Chapter 1

21 3 0
                                    

Maddi's POV

"Oh eto, bale bubuksan mo lang yung bintana kung naiinitan ka, hindi pwede magpalagay ng aircon dito ha?" Tumango tango ako sa sinabi nito.

Inikot ko ang mata ko sa paligid. Okay na to, maganda narin para sa murang halaga.

"Wala nang gagamit ng blower paglagpas ng alas onse ng gabi, 11:30 ang sarado ng gate kaya dapat makauwi ka na kung ayaw mo masaraduhan" dagdag pa nito.

"Noted po" sagot ko rito.

"Oh sya, tawagin mo nalang ako kapag may tanong ka, andami ko pang gagawin" Yumuko ako bilang respeto. Nang makaalis na sya ay kinuha ko ang aking cellphone. Mapakita nga ito kay nanay.

Pinicturan ko ang bawat bahagi nito.

*Sent*

Napangiti naman ako. Hindi ko akalain na College na ko, at sa Manila pa. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at syaka gumulong gulong. Matagal ko ng pangarap makapunta ng manila. At ackkk! Eto na ako. Tinignan ko ang maleta ko. Binuksan ko iyon at hinanap ang papel.

Marigo Normal University.

Ackkk. Ang ganda ng school ko. Excited na akong pumasok.

*notif*

"Magiingat ka dyan anak ha? kumain ka sa oras, ilock mo palagi ang pinto, tawagan moko agad kapag may masakit sayo"

Pft, si mama naman. Akala mo eh makakapunta sya agad dito kapag may masakit sakin.

":)"
*sent*

Inayos ko na ang mga gamit ko. Inayos ko rin ang mga damit ko. Nakita ko ang uniporme na bigay ng paaralan. Scholar kasi ako dito kaya libre lahat. Nang matapos na ay inistalk ko muna sandali sa social media ang school na papasukan ko. Grabe ang ganda talaga.

Napakalawak. Muli ko ring tinignan ang masterlist na inilabas na nung nakaraan pa. Sino kayang magiging kaibigan ko rito. Sana naman wala akong maging problema.

Patuloy ako sa pags-scroll nang makita ko ang post.

Highschool Valedictorian, Kiara Cameo, represents out school on School2School Chess Fight. I would love everyone to support her and give her our trust.

Wow. May mga chess fight pala sa school na papasukan ko. Grabe nakakaexcite.
________________

"Opo ma kumain na ko, okay lang ako dito wag nyokong alalahanin ma" wika ko sa telepono habang umiinom ng gatas.

"Matulog ka na anak, at maaga ka pa bukas, first day mo yon, wag kang magpapalate"

"Opo ma, sige na po, babye ma, ingat po kayo" Ngumiti ako sa kanila at pinatay na ang tawag. Shit, first day na bukaaas!!
________________

*ring*

Agad akong dumilat. Yes, this is my first day. Medyo nahirapan pa nga ako kagabi matulog sa sobrang excited. Lahat ng gagamitin ko ay nakahanda na, naligo lamang ako at kumain. Pagtapos ay nagsipilyo. Nang tapos na ko lahat ay tinignan ko ang itsura ko sa salamin.

"Pak, ang ganda mo Maddi Salazar" wika ko sa aking sarili at kiniss ang sarili sa salamin.
"Oops" Nilock ko na ang aking room.

"Oh goodmorning Maddi" bati sa akin ng aming landlady.
"Goodmorning ate Tesa" bati ko at lumabas na. Nagcommute lamang ako. Sikipan na ang upuan.

"Oh tatlo pa tatlo pa" Aba jusko magiging suman na ko sa sobrang sikip magpapasakay ka pa ng tatlo.

"Kuya wala na pong bakante" napatingin ako sa babaeng nagsalita. Parehas kami ng uniporme.

Just My Not-So Denial ClassmateWhere stories live. Discover now