Tinignan ko na ang sarili ko sa salamin. Huuu. Hindi ko alam bakit talaga ako pumayag, hindi ko kase matanggihan. Nagpabango na ko syaka umalis na.
"Uy Maddi" tawag sakin ng landlady.
"May nagbigay neto, cream ata ito para sa sugat" saad nya. Kinuha ko ito. "Ah salamat po, sino raw po nagpapabigay?" tanong ko. "Di sinabi pangalan e" Tumango na lamang ako at nilagay yon sa bag ko. Sumakay na rin ako at pumunta sa sinend ni Troy na address.
"Oh hi Maddi!" bati nya nang makita ako.
"Uh hi Troy, kanina ka pa ba?" Umupo na ako. Ang gara naman ng restaurant na to."Nope, actually kararating ko lang, nagorder na rin ako, magugustuhan mo yon promise" wika nya. Nginitian ko na lamang ito. Tumunog ang cp nito na parang may tunatawag. Ngunit pinatay nya lang ito.
"So, how's life?" tanong nya.
"Uh okay naman, mahirap, lalo na stress sa schoolworks" Dumating na ang order namin. Hindi ko alam ang tawag dito pero para syang pritong hipon. Yum, ang sarap!"Yep, kasali ka rin pala sa tennis no? Lapit na yon ah"
"Oo nga eh, kaya nagpapractice ako" saad ko. Nilagyan nya ako ng dumplings sa plato ko. Nakakahiya naman.
"Mhm, makakalaban mo pala si Kiara, pag natalo kayo non Winstrike Queen na yun eh" wika nya.
"Winstrike Queen?"
"Mhm, since highschool pa ata yan nananalo eh, ngayon isang panalo nalang nyan Winstrike na yan, kakapanalo nga lang nyan sa Chess eh" wika nya habang kumakain. Oo nga pala, nanalo pala sya dun. Ang galing nya naman."So... do you have someone rn?" Napaubo naman ako roon, agad din nya akong binigyan ng tubig. "Are you okay?"
"Uh nakakabigla kase ung tanong mo" awkward na tawa ko. Tumawa rin ito.
"I just wanna make sure na walang magagalit" Medyo uncomfortable na ako at gusto ko nang umalis.
"So, do you?" Iniwasan ko na lamang ang tanong at kumain na. Mukhang mali ata na pumayag ako sumama sakanya. Tinignan ko sya, kami lang dalawa, what if may gawin sya. Kinakabahan naman ako.
"Kumain ka lang, libre yan, take your time, hahatid naman kita pauwi e" wika nya. Pilit ko na lang ito nginitian.
"Or do you want to stop at my place?" nakangiti ito. "I'm just kidding" Tama, kinakabahan na nga ako. Jusko ano ba tong pinasok mo Maddi. Palihim kong kinuha ang cp ko. Walang online kila Jake at Lorie. Jusko.
"So where do you wanna go after this?" Napatingin naman ako kay Troy. "A-ah maggagabi na rin kase siguro after ng konting usap, uwi na lang rin" sagot ko. Bahagya itong nagisip.
"Woa? Do you want to drink? Kakaopen lang ng bar ng kaibigan ko, gusto mo ba itry?" tanong nya. Hindi ko na naman alam isasagot jusko. Biglang tumunog ang cp ko. Kiara.
Agad ko itong sinagot sa sobrang panic ko.
"I don't want to call you but-",
"Ma! Andito kayo? Oh sige po, opo andito rin po ako, susunduin nyoko? opo sa Mr. Yum po ako sa dulo ng pilato, opo, antayin ko kayo! Ingat po mwamwaa!" wika ko.
"Are u high? I'm not going there."
Pinatay ko na ito. Tumingin ako kay Troy.
"Was it your mom?" tanong nya. Agad akong tumango. "Oo, napadaan daw sila dito kaya susunduin na rin nila ko, sorry di ako makakasama sayo" Please, please sana gumana ka.
"Sure no problem, wait lemme just clean it- there" Pinunasan nya ang dumi sa gilid ng labi ko. Nabigla ako sa ginawa nya kaya pilit nalang ako ngumiti.
