Faith's P.O.V
KUNG kailan naman marami akong prini-print saka naubusan ng bond paper dito sa office. Wala naman akong mautusan dahil nasa meeting sina Red at Jimin. The rest of the team have a scheduled client visit kaya naman ako lang ang natitira ngayon dito sa silid namin. Inutusan ako ni Red na gumawa ng print outs para sa presentation niya bukas dahil gaganapin ang Board Meeting.
Naisip kong magtungo na lang sa stock room para kumuha ng bond paper dahil kaya ko naman sigurong buhatin.
Same floor lang naman ang stock room. Katabi nito ang Conference Rooms na pwedeng gamitin tuwing may meeting o may client na bibisita sa office.
Pagbukas ko ng stock room ay mayroon akong babaeng naabutan doon na nakatalikod kaya dahan-dahan akong pumasok.
Habang kumukuha ako ng bundle ng mga bond paper ay napapatingin ako sa babaeng para bang may hinahanap. At dahil namukhaan kong si Anikka ito ay binilisan ko ang pagkuha ng bond paper.
Nang makuha ko ang kailangan ko ay dali-dali akong lumabas at kung mamalasin ka naman talaga ay tinawag pa niya ako pagkalabas ko ng pintuan.
Kung bakit ano bang ginagawa ng isang Director sa stock room, hindi ba may mga assistant itong mga ito?
"Wait--"
Napahinto ako dahil nasa likod ko na siya at nakakawalang respeto naman kapag hindi ko siya papansinin.
"You dropped your I.D," Paglingon ko ay nakita kong hawak na niya ang I.D ko at ang proximity card ko. Nahulog yata sa lanyard ng I.D ko.
"T-Thank you po..." yinakap ko muna ang tatlong bundle ng papel na hawak ko nang kinuha ki sa kanya ang I.D ko at ininalik sa lanyard na suot ko.
"Are you new here? Ngayon lang kita nakita?"
Malinaw naman na babae ako pero nang kumunot ang noo ni Anikka at napatingin sa akin ay parang nag-blush ako kaunti kasi ang ganda talaga niya lalo na sa malapitan.
'Yung kahit hindi mo na amoyin alam mong mabango at malinis. Sa puti niya, parang wala siyang libag sa katawan. 'Yung tipong may glutathione 'yung aircon sa bahay nila. Kami kasi puro alikabok 'yung electric fan kaya umiitim na lang ako nang kusa.
"Y-yes po. Trainee po." pangiti-ngiti naman ako pero sa totoo lang kinakabahan ako habang magkaharao kami. Hindi ko alam bakit!? Wala naman akong kasalanan pero pakiramdam ko ang awkward ng feeling...
...na kausap mo girlfriend ng taong lihim mong gusto.
'Yung alam mong wala ka namang ginagawang masama pero feeling mo may mali ka, na mali ang nararamdaman mo, at hindi mo kayang sisihin ang sarili mo dahil hindi mo naman kasalanang magkagusto sa isang tao.
"But it says on your I.D you're a staff from the Investigation Department," aniya sabay napatingin ulit sa I.D kong nakasabit na.
Nakalimutan ko pala na hindi na ako trainee.
"Ah, haha. Opo, staff na po pala..."
"I see. You must have been picked by a manager to be a coachee," malawak na ngumiti ito sa akin. "That's great. Congratulations. Bukas ang office ko kung gusto mo magkaroon ng malalaking project."
Mahinhin si Anikka at magandang ngumiti, syempre maganda eh. I somehow find comfort in her words. Mukhang hindi naman siya mataray.
"By the way, who is your coach?"
Natahimik ako at ni hindi ako makangiri dahil sa sumunod niyang tanong. Hindi naman ako maiilang na sabihin kung wala akong alam tungkol sa kanila pero dahil alam ko, ang hirap bigkasin ang pangalan ni Red sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
The Runaway Hearts
RomanceWhen a woman searching for her purpose in life meets a man who has been living a soulless life, she unintentionally falls in love with him secretly and chose to run away from him everytime she's given the chance to tell him how she feels. *** Faith...
