naghunos-dili na ako at nag-commute na lang papuntang office dahil ayaw ko munang mag-angkas ngayon.
Dumaan muna ako sa Coffee Shop ng Cisco ay kumuha muna ako ng Decaf na kape, at naabutan ko naman si Kenji doon na pumipili ng pastries.
Dahil naintriga rin ako sa pastries ay yumuko rin ako oara pumili ng idadagdag ko sa order ko tutal libre naman ito.
"Woah may cheesecake!"
"Gusto mo ba?" napatingin naman sa akin si Kenji kaya napatango-tango ako.
Kinuha ko ang cheesecake at red velvet naman kay Kenji. Dahil maaga pa naman kami ay naisip naming kumain na lang dito since wala rin naman masyadong tao.
"Hmmmm," napapikit ako sa sarap pagkatapos ng unang subo.
"May hangover ka ba?"
Nabilaukan ako nang marinig ko ang sinabi ni Kenji kaya uminom ako ng kape pero napaso lang din naman ako, kaya humingi ng tubig si Kenji sa counter.
BINABASA MO ANG
The Runaway Hearts
RomanceWhen a woman searching for her purpose in life meets a man who has been living a soulless life, she unintentionally falls in love with him secretly and chose to run away from him everytime she's given the chance to tell him how she feels. *** Faith...