"So thanks for the day" saad nya. "Salamat din, n-nagenjoy ako! Uhm, dito mo nalang ako ihatid, mauna ka na, dadating narin naman sila mama mamaya" wika ko rito. Shit, di nya dapat malaman ba nagsinungaling ako .
"It's dark, it's dangerous for you to wait alone" wika nya. "Ah eh ano kase, strict si tatay, oo, ano, lalake ka kase, baka ano isipin huhu" Kung ano ano na ang nirarason ko rito.
"I'm not your boyfriend, but I will be, soon." wika nya sabay kindat. "Ah, haha palabiro ka talaga, sige na" saad ko. Tinutulak ko na nga ito upang umalis. Sa wakas. Napaalis ko na rin sya. Agad agad akong tumakbo ng nakatalikod na ito. Takbo lang hanggang sa bumangga ako sa isang tao.
"What the fuck, tumingin ka nga sa dinadaanan mo" boses palang ay alam ko na kung sino ito.
"Kiara?" Nakita kong nagulat ito. "B-bakit ka nandito?" Umayos ito ng tayo at nagmaldita posing na naman.
"You called me, you're acting weird kaya tinignan ko kung ano" sagot nya. "P-pumunta ka dahil saken?" Nagulat ako sa reaction nya dahil nagalit ito.
"Hindi! Why would I? I was just passing by, and you called me nga saying weird things, then sinabi mo ung place, malapit lang, so I stopped by. Why would I care about you?" Hindi ito tumitingin sa akin.
"I was just joking, no need to react like that" saad ko at pinagpag nalang ang damit ko.
"I didn't call you, you called me" dagdag ko pa. Tumaray lang ito. "Bakit ka ba nandito?" tanong nya. Agad akong nagisip ng dahilan. "U-uh j-jogging, gusto ko magdiet eh" Ugh, anong dahilan yon, maddi.
"Sa gabi?"
"Basta, gusto ko ng bago eh"
"Whatever" saad nya at umalis na. Pero salamat parin sayo, kung di dahil sayo, di ko alam pano tatanggihan yon. Sumakay na lamamg ako sa jeep.
______________Nag-iinat inat lang ako, break time na, ah! Lunes na naman. Absent si Lorie ngayon, dahil narin siguro sa nangyare sa bahay nila nung Friday. Hays wala akong kasabay. Inayos ko nalang ang gamit ko at naghanda lumabas nang biglang may babaeng hindi namin kaklase ang sumugod sa loob ng room.
"Sino dito si Maddi?!" sigaw nya. Nagulat ako ganun rin si Kiara, na wari ay nagising. Sunod na pumasok sa room si Troy. Mukhang hinahabol nito ang babae.
"Hey Lea, stop this" pigil nya. "Bitawan moko! Sino si Maddi?!" Tinuro naman ako ng mga kaklase namin.
"Alam mo bang may gf na ung nilalandi mo ha?!" Nagulat ako roon. "U-uh h-hindi ko alam ung sinasabi mo"
"Ah di mo alam?! OH NGAYON NAAALALA MO NA?!" Pinakita nito ang kuhang litrato namin ni Troy sa pinagkainan namin nubg sabado. Kita don ang mga ngiti, at pati na rin ang pagpunas ni Troy sa labi ko.
Tinignan ko si Troy. Pinipigilan nito ang babae. "Ang landi landi mo!" Naiiyak na ko sa mga sinasabi nya.
Hindi ko alam, wala akong alam. Hindi ko sya nilandi. Tinignan ko si Kiara. Nakatingin ito sa akin na parang nanghuhusga. Alam ko ang iniisip nya, nagsinungaling din ako sakanya nung gabing yon.
"Kakabet ka nalang, magpapahuli ka pa!" Lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin na parang nanghuhusga. Ayoko ng ganto, nahihirapan ako huminga. Natatakot ako. Muli kong tinignan si Kiara. Galit ang aura nito. Hindi, maniwala ka sakin, hindi ko sya nilandi. Unti unting nandidilim ang paningin ko hanggang manlambot ang aking mga paa.
"Maddi!" huling rinig ko, nakita ko si Jake na tumatakbo papunta sa akin bago ako mawalan ng malay.
________________