Faith's P.O.V
NAKIPAGKITA ako kay Marie ngayong araw. Nagpunta kami sa coffee shop na ni-recommend niya and I felt bad when I saw her tummy dahil siya pa ang naghanap ng pupuntahan namin.
At dumating na rin naman ang mga order namin. As usual, naka-decaf ako at naka chocolate drink siya. May pastries din kaming in-order pero mga isang minuto mahigil na niya akong tinititigan.
"M-Marie..."
"Oh, sorry..." aniya agad nang mapansin niyang naiilang ako. Nakangiti pa rin itong naglagay ng pastries sa plato niya.
"I couldn't say that I was glad to see you again, sorry..." anito sa akin.
"A-ako dapat ang mag-sorry," maagap kong saad. "Hindi kita napasalamatan bago ako umalis..."
"You don't have to apologize when making choices for yourself...I think you should know that by now, Faith..." napatingin naman ito sa akin.
"Masaya ako na mas mahal mo na ang sarili mo ngayon," at gano'n na lang kadaling namuo ang mga luha ko sa mata sa sumunod na sinabi ni Marie kaya pasimple akong ngumitit at tumingin sa ibang direksyon para pawiin ang mga luha ko.
"I can't stop staring at you a while ago because you've become prettier," she chuckled while giving herself a slice of that croissant. "Maybe that was because you started loving yourself more. That's the true happiness, I guess. So I don't regret letting you go before, though I felt sad because I wanted to watch you grow in Cisco."
"But you've grown more than what I expected..." inurong pa nito sa akin ang blueberry cheesecake na akala ko ay in-order niya para sa kanya.
"Thank you, Marie...I missed talking to you," I smiled at her.
"Anyway, pretty girl. You're back here for good na?" tanong naman nito habang nilalantakan ko ang cake na binigay niya.
"Yup. I'm looking for a job, actually..." I nodded.
"So, may natanggap ka na bang trabaho? I am expecting kaliwa't kanan ang offer mo. I've heard a little bit from Kenji."
"Hmmmm. I had few offers, but haven't accepted them yet. Medyo tinitignan ko ang offer, I just want to make sure 'yung benefits halos similar sa iniwan kong trabaho sa Japan."
"If you worked in a known company in Japan, you should go for a big company here..." nang tumingin naman ako sa kanya ay parang nag-iisip siya, medyo malikot ang mga mata niya at may gusto siyang sabihin.
Bigla namang may kinuha ito sa bag niya. Pagtingin ko ay may business card itong nilapag sa mesa at iniurong ito sa akin.
"Maybe you can try sending your portfolio here. The company is hiring some professionals with your expertise..."
Kinuha ko ang card at binasa ko ang business card. It says 'Caster Group of Companies, Office of the Chairman'
"Is this directly applying to the Chairman?" I asked.
"The admin will contact you and will tell you which department will schedule you for an interview..." ang sabi naman nito. "Do...you know something about this company?"
"No. I've heard it before but never did a background check--"
"Don't!" nagulat naman ako nang bigla itong napataas ang boses habang may nginunguya pang tinapay. Nginuya niya ito nang mabuti at saka nilunok. "Don't do that yet. You know haha, 'di ba minsan nakaka-negative 'yung ang dami mong malalaman sa company? Haha, bakit hindi mo muna subukang mag-send ng portfolio?" tuloy-tuloy namang saad nito.
BINABASA MO ANG
The Runaway Hearts
Любовные романыWhen a woman searching for her purpose in life meets a man who has been living a soulless life, she unintentionally falls in love with him secretly and chose to run away from him everytime she's given the chance to tell him how she feels. *** Faith...
