Chapter 2: Redeem

937 20 0
                                        


Red's P.O.V

FOR the first time, this year I woke up late. 

I skipped riding my car this morning and decided to took the train. It's been like 3 years since the last time I rode this going to the office. After ko kasing ma-promote bilang manager, I was able to buy my own car because I really need it. I have to attend meetings from different client's offices and it's not like I can take the cab always. 

Siguro bago ako bumaba ng train ay dapat muna akong magpakilala nang maayos. 

I'm Red. I'm a taxpayer and a manager. I have been in my current company for almost 5 years. I work here as an audit manager and more on forensics ang trabaho ko. I have been promoted here on my second year as the demand of managers like me had drastically increased, dahil nga nagkaroon ng pandemic at ma-de-delay ang batch of new graduates to work. We had to make sure we retain our employees. 

Nakarating ako sa station malapit sa office. Mula rito lalakarin ko na lang papunta sa building namin. Bitbit ang sling back ng aking laptop, bumaba ako sa napakahabang hagdan ng MRT Station, at nakikipagunahan sa mga pasahero. 

Ngayon ko lamang ulit naramdaman ang pagmamadali papuntang trabaho, pakikipagsiksikan sa train at pakikipagunahan sa escalator o hagdanan. 

Pagbaba ng MRT station ay nakita ko na ang mga taong nagtitinda sa tabi-tabi. Mayroon mga kanin at ulam nang nakasupot para diretso dampot at bayad na lang. Ang iba nga ay nagdadala pa ng baonan at diretsong pinapasalin ang kaning mainit at ulam dito. 

I remember my first working years. Because I ran away from home and was disowned by my father, I had to live and survive alone. Lagi akong bumibili ng dalawang plastic ng kanin at isang ulam para may breakfast at lunch ako. Minsan, dinadaan ko na rin sa libreng kape sa office ang gutom ko. 

Napangiti rin ako nang makita kong pinagkakaguluhan ang magtataho. Kung gutom ka at gusto mong uminom ng mainit habang naglalakad, the best pa rin ang taho sa umaga. 

I glanced upon my watch when I reached the pedestrian lane. Naka-red ang lights para sa mga tatawid kaya maghihintay muna ako dito sa gilid, kasama ang mga taong kagaya ko ay nagmamadali rin. 

There is an orientation today that I have to attend. Sa mga ganitong kaganapan pa naman ay ayaw ko talagang nale-late ako. I always woke up on time when my alarm rings, I have always been punctual. Hindi ko alam kung bakit ako na-late ngayong araw, hindi naman ako nagpuyat and I even went to bed early. 

Nang mag-angat ako ng tingin ay napukaw ng atensyon ko ang isang itim na pusang naglalakad sa may pedestrian lane na para bang sa kanya ang mundo. 

The cat seems to be walking towards here so I step aside a bit, but the cat changed its way to me. 

Biglang nag-meow ang pusa sa akin. Sa umpisa mahina lang pero hindi ko pinansin pero biglang lumakas dahilan upang mapatingin ang ibang tao sa akin. 

Nakipagtagisan ako ng tingin dito dahil nag-angat pa ito ng tingin sa akin nang bigla niyang kinalmot ang black shoes ko kaya nagulat ako at napaatras. Mukhang nagulat din ang pusa sa akin kaya tumakbo ito palayo. 

Nagmadali akong sumabay sa mga taong naglakad nang pwede nang tumawid. Mabuti na lang hindi gaano kita ang kalmot ng pusa sa sapatos ko. 

Dumaan ako sa Starbucks para bumili ng kape. I bought a coffee from Tim Hortons yesterday. so I thought of buying from Starbucks this morning. 

When I got my coffee, I rushed immediately to the elevator. I had to drop my bag in my desk first and got my ipad in case I have an urgent meeting. 

The orientation is in the 19th floor, I told Marie, our Director that I will skip this year's training program because I see it as irrelevant for the past years already, but she assigned trainees under my project. 

The Runaway HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon