Chapter 4

7 3 0
                                    

Antanga tanga sobra! Hindi ka marunong magtennis Maddi, ano bang iniisip mo? Badminton na nga lang alam mong sport, di ka pa marunong. Pano pag natalo nya ko, edi sisigaw ako na nililigawan ko sya? Balak nya ba akong ipahita, at kelan pako nagkaroon ng interes sa babae.

"Woi, lunch na, di ka ba maglulunch?" Kinalabit ako ni Lorie. "Ah oo nga, sige ayusin ko lang to tas susunod nako" wika ko at dali daling inayos ang mga gamit ko. Tumango naman ito bago lumabas.

Di pa naman ako nakakapagfill up, pwede pa naman atang di nalang ako sumali. Nagulat ako ng may kamay na humampas sa lamesa ko, may hawak itong papel.

"Oh, fill upan mo" tinignan ko ito.

"Ano yan?" mataray kong tanong sakanya.

"Diba nagmatapang kang sasali? oh ayan ung registration, bilisan mo may gagawin pako" saad nya. Tumayo ako dahil tapos ko na iligpit ang mga gamit ko.

"Hindi ako sasali" saad ko at tinarayan sya. Marami akong gagawin at di ko alam yan jusko. Inaantay pako ni Lorie sa cafeteria.

"Oh so nagbaback ka? bakit? takot ka ba matalo?" Nagpintig ang tenga ko.

"Hindi, ayoko lang magsayang ng oras, di ka worth it kalaban" mariing sagot ko rito. Aalisan ko na sana ito ng mabilis syang pumunta sa harap ko.

"I don't like wasting my time, i should be practicing for my upcoming chess fight pero inutusan ako para dalhin sayo to, kaya fill upan mo na to" wika nya at tinapik ang papel sa lamesa.

"No, may oras din akong pinapahalagahan" Tinulak ko sya ng marahan upang tumabi sya.

"Okay, I'll tell Mr. Loco na hindi ka marunong magtennis" saad nya at umalis na. Pano nya nalamang di ako marunong magtennis? Aba ipapahiya nya pa ko sa teacher na yon. Agad ko itong hinabol.

"Hoy!" tuloy tuloy lang ito sa paglalakad. Hinarangan ko naman sya. "Akin na" Kinuha ko ang papel sa kamay nya. Kinapkap ko ang bulsa ko upang icheck kung may ballpen ako. Shet nilagay ko pala sa bag. Papasok sana ako at kukunin ito ng hawakan nya ang braso ko.

Inabutan ako nito ng ballpen. Di ito tumitingin sakin. "Maraming oras masasayang kung papasok ka pa" walang emosyong wika nya. Tinarayan ko naman ito at syaka sinandal ang papel sa pader upang sulatan.

"Oh, syaka marunong ako magtennis, wag kang paladesisyon" saad ko at tinalikuran na sya. Nang makalagpas ako sa kanya ay agad ako napasuntok sa ulo ko. Ah! Panong pumirma kaparin eh di ka nga marunong Maddi!
______________

"Uy! Kanina ka pa tulala, may problema ba?" tanong sa akin ni Lorie habang kumakain kami.

Napabuntong hininga naman ako.

"Sumali kase ako... sa Tennis Club" sagot ko rito. "Woa that's good, i didn't know u play tennis pala" saad nya naparang hindi ako naiintindihan.

"I don't" Napatingin naman ito sa akin. "What do you mean?" tanong nya.

"I don't play Tennis, hindi ako sporty"

"Uh then why did u join?" tanong nya. Magkasalubong ang kilay kong iniwasan ang tanong. Nakita ko ang lalakeng papalapit sa amin.

"Oi Lorie, sama ka mamaya?" Nakita ko namang tinarayan sya ni Lorie. "Ewan" sagot nito.

"Taray taray neto- uy! Magkasama na naman kayo?" Tumango naman ako dito.

"Uyyy" pang aasar nito. Tinarayan ko lang ito.

"I smell love" saad nito, tumatawa lang rin si Lorie. Kakaiba din to si Lorie, kanina nagtataray, ngayon tumatawa. Ang weweird naman ng mga nakikilalala ko.
_______________

"I need to go na Lorie, may pupuntahan pa kasi kami ng family ko, ingat ka ah!" wika ni Lorie sa akin. Nginitian ko lang ito. Padilim na, maggagabi na pala. Hmmm, siguro kakain nalang muna ko sa karinderya.

