Chapter 22: Foolish Heart

461 27 5
                                        

Faith's P.O.V

UMAGA palang pero pagod na ako. Parang gusto ko na lang pumitik tapos huwag nang dumilat.

Bagsak ang balikat kong pumasok sa elevator at pumikit kaagad matapos kong pindutin ang 20th floor na destinasyon ko.

Napadilat ako nang maramdaman kong may mga taong pumasok na kaya humarap kaagad ako sa salamin at napansin kong napakahaba na pala ng buhok. Lagi ko kasi itong tinatalian pag papasok ng trabaho, ngayon nilugay ko muna dahil tinatamad akong talian.

Paglabas ko ng elevator ay naglakad ako papuntang lobby at nadatnan ko doon si Kenji na may kausap na babae at nagabot sa kanya ng box ng cake.

Parang familliar itong scene na ito sa akin. Madalas ko ito nakikita noong high school ako.

Heartthrob si Kenji rito sa office, madalas kong napapakinggan na pinaguusapan siya ng mga kababaihan.

Napahinto ako nang makita ko kung sino naman ang palakad mula sa hallway papunta rito sa Lobby.

Kung si Kenji Office crush ng kababaihan, siguro si Miss Anikka naman ang crush ng kalalakihan.

Tumabi muna ako saglit dahil may mga nakabuntot kay Miss Anikka, malamang ito iyong mga trainees na na-assign sa kanyang team dahil ini-spoil daw niya ang team niya kaya maraming gustong magpa-under sa kanya.

Anikka is like a living goddess. Ang ganda niya, parang wala akong kapintasang masabi. Ang puti, ang sexy ang ganda ng buhok at ang ganda ng ngiti.  

"Ano'ng tinitignan mo? Parang nakakita ka ng multo?"

Napapitlag ako nang biglang bumukong si Kenji at nakiliti ako sa buga ng hininga nito.

"Si—Si Miss Anikka...ang ganda talaga niya," ang sabi ko naman sabay napatingin din sa gawi na tinitignan ko.

"Yeah, only if she could be more true..." napatingin naman ako sa kanya sa sinabi nito. Kenji is still looking at Anikka and I don't what emotions his face is conveying right now.

"Maganda ka rin naman, hindi ka ba naniniwala?" Bigla namang napatingin ito sa akin at naabutan pa niyang nakatitig ako sa kanya.

"Tama ka na, Kenji..." napabuntong-hininga akong napatiuna sa paglalakad pero naramdaman ko naman ang pagsunod nito.

"Don't tell me, hindi ka pa nagkaka-boy friend?" Pangisi-ngisi pang tanong nito.

"Wala. Hindi para sa akin ang pagkakaroon ng nobyo—"

Dahil nakarating na ako sa tapat ng silid namin ay liliko na dapat ako dito nang biglang hinila ni Kenji ang laylayan ng buhok ko kaya naman nagulat akong napalingon sa kanya.

"Gusto mo maranasan?" Taas-kilay pa niya akong tinanong at para bang nang-go-good time na naman ito sa akin, ang aga-aga.

"Bitawan mo nga buhok—" bigla na lang akong hinatak ni Kenji habang hawak-hawak ang laylayan ng buhok dahilan upang mapaatras ako sa katawan niya at kamuntikan nan akong ma-out balance ngunit maagap niyang nahawakan ang braso ko.

Bago pa man ako mapalingon kay Kenji ay nakita ko ang pagbagsak ng mga box ng coupon bond na dala ng isang lalaking papalapit kanina sa akin.

"Sorry po, Ma'am!" Ang sabi naman ng lalaki nasa harapan ko ngayon na nagaayos ng mga boxes.

"What happened!?" Dumating naman si Red na nakasunod yata sa lalaki. Wala namang nasaktan, pero siguro nabagsakan ako nito kung hindi ako hinila ni Kenji.

"Wazap, Red..." nakangiting bati naman ni Kenji sa kanya pero naka-poker face lang ito.

"Ano'ng ginagawa niyo sa daanan? Kaya nabagsak ni Kuya ang mga dala niya dahil sa inyo. Tumulong kang magbuhat," mataray na sabi naman nito kay Kenji.

The Runaway HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon