Chapter 6

6 2 0
                                    

"What?" mataray na tanong nito sa akin dahil tinitignan ko sya. Hindi ako makasalita, bakit kase sya dito umupo.

"W-why are you here?" bulong ko. Nakakunot lang ang noo nito habang nakataas ang kilay.
"Can't I? May nakasulat ba na bawal umupo?" Inirapan ko naman ito at tinry nalang na wag syang pansinin. "Woa nagkasabay sabay din tayong tatlo kumain" saad ni Jake.

Hindi nila ito pinansin at tanging ang mga kaibigan lang nito ang tumingin sakanya. Minsan naaawa ako sa kanya.

Parang ang konti naman ng soup ko, favoritism sila ha. Tinignan ko ang mga soup nila at marami rami ito. "Daming soup ah" bulong ko kay Jake.

"Oo nga eh kuha ka, pero wag na yang ginamit mong kutsara, laway conscious kase ako" malakas ang pagkakasabi nya nun kaya nahiya ako dahil nakatingin na sila. Napahawak na lamang ako sa noo ko.

"Kunan na kita kutsara" wika ni Troy. Ngumiti naman ako rito. "Wala kang paa?" singit na naman ni Kiara na nakatingin sa akin. Medyo malapit ang mukha namin dahil magkatabi nga lang kami. "Wala kang sariling kamay para kumuha?" pagtataray nya.

"It's fine, ako na kukuha" singit ni Troy. "I'm not talking to you" baling nya kay Troy. Gusto nya talaga kong pinapahirapan eh no.

"Ako na" saad ni Lorie at tumayo na upang kunuha ng kutsara. Narinig ko namang bumuntong hininga si Kiara.

"Woa that's so main character" wika ni Jake, sinamaan ko naman ito ng tingin. "Here Maddi" sabay abot sa akin ni Lorie ng kutsara. Nagpasalamat naman ako at kumuha na ng soup kay Jake.

"Simpleng pagattend sa ceremony di ka pumunta, tas makikita kita inuutos utusan lang ng kung sino?" Nagpintig ang tenga ko ng sabihin yon ni Kiara kay Lorie.

"Hindi ko sya inutus- ah" siniko ako ni Jake at sinenyasan na tumahimik na lang.

"Seriously? You're gonna talk about it here?" sabi ni Lorie.

"Where else?" sagot naman ni Kiara. Seryoso, ang taray nilang dalawa, ang creepy pag naguusap silang dalawa, parang anytime soon magsasampalan sila.

"Atleast not infront of people you don't know" saad ni Lorie at kumakain lang, na parang kalmado pa. "Ehem, kumain nalang tayo, ano? Ano ulam mo Kia" putol ni Jake sa intense na atmosphere na nakapaligid sa amin.

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain. Nagulat ako ng bigyan ako ni Troy ng chicken nuggets. "I just thought u love it" paliwanag. ya at nagpatuloy sa pagkain. Kakainin ko na sana ito ng tusukin ito ng tinidor ni Kiara.

"Chicken Nuggets are so disgusting" saad nya ngunit patuloy parin namang nginunguya ito. Balak pa sana ako bigyan ni Troy ng isa pa ngunit hinarangan sya agad ni Lorie.

"She have her own food, can't you see?" Natahimik nalang si Troy. Jusko, ako ang nahihiya. Bakit sobrang sungit nilang dalawa.
_________________

Isang subject nalang at uwian na namin. Nagaantay kami ng professor, si Lorie ay natutulog habang may earphone si Kiara naman ay nagbabasa. Habang ang iba ay magugulo sa kanya kanya nilang usapan. Di ko parin alam kung nagaaway ba sila Kiara at Lorie kanina o normal lang sa kanila ang ganoong paguusap.

"Hi Maddi! Goodluck sa Tennis mo!" bati sa akin ng kaklase namin. Oo nga pala, malapit na rin pala yon. Ahhhh dapat di ko inaalala yon e. Napatingin naman ako kay Kiara. Siya may kasalanan bat ako nasstress eh.

"Hi Maddi" Napatingin ako sa babaeng lumapit sa akin. Si Lylia na naman kasama ang boyfriend nito.

"Nakita kase namin medyo tuliro ka kanina, are you sure you're going to join surfing?" saad nya. Inikot ko na lamang ang aking mga mata nang hindi pinapakita sa kanya iyon.

"Ah hindi ko alam eh, g-gusto mo ba ibigay ko nalang sayo? pwede ba yon?" Nakita ko ang agad na pagkailaw ng mga mata nito.

"Really?" wika nya. Tumingin kami sa ngayong nasa sahig na bookmark. "Can i have my bookmark?" malamig na utos ni Kiara. Nagtinginan pa kami ni Lylia kung sino ang kukuha samin. Kinuha ito ng boyfriend nya at inabot ngunit di ito pinansin ni Kiara.

"Can you give me my bookmark" saad nya nang nakatingin sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay. "Oh you can't? Busy ka makipagusap sa mga uhaw sa reservation?" wika nya na ikinagulat ko. Agad kong tinignan sila Lylia na ngayon ay nahihiya. Tumayo ito sa upuan nya.

"She's already in the list, and I'm sure you know how long it took to process everything and take her to that reservation, right? You know how much it costs for a VIP reservation, how dare you think you can just be in there in just one snap?" wika nya rito. Nakayuko lang si Lylia. Ano ba, lahat ba ng tao balak nyang pagsupladahan?

"Sakin naman nakapangalan yun ah, pwede kong palitan" sagot ko rito. Tumingin ito sa akin ng masama. "How do you think u get there? Hindi ka nga naglabas ng pera? Don't you feel guilty sa taong gumastos malagay ka lang don?" wika nya. Oo nga no, malaki yung nagastos nun, pero bakit kase ako. Syaka sino ba sya, ano bang nakita nya sakin.

"Now get my bookmark" saad nya habang nakatingin sa akin. Kinuha ko ito at pahampas na ibinigay sa kanya. "And tell your girlfriend to wake up, Mr. Leon will be here soon" wika nya at umupo na upang magbasa ulit.

Girlfriend? Aba bwisit na yon. Ginising ko na lamang si Lorie nang dumating na ang professor.
________________

"Ingat ka ha" saad sa akin ni Lorie bago sumakay sa Van nila. Kinawayan ko na ito at nang makaalis na ay pumunta na ko sa sakayan ng jeep.

"You're annoying" Napatingin ako sa nasa likuran ko sa pila. Si Kiara. Huh? Nagjejeep pala to?

"I didn't even do anything" saad ko rito.

"You don't need to do anything, just your presence's enough to ruin my day" deretsong sagot nya. Tinarayan ko nalang ito at di na hinarap pa. "Taray taray mo, pare parehas lang naman tayong nagcocommute" wika ko ng hindi ito hinaharap. "I do it by choice, you do it because you don't have money" rinig kong sagot nya. Nainis ako at hinarap sya.

"Hangga't wala kang trabaho, hindi mo pera yon, pera yon ng magulang mo, sinasabi ba yon sayo ng papa mo?" pasigaw kong tono.

Nakita kong nagsalubong ang kilay nito. Kita ko rin ang galit sa mga mata nya. Wait, mali ba yung sinabi ko? Sumobra ba ko?

"Shut up." saad nya at nagwalk out. Tinignan ko itong makalayo. Shit. May nasabi ba ko? Over the line ba? Dapat ba di ko na sinabi yon?? Ahhhh antang naman Maddi.
____________

Just My Not-So Denial ClassmateWhere stories live. Discover now