Kasalukuyan kong sinisipa sipa tong bote na nakakalat, hanggang may makita akong basurahan. Papunta kase ako ngayon sa karinderya, nakakatamad kase magluto.

"What do you mean?" Napatingin ako kung saan nanggaling ang boses. It was Kiara's. Nakatayo ito at nakasandal ang kamay sa pader. "The chess fight's on Saturday, wala na kong time para dyan mi" She looks frustrated.

"Bakit kase ako? Sunod sunod na ung mga contest na sinasalihan ko mi, gusto ko naman magpahinga" ramdam kong gusto na nito sumigaw. Sumipa ito sa mga damo. "Okay sorry mi, I'll do my best to go there" saad nya bago binaba ang cp.

Napahawak ito sa sentido nya. Hinihilot hilot ito. Hays, pati sa call ang sungit nya. Di ko na dapat ito papansinin at tutuloy sa karinderya nang matapakan ko ang boteng sinisipa ko kanina.

Shit. Nakita kong tumingin ito sa direksyon ko. Di ko nalang ito pinansin at kinuha ang bote syaka umalis. Laking gulat ko nang tawagin nya ko.

"Pati dito susundan moko?" Inis ko syang hinarap.

"Hindi kita sinundan, alam mong nasa gitna ka ng daan, natural mapapadaan ako dito"  paliwanag ko sakanya. Sinuri naman ako nito.

"May narinig ka?" seryosong tanong nito. Nginitian ko naman ito. "Wala, sobrang hina ng boses mo, wala akong narinig" pang sasarkastiko ko.

Umirap ito at inalisan na ako. Aba.
_____________

"Ung adobo po ate 1 order lang po" wika ko kay ate na nagbebenta. Hay sa wakas makakakain na ko.

"La te wala nang langka?" Napatingin naman ako sa bumili. Si jake, ung lalakeng makulit.

"Sabi ko reservation ako eh, magtatampo nako sayo nyan" Tumawa naman ang mga tindera. Tila ba ay sanay na sa mga gantong biro.

"Eto na po ma'am, pakabusog po" abot sa akin ni ate kaya napatingin si Jake sa akin.

"Uy! Dito ka pala kumakain, tabi tayo ah" wika nya at tumabi sa akin. Medyo awkward ako sa sobrang dikit naman ngayon. Nakangiti pa ito.

"Di mo kasama si Lorie no? Andun sya eh, sunod sunuran sa mama nya yon eh HAHAHAHHA" Tinignan ko sya ng masama. Aba ung bunganga nito walang tabas ah.

"Woa chill, magkaibigan kami non, di lang halata- yaan! sarap neto te ah, pero ung langka ko bukas dat doble na" wika nya matapos iabot sakanya ang order nya.

"Pati si Kia! magkakaibigan kami nun" saad nya. Di ko alam bat nya sinasabi sakin eh wala naman akong pake. Nagpatuloy naman ako sa pagkain at di nalang ito pinapansin.

Biglang may nagring at cp nya ito.

"Oh kia napatawag ka" Agad ko syang tinignan, hindi ko alam bakit.

"Huh? hay nako, sabi kaseng wag ka na tumuloy dyan, maya puntahan kita ubusin ko lang to" Nagmadali na itong kumain. Woa concern kay Kia ah, magjowa ba sila?

"Te eto bayad oh, pati dito sa katabi ko- wag ka na magbayad libre ko na" wika nya sabay kindat.

"Uh... asan si Kia?" Hindi ko alam bakit ko tinanong yon, siguro kase curious ako, kakakita ko lang sakanya kanina eh at tila nga may connect ung narinig ko kanina.

"Magkakakilala ba kayo?" tanong nito. Hindi ko sya sinagot.

"HAHAHA andun yon sa celebration, binungangaan na naman ng mami nya siguro, sige una na ko ah" wika nya at nagmadaling umalis. Huh? Binungangaan? Sa bagay, nagsorry sya sa mami nya kanina, ang sungit sungit nya kase.
_________________

Just My Not-So Denial ClassmateWhere stories live. Discover now