Faith's P.O.V
"RED!? Anong ginagawa mo rito!?"
Nahulog ko pa ang shopee parcel ko sa gulat nang makita siya rito. Aba ay hindi ko naman inisip, as in never ko inisip na makikita ko siya rito!
"A-Ano ba, magpapasa naman ako ng papeles sa office bukas. Hindi mo na ako kailangan tuntonin pa rito para lang pagalitan..." agad ko sabi sa kanya at dahan-dahan kinuha ang shopee parcel ko na para bang baril 'yung naibaba ko at takot na takot akong lumapit siya.
Tumayo naman ito sabay lumapit sa akin kaya hinarang ko ang isang kamay ko at prinotektahan ang shopee parcel ko, pero hindi ko rin alam bakit ko ginawa 'yon?
"I just came here to ask some questions, would you be available for--"
Naudlot ang sasabihin sana ni Red nang biglang tumunog ang tiyan ko. Napahawak kaagad ako sa tiyan ko kasi ang lakas ng tunog kapag nagugutom ako. Hindi pa pala kasi ako nag-dinner kasi tumawag si Mama kanina at ang dami niyang chika tungkol sa kapitbahay namin.
"I guess, we'll have to eat first before that..." tumikhim naman ito sabay tumingin sa kanyang cellphone niya.
"May malapit na restaurant dito--"
"Ahh. Ayoko, huwag." maagap kong saad sa kanya. Pero tumunog ulit ang tiyan ko.
"Walking distance lang, let's go. This will be quick."
Alam mo 'yung ayaw ko naman dapat sumama pero kusang gumalaw ang katawan ko nang mapatiuna siyang maglakad?
May malapit na Japanese Restaurant sa Condo na never kong inisipang pasukin dahil alam kong ginto ang bayad ng pagkain nila rito.
Pinaupo lang ako ni Red sa may malapit sa bintana at siya ang um-order sa harap. Doon kasi mag-o-order, at walang kukuha ng order mo pero meron namang mag-se-serve nito.
Ilang minuto lang bumalik na si Red at umupo sa tapat ko habang sinusuksok ang wallet niya sa kanyang coat. May water namang sinerve sa amin kaya uminom muna ako para huminto kaunti ang tiyan ko.
"I see you're a Dragon ball fan..." gulat ako napatakip sa katawan ko sa sinabi niya.
"If you cover yourself like that, they'd think I'm harassing you," mariing napapikit naman ito at parang nainis sa ginawa ko.
Ngayon ko lang din napagtanto na naka-pajama lang pala ako samantalang naka-formal ang mga taong kumakain dito.
"Nanonood ba kayo ng Dragon ball?" bulong ko naman sa kanya.
"Until the latest season, yes." Tipid nitong sagot habang inaayos ang cutleries namin.
Sa likod ng isipan ko tawang-tawa ako kasi una medyo natutuwa akong malaman na may mga na-stuck pa pala sa era na 'yon kung saan sa umaga pinapanood ang Dragon Ball sa GMA 'tapos kailangan mo pa paluin 'yung TV para umayos kasi mas malabo ang GMA at mas malinaw ang ABS-CBN sa amin.
Pero bigla naman akong bumalik sa ulirat nang maalala kong ang taong pala na ito ay ang siyang nagwakas ng pangarap ko sa dream company ko kaya tinignan ko ulit siya nang masama matapos ako ngumiti.
"Here's your order, Ma'am and Sir. Tonkatsu Ramen and Miso Ramen. Side dish, takoyaki and fried dumplings. Complete order na po. Enjoy your meal!"
Napalunok ako nang maamoy ko ang ramen. Ang balak ko pa namang dinner sana ay Cup Ramen, dahil paborito ko talaga ang noodles na masabaw!
"Hindi na kita tinanong ng gusto mo dahil alam ko naman isasagot mo," aniya naman nito habang inaayos ang pagkain niya.
"Anong isasagot ko?"
BINABASA MO ANG
The Runaway Hearts
RomanceWhen a woman searching for her purpose in life meets a man who has been living a soulless life, she unintentionally falls in love with him secretly and chose to run away from him everytime she's given the chance to tell him how she feels. *** Faith...
