Makalipas ang ilang araw......
"Wait, hintayin natin si Jake" saad ni Lorie sa akin. Ngayon na ang pagpunta ko sa bahay nito upang magensayo sa tennis. Sasama raw kasi si Jake kaya hinihintay namin ito.
"Jusko ang tagal, paimportante, tara na nga" angal ni Lorie at lumabas na. Pinigilan ko naman ito. "Baka maligaw sya papunta sainyo syaka di papasukin ng mama mo, lalake yun eh" dahilan ko rito. Bahagya naman itong natawa.
"Ginagawa nyang tulugan pag ayaw nya sa kwarto nya ung bahay namin, wag ka magalala dun" wika nya. "Teka nagaalala ka ba?" sabay ngiti nya na parang nang aasar.
"Hoy hindi ah!" Agad na tanggi ko rito.
________________Woah! Anlaki ng bahay nila, mayaman nga talaga sya. Sa sala ay puno ng mga certificats at trophy. Nababasa ko ang mga pangalan, ang ilan ay sa mama at papa nya ata at puro kay Lorie na. Nakasabit din ang mga frames ng litrato nila ng pamilya nya sa iba't ibang events, halos lahat ay may hawak na medal o trophy si Lorie. Woa, achiever sila.
"So feel at home, bihis lang ako then gusto mo ba maglaro agad?" tanong nya. "Ah sige lang ket anong oras" sagot ko. Tumango naman ito.
"Then, pahinga muna tayo, ate! Pwede po pakigawa kami ng makakain" tawag nya sa isang kasambahay nila.
"Sige, bihis nako ah" wika nya na tinanguan ko. Inikot ko lang rin muli ang mata ko sa paligid. Malaki talaga ang bahay nito, ngunit wala siguro rito ang mga magulang nya.
"Ma'am gusto nyo po ba hotcake po?" tanong sa akin ng kasambahay.
"Ah Maddi nalang po, syaka okay po ako ket ano" wika ko rito. Nginitian naman ako nito.
"Natutuwa ako na nagdala na ng ibang tao rito si Ma'am Lorie bukod kela Jake at Ma'am Kiara" saad nya.
"U-uh pumupunta po dito si....Kiara?" tanong ko rito. "Opo simula bata magkakaibigan nayan sila, ikaw palang yung dinala ni Ma'am Lorie dito" saad nya.
"Ang ganda ganda mong dalaga, ay ung niluluto ko, sige po ma'am, ay Maddi, feel at home" saad nya. Nginitian ko naman ito. Woah magkakabigan pala silang tatlo. Pero sa school halos di sila magpansinan.
Pababa na si Lorie sa hagdan. Naktshirt na lamang itong malaki at short. "Okay ka lang?" tanong nito sakin pagkababa. "Oo, medyo nakakalula bahay nyo ah" Tumawa naman ito.
"Asan pala ung mga parents mo?" tanong ko rito. Umupo ito sa katabing sofa.
"Hmmm, busy yon sila" saad nya. Hindi ko na ito sinundan ng tanong dahil ramdam kong uncomfortable ito. "Iniwan nyong nakabukas ung gate sa labas oh, kung magnanakaw ako tiba tiba to" Nandito na si Jake. Halata ngang palagi syang nandito dahil tuloy tuloy lang pasok nito.
"Oh akala ko nilamon ka na ng ring e" wika ni Lorie. Nakajersey pa ito, nakabag at nagpupunas ng pawis. Halatang dito sya dumiretso. Tinignan ko ito, ampogi nya sa magulong buhok nya ngayon. Ah.
"Init nga e, Hi maddi!" bati nya sa akin. "Di halatang dito ka dumiretso ah" saad ko na tnawanan ni Lorie.
"Tinatamad nako dumiretso sa bahay eh, andun na naman si daddy, isasama na naman ako sa kung san san, ay nagluto si Ate Mirna? Sabi ko na eh, amoy ko na sa pinto palang te Mirna, sarap mo talaga magluto" Lumapit ito sa kasambahay at inakbayan ito. Mukhang close nga sila nito.
"Sarap mo talaga magluto" Nawala ang ngiti ko. Siguro ganun talaga ugali nya, hindi ka special Maddi, binabati nya lahat.
