"Hi Maddi! Congratulations for your victory, you beat Kiara, I'm proud of you" Nagulat ako nang lapitan ako ni Sir Leon.
Nginitian ko na lamang ito. Hays. Hindi naman ako nanalo. Nakakapanibago din pala pag di ko nakikita si Kiara na nagsusungit. Hindi parin ito pumapasok.
"Hi Maddi!" Tinignan ko kung sino ang tumawag. Si Jake. Nakauniporma ito at bukas na naman ang butones.
"Busy ka this weekend? Tara hangout tayo, celebrate natin panalo mo" saad nito.
"Hindi naman ako nan-"
"Shhhh, nanalo ka okay? Hangout tayo, samahan mo na rin bumili, balak ko bumili polo e, ipili moko ng maganda"
"Bakit ako, eh magkaiba tayo ng taste" Tumawa naman ito.
"Gusto ko ung gusto mo, muka namang maganda fashion taste mo e, sige na" Tinalikuran ko ito. Nauna na rin ako maglakad. Bakit ba kasi ganyan sya magsalita.
"Nahahawa ka na rin ba sa ugali nila Lorie" Hinampas ko ito, tumakbo naman ito. Hay nako, baliw talaga yon. Kung patuloy sya maggaganon, hindi ko na lang talaga alam.
"Weekend ah!" sigaw nya habang patalikod na tumatakbo. Natawa nalang ako. Naglalakad lang ako sa hallway ng madaanan ko ang music club. Doon ay may kausap si Sir Leon, na isang babae. Magara ang mga suot nito at nakakatakot ang aura.
"Still, ang unfair nun, wala bang rematch don, she clearly did it on purpose" saad nito kay Sir Leon. Bakas ang galit nito sa boses nya.
"Eh si Kiara nalang po kausapin nyo dyan, wala na po kasing magagawa, nananalo na po eh" Agad akong napasandal sa pader. Ayun ba ung mama ni Kiara? Pinaguusapan kaya nila ung laban? Ah bakit bako napunta sa ganto.
______________Gabi na at payapa akong naglalakad papunta sa karinderya. Nakakamiss luto ni nanay, hays.
Matexy nga ito."Ma, nanalo po ako sa paligsahan dito, kamusta po kayo? I miss you ma"
Sinend ko na ito at nagsimula na maglakad ulit. Nagugutom nako, sana may adobo pa. Nagulat ako ng may marinig akong parang hinagis na lata. Nagtago ako sa gilid bago ko sinilip kung ano ito.
"I'm so fucked up" rinig kong wika nito. Laking gulat ko nang makitang si Kiara ito. Nakaupo ito sa swing habang umiinom ng ewan ko kung ano ang nasa lata. "What else do I need to do?" rinig ko ang mga crack na boses nito. Para itong umiiyak.
*Notification, one message from mama* Dali dali kong pinatay ang cp ko at muling tinignan si Kiara. Nakatingin na ito sa direksyon ko. Shit.
Dahan dahan akong lumabas. Kita ko ang gulat sa mga mata nito.
"W-what are you doing there?" tanong nya.
"U-uh, pupunta sana ko sa karinderya, n-narinig kitang umiiyak-"
"I'm not crying. Di ka nalang dumaan, talagang huminto ka pa, para ano? Chumismis?" saad nya. Naiinis na ko ngunit pinigilan ko ito. Naalala ko ang kinwento sakin ni Jake. Syaka naguguiilty rin ako na natalo sya.
"C-can you stop denying everything.... u-uh I'm sorry-"
"Don't tell me what to do, and I don't need you opinion" mabilis na wika nya. Tinignan ko ang mga lata. Milktea ang mga iyon. Tinignan ko sya na ngayon ay nililigpit ang mga iyon. Akala ko umiinom sya ng alak.
"Don't tell anyone about this." saad nya at papaalis na. Pinipigilan ko ito.
"Kiara, I know you hate me, but if you want someone to talk to, I'm willing to listen." saad ko. Napahinto naman ito. Nilingon nya ko.