Chapter 35

7 0 0
                                    

Kiara's POV

"Hurry up!" sigaw sa amin ni Sir. Napakabagal naman kase kumilos ng mga to, anong oras na. Dapat nga kanina pa kami nakaalis eh.

A smile immediately forms on my lips as I see my girl. She looks so sleepy, pft.

"Wake up" wika ko ng makalapit na ito. Umupo ito sa tabi ko at agad na sinandal ang ulo sa balikat ko. Napatawa naman ako.

"You're not allowed to sit here" sinamaan ako ng tingin nito. "Masungit na naman ba pinili mong mood today?" nakapout na saad nya at tumayo. Hinawakan ko naman ang kamay nito dahilan upang mapatigil sya. "It's okay, just sit here. Kausapin ko nalang si sir."

Namula ito kaya umupo na rin. Sinandal muli ang ulo. "Why are you still sleepy? 11 am na oh"

"Mhmm, ano oras mo na ko pinatulog kagabi" Nanlaki ang mata ko nung sabihin nya iyon. Iniwas ko ang tingin ko at tumingin na lang sa bintana.

"Omg" agad itong bumalikwas at tumingin sakin. "Wala kang narinig, okay?" Tinawanan ko ito. Tumango ako at ibinalik sa balikat ko ang ulo nya. Di ko maiwasang mapangiti sa tuwing tinitignan ko ito. Finally, i can really call her my girl.

"Kiara dun daw-" Umayos naman ng upo si Maddi nang dumating ang isa naming kaclub. "Uh ung cabin daw, pakisure daw na nakasara. Tapos double check mo na daw" wika ng babae at tahimik na umalis. Tinignan ko naman si Maddi.

"Bakit mo inalis?"

"Eh, di mo naman hawak isip ng tao. Syaka club president ka." saad nya. Bahagya akong ngumiti rito at syaka hinarap sya. "We don't have to care for them. We can do whatever we want, and be whoever we are. Let's just focus about us."

Ngumiti naman ito at hinaplos ang baba ko. "Oho, so romantic" Sinamaan ito ng tingin at tinanggal ang kamay nya. Tumawa naman ito. "Check ko muna, balik ako." pagtapos makuha ang sagot nya ay bumaba na rin ako.

Kanya kanya na silang lagay sa cabin ng mga gamit nila, di ko nga alam bakit parang mas marami silang nilalagay ngayon kesa sa nilagay nila nung papunta palang kami rito. Nahagip ng mata ko ang naglalagay ng gamit na si Lorie kaya nilapitan ko ito.

"Goodmorning, kagigising mo lang noh?" bahagya pa itong nagulat at tumahimik bago ako nginitian. Bagay na ikipinagtaka ko. "O...kay ka lang?" Tumango naman ito. "Oo naman, wala namang dahilan para di ako maging okay" saad nya. Kumunot naman ang noo ko rito.

"Okay nga lang haha" wika nya sabay tapik sa braso ko. Ngumiti naman ako ng makuntento sa sagot nito. "May good news ako sayo". Tumingin muna ko sa paligid kung may nakatingin at nung wala ay binulong ko ito sa kanya.

"She's already mine." masayang sambit ko. Tinignan nya muna ako ng matagal bago sya ngumiti. "W-woa, congratulations! Alam ko namang makukuha mo talaga si Maddi e, ikaw pa" nahiya naman ako kaya yumuko ako.

"Bading" pang aasar nya kaya nagtawanan na kami. "What's so funny?" sumulpot na nga si Jake sa kung saan. Nagtinginan pa silang dalawa.

"Secret" pang aasar ko. "Okay lang, wala naman akong pake" sambit nito kaya binatukan ko ito. Natawa naman si Lorie at tinulungan narin si Jake maglagay ng mga gamit nito. "Hi" napatingin naman kami kay Zeke.

"Hi?" takang saad ko. Bakit sya nagh-hi? "Hello beh" wika ni Lorie. Si Jake naman ay as usual, hindi ito pinansin. "Do you need help?" taka kong tinignan si Zeke ng tanungin nya si Jake. Nang mapatingin ako kay Jake ay nakatingin lang ito kay Zeke.

Just My Not-So Denial ClassmateWhere stories live. Discover now