"Pagtapos kumain magpaparactice na tayo" saad ni Lorie. "Yun oh, hotcake na masara- Uy Kia!" Nilingon ko ang pinto. Nasa pinto nga si Kiara.
"Hi kia! Aba aba pumunta ka na rin dit- aray" daing ni Jake nang banggain lang sya ni Kiara at tuloy tuloy na pumasok. Woah, talagang magkakaibigan nga sila. Tuloy tuloy lang sila pumasok. "Ano ba?! Meron ka ba?!" pangaasar ni Jake rito. Lumapit na ito sa amin dala ang hotcake na niluto ni Ate Mirna.
"Buntis ba yon, at ako ang pinaglilihian" saad nya. Tumawa naman si Lorie. "Hayaan mo na yon, pinaglihi ni tita sa init ng ulo yon" nagtawanan kami sa sinabi ni Lorie. Nakita kong pumunta sa kusina si Kiara. Di nilabito kita dshil nakatalikod sila sa kusina at ako ay nakaharap. Nakita kong kinakausap nya si Ate Mirna, at tumatawa si Ate Mirna sya naman ay nakangiti.
Woah, iba ang aura nya, muk syang anghel tignan ngayon, dahil nakikipagtawanan sya sa kasambahay. Ibang iba sya ngayon kesa sa school. Nagulat ako ng tumingin ito sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. Kumain na lamang ako.
"Ate Mirna meron pa- uy andyan ka pala, alam mo kung ako sayo kumuha ka na dito, balaka uubusan kita sarap sarap pa naman neto" wika ni Jake kay Kiara.
"Agreed, halika na Kia itabi mo muna yang init ng ulo mo" saad ni Lorie. Sa wakas ay nagsalita na rin ito.
"Magtetennis kami mamaya, gusto mo sumali?" aya ni Jake dito. Napapikit naman ako, jusko naman tong si Jake, edi alam nya na na pinaghahandaan ko ung laban. Lumaki pa ulo nyan.
"Uy Maddi, okay ka lang?" tanong sakin ni Jake ng makita nya ako. "U-uh, may seasoning po ba ito?" tanong ko. Medyo nalasahan ko kase ito, hindi ako pwede rito. "Meron po e, bawal kapo ba?" sagot ni Ate. Ngumiti naman ako.
"H-hindi po okay lang, bawal lang po ako maramihan" saad ko. "Mhmm, limit mo nalang, sayang naman kung konti lang makakain mo sa luto ng best cook namin" saad ni Jake. Ngumiti naman ako at kumuha pa ng isa nang magsalita si Kiara.
"Alam mo palang bawal ka, kakain ka pa" Nagtinginan naman kami.
"Nakakaisa palang naman sya, di ka naman uubusan" sagot ni Jake. "I'm not talking to you" mataray na sagot ni Kiara. Bahagya namang natawa si Lorie.
"Hay nako, sige na Lorie, kung anong gusto mo, wag mo pilitin sarili mo, pag alam mong sobra na, wag na" nakangiting saad sakin ni Lorie.
"Malayo ospital dito, wala kaming sasakyan, ayokong bigla bigla kang mahihimatay dyan, bibigyan mo pa kami ng responsibilidad" madiing wika ni Kiara. Tatayo na sana ko dahil naiinis nako nang pigilan ako ni Lorie. Sinenyasan ako nito na sya na raw ang bahala.
"Alam mo Kia magpalamig ka nalang sa Playroom, pupunta rin kami don mamaya, baka gusto mo sumali" wika ni Lorie rito.
"Kaya nga init init ng ulo mo, di mo pa ko pinapansin, bad ka" sabi ni Jake habang nagbebaby talk. Ang cute haha.
"1v1 tayo, ano" dagdag pa nya.
"Ayaw kita kalaro" mabilis na sagot ni Kiara. Umarte namang umiiyak si Jake.
"Si Maddi nalang, para natuturuan mo sya at the same time nakakalaro mo sya" Tinignan ko ng madiin si Lorie sa sinabi nya. Seryoso sya? Kasasabi ko lang about dyan eh.
Tinignan ko si Kiara. Wala itong emosyon. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.
"As if gusto ko syang kalaro." saad nya at tumaray syaka pumunta sa di ko alam. Nagtataka talaga ko sa mga kinikilos nya, nakakainis.
"Hayaan mo yon, 2nd day ata nyn HAHA" nagtawanan na lamang kami.
__________________
