Faith's P.O.V
BUONG linggo kaming nasa field nina Red dahil nagsabay ang dalawang project niyang kailangan puntahan sa mga sites mismo.
Last week, Red was recognized on how he won another big client, and that is RosaKing. That is why, Red mobilized his team right away because he wants this project to be executed properly at marami pang pwedeng proposal ang ibigay daw sa kanila.
At ngayon, bagong araw ulit ng pagta-trabaho sa field. Kasama namin si Jimin at ang dalawang team mate namin na taga ibang department sa mga site inspection but today, Red divided the team because we have to start the project for RosaKing.
Pinaubaya muna ni Red kina Jimin ang isang project namin at ngayon sasamahan ko si Red papuntang Bataan para mag-inspect sa site ng RosaKing na sinimulan na pero hanggang ngayon ay hindi pa naitutuloy ang construction dito.
Inabot kami ng apat na oras sa byahe kahit maaga kaming umalis ni Red. As usual, ginamit namin ang sasakyan niya dahil mahirap mag-commute. Kailangan din naming bumalik sa Maynila ngayong araw dahil may meeting siya bukas.
Sayang nga lang at hindi ako nakapag-sightseeing sa daanan at tamang picture na lang sa bintana sa mga magandang lugar na nadadaanan.
Nakarating kami sa construction site at may mga nakita kaming ilang trabahador doon kaya iniwan muna ako ni Red dito sa harap dahil magtatanong siya kung sino ang pwede naming kausapin. Dala ko ang File case ni Red kung saan nilagay niya ang forms na kailangan namin i-fill out during the inspection. Nahihiya nga ako minsang hawakan ito dahil ang ayos masyado, napakalinis. Mas malinis at mas maayos pa sa mga pimples ko sa mukha.
Napatingin ako sa relo ko nang mapansin kong medyo tumatagal na akong nakatayo rito at hindi pa rin ako binabalikan ni Red kaya naisip kong pumasok sa loob.
May structure na ang building pero talagang hindi pa tapos at kinakalawang na rin ang mga bakal na naka-stock lang dito.
Dahil pakiramdam ko walang tao sa loob at may mga naririnig na akong kung anu-ano, tumakbo ako palabas.
"Miss tumabi ka!"
Narindi ako sa sigaw ng lalaki mula sa itaas pagkalabas ko dahil pagtingin ko sa itaas ay naglalagari pala siya ng kahoy at pahulog na ang naputol nitong kahoy.
Napapikit ako habang napapaatras nang biglang may humila sa akin paatras sabay napayakap ito sa akin dahil sa lakas ng pagkakahila niya.
Nakarinig ako ng malakas na pagbagsak ng kahoy sa kinaroroonan ko kanina.
"You shouldn't walk around without your safety helmet," pagmulat ko ng mata ko ay nakarinig ako ng baritonong boses. Unti-unti akong nag-angat ng tingin at nakita ko ang isang lalaking nakangisi sa akin at nakasuot ng puting safety helmet. May pagkakapal ang kilay nito at maputi ang mukha niya. Medyo singkit at matangos ang ilong.
Agad akong kumalas sa kanya nang napagtanto kong nakahawak ako sa dibdib niya.
"Hindi ka karpintero o mason, so nagbebenta ka ba ng insurance?" napangising saad nito nang magkahiwalay kami.
"H-hindi po. Kayo po?" balik kong tanong sa kanya.
"Me? I'm the Engineer in charge here. Karpintero ako sa umaga, babysitter sa gabi."
"Hala! Ikaw!" napasigaw ako sabay napaturo sa kanya kaya bigla siyang nagulat.
"Ikaw ang hinahanap ng boss ko..." saad ko.
"He is in the Stock room. Pinasuot ko siya ng PPE dahil hindi pwedeng maglibot dito nang walang suot na gano'n. He insisted on coming to get you pero sinabi kong ako na maghahanap sa 'yo..let's go."
BINABASA MO ANG
The Runaway Hearts
RomanceWhen a woman searching for her purpose in life meets a man who has been living a soulless life, she unintentionally falls in love with him secretly and chose to run away from him everytime she's given the chance to tell him how she feels. *** Faith...
