Faith's P.O.V
BINAKANTE ko schedule ko ng hapon para sa meeting with Veronica. Bago magsaktong 4pm ay nakababa na ako sa basement dahil pinuntahan ako ni Dion, ang secretary ni Red para bumaba doon dahil sa iisang kotse na lang kami sasakay.
Nakababa ako sa basement at hinanap ang si Dion. Nakita ko naman siyang naiahanda na ang sasakyan.
"Miss Faith," ngiting bungad nito sa akin at tumakbo sa likod para pagbuksan ako. Sakto namang parating na si Red na may kausap pa sa cellphone bago tinago ang kanyang cellphone. Red stood there in front of the opened door at the back but I don't plan on sitting with him.
"Good Afternoon Mr. Chairman," tipid kong bati bago ako dali-daling sumakay sa tabi ng driver's seat.
Pumasok na rin si Red sa likod at nagkatinginan pa kami saglit sa salamin pero umiwas agad ako.
Then Dion started driving.
Mukhang masayahin ang vibe ni Dion. She keeps smiling at me while he was driving.
"Miss Faith, gusto niyo po ba ng music? Baka po kasi antokin kayo, mahaba-haba po ang byahe papuntang Gilberts..." mungkahi naman nito habang nag-bro-browse ako ng documents sa tablet ko.
"Okay lang ako..." napangiti naman ako sa kanya.
"Galing nga po pala kayo ng Japan 'no? No wonder ang kinis po ng kutis niyo..."
"Ahh, haha. Yeah, maybe," nahihiya pa akong sumagot dahil hindi ko naman inasahang pupurihin niya agad ako.
"May nobyo na po ba kayo? Seems like the guys in the Investigation Department are asking if you're not going to work there anymore,"
"Ahhh..." napatango lang ako nang hindi masyado inisip ang tanong ni Dion dahil naka-focus ako sa deck na pina-pa-check ni Joyce.
"So may boyfriend na nga kayo," napahalakhak pa ito at kaagad akong napatingin sa kanya dahil mali-mali na ang nasagot ko.
"W-wala, hehehe."
"I suggest you concentrate on driving, Dion..."
Parang dinaanan naman ng malamig na hangin ang buong sasakyan nang marinig namin si Red na nagsalita sa likuran. Ang lakas pa rin niya sumira ng mood hanggang ngayon.
Pagkatapos ng halos isang oras na byahe ay nakarating kami sa Tower na pagmamay-ari ni Veronica at kung saan siya ngayon naka-vacation mode.
Nakasunod kami ni Dion kay Red. I was told by my colleague that Red's employees always behind him so I am just doing the same thing.
Pinagbuksan ni Dion ng elevator si Red at pinauna niya ako. Nang makapasok ako ay biglang nagsalita si Red.
"Dion, can you go and check my wallet in the car. Sumunod ka na lang," mabilis nitong sabi saka sinarado ang elevator. Ang ending tuloy kaming dalawa lang ang nasa elevator.
"Miss Faith..."
Namilog ang mga mata ko nang tinawag niya ako nang napaka-formal.
"I have to know first what are you going to talk about with Veronica. She's not an easy person to deal with. I we open that case to her, she'll just chase us out."
A thin line formed in my lips as I let his voice echoed in my head the same way he used to do three years ago. Parang manager ko pa rin siya at trainee lang ako. He is still the same, masyadong praning.
"We don't have to talk about business," I replied.
"What do you want to know then?"
"I just want to confirm if Veronica is really good in real estate businesses. Her profile claims that it is her expertise. She married into a business tycoon but her husband's business in automotive industry."
BINABASA MO ANG
The Runaway Hearts
Любовные романыWhen a woman searching for her purpose in life meets a man who has been living a soulless life, she unintentionally falls in love with him secretly and chose to run away from him everytime she's given the chance to tell him how she feels. *** Faith...
