Chapter 8

8 2 0
                                    

"Ingat ka pauwi ah" saad ko kay Lorie. Uwian na at kanya kanya narin kaming alis para umuwi.

"Actually, I don't have much work to do at home, so i guess i can chill at yours" saad nya. Nagulat naman ako. "Uh... Apartment lang kasi yung tinitirahan ko, idk kung allowed ba bisita dun eh" paliwanag ko.

"Oi! Magkasama na naman kayo" Si jake. Magulo ang uniporme nito. Bukas ang unang butones. Napaiwas na lamang ako ng tingin.

"Saan nyo balak?" tanong nya, nakaakbay ito kay Lorie. "I'm planning to chill at her room" sagot ni Lorie. Nagtakip naman ng bibig si Jake.

"Di ko alam na ganyan ka kawild ha" saad nya, binatukan naman sya ni Lorie. "Nagbibiro lang eh, hindi ka sasama kay Tita? balita ko may bagong conference yun- nvm, sama ko" saad nya. Napalunok na lamang ako.

"Whatever." Sumakay na kami sa jeep. Oo sa jeep. Nagjejeep naman daw sila. Sa jeep ko nga unang nakita si Lorie eh.
_______________

"Phew! Muntik na tayo di papasukin, init init pa naman" sabi ni Jake habang nagpapapaypay. Hindi rin ako mapakali dahil alam kong hindi sila sanay na walang aircon. Feeling ko kase anak mayaman sila.

"Hey you can relax, we're good" wika ni Lorie, kaya medyo kumalma ako. "Hindi rin ba allowed aircon here?" tanong nya. Tumango naman ito.

"Di ata apartment pinapatayo nya eh, baka kulungan" wika ni Jake na agad kong pinatahimik dahil baka marinig kami at magalit.

Masigla itong lumapit sakin. "Kami palang ba dinadala mo dito?" Sobrang lapit nito sa akin. Naaamoy ko ang mabango nyang pabango. Tumango naman ako. "Yun oh" saad nya at ginulo ang buhok ko syaka naghubad ng uniporme. Nakasando na lamang ito, nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Si lorie ay normal lang, dahil siguro ay sanay na sya.

"You're disgusting" sabi sakanya ni Lorie. Sinimangutan lang ito ni Jake at naghanap sa mga libro ko. "You're reading Magnifico rin pala?" Tanong nya. Tumango naman ako.

"Pahiram ah" saad nya. Umupo ito sa tabi ko. Malapit. Kita ko ang braso nito. Pawis ito. Iniwas ko agad ang tingin ko. "U-uh paghahanda ko kayo makakain"
_______________

"Salamat sa pagpunta" wika ko sakanila. "Salamat sa pameryenda, sarap mo magluto, pwede ba kita maging asawa para araw araw ko matitikman luto mo" wika ni Jake na ikinamula ko. Binatukan naman sya ni Lorie. Nagaway pa sila konti bago tuluyang magpaalam. Hinawakan ko ang pisnge ko. Mainit ito, namumula kaya ako?

UGH no, you shouldn't, he's so unserious kaya. Hays makabalik na nga lang. Nang makapasok sa room at muli kong tinignan ang coke. Binasa muli ang nakasulat. Sino kaya to? Ah! Baka si Lylia, masyado sigurong nahiya kay Kiara kanina. Hmmm.. okay apology accepted.

Humiga na ako at nagscroll muna. Nakita ko ang myday ni Lorie. Pic ng pagkain iyon na niluto ko. Yum @goldenmaddi. Ngumiti naman ako. Pagkaswipe ko ay myday ng isa kong kaklase. Pic nya ito ngunit kapansin pansin s Kiara sa gilid na nakatayo sa tabi ng lamesa ko. Cropped na ito kaya di ko alam kung anong ginagawa nya. Posible kayang sya ung nagbigay ng coke? Bakit nya naman gagawin yon? Hays makatulog na ngalang.
________________

"Goodmorning class 1" binati rin namin ito. Nagsimula ito sa pagdiscuss, medyo antok pa ko. Kaya di ko maintindihan ang sinasabi nito.

"Okay ka lang?" bulong sakin ni Lorie. Umiling naman ako at sumenyas na inaantok. Tumawa naman ito. Naramdaman kong may nakatingin sakin at di ako nagkakamali. Si Troy ay titig sa akin. Nginitian ako nito ng magkasalubong ang mata namin kaya nginitian ko rin sya.

Just My Not-So Denial ClassmateWhere stories live. Discover now