Lorie's POV
"Pwede bang wag ka maingay?!" sigaw ko dahil ang ingay nito. Nage-electric guitar kase ito at katawagan ko naman si Kiara sa kabilang linya.
"Ano ba, ba't maingay ba dyan?" tanong ni Kiara sa linya. Binato ko ng unan si Jake, hindi parin talaga ito tumigil.
"Para kaseng tanga to si Jake, so anong plano mo nga?" tanong ko habang tinatanggal ang mga kabletang nakasaksak rito.
"Eh" saad ni Jake nang tanggalin ko ang electric guitar nya sa amplifier. "Stay silent for a moment please" Nagmaktol naman ito at humiga na sa kama.
"Hindi ko nga alam, kaya nga kailangan ko ng tulong mo, diba aalis naman si tita? Kung makakausap mo edi kamo yayain si mami" I sighed. Sino ba kasi itong aayain si Maddi pumunta ng bahay nila eh alam nyang hindi nagpapapasok ung mami nya ng ibang tao.
"Yun ang di ko alam, Kia. Alam mo namang mahirap din kausapin si mommy, pero itatry ko. Pero wait— Jake halika ka nga" Nakatalukbong lang ito ng kumot. Hindi ako pinapansin. Ayan na naman sya sa pambata nyang ugali.
"Teka lang Kia ah, tawagan kita ulit" wika ko at pinatay na ang tawag. Natawa pa nga ako nang marinig ko ang groan nito dahil sa stress.
Lumapit ako sa kama at umupo sa tabi ng nakatalukbong na tao na to.
"Ang ingay nga kase, kausap ko si Kia." saad ko. Nagdabog naman ito. "Oh sorry na, tumayo ka na dyan at kakaltukan kita pag ako nainip" Galit naman itong tumayo.
"Ang sungit sungit magsosorry din pala" saad nya at inayos na muli ang gitara nito.
"Kailangan ni Kia ng tulong, kausapin mo kaya si tito? Kamo ayain si Tita na umalis" Nagtaka naman ito. "Bakit?"
Oo nga pala, hindi nya pa alam. Nangako din ako kay Kiara na hindi sasabihin kay Jake. Alam kasi naming madaldal ito at palaging nadudulas.
"Basta, ha?" Nainis naman ako nang umiling ito. "Sige na Jake, please?" Nagdabog ito bago sumagot.
"Oo na, basta di moko patutulugin sa sahig?" Tumaray na lamang ako. Ano pa bang magagawa ko?
Pinagmamadali ko na nga itong si Jake, dahil papasok na kami. Hindi pa naman kami late pero gusto nang umalis sa bahay.
"Ah tinatamad pako, ang aga aga pa oh!" wika nya at humiga sa kama. Nakabihis na ito dahil pinagbihis na ko na sya kanina pa.
"Alam mo, bahala ka, mauuna nako."
Tinignan ko ang notes ko. Uy bakante pala ako sa sabado. Walang nakaassign sakin na gagawin si mommy. Agad kong sinearch ang available na mga shows sa sinehan sa sabado. Tinype ko ang SciFi na genre dahil alam kong gusto ito nila Kiara at Jake.
Excited na ko makabonding sila. Alam kong free si Jake, dahil sa aming tatlo, sya lang ang may maayos na magulang. Yes, malaya sya sa lahat at hindi sya pinipressure magkaroon ng mataas na grades unlike sa amin ni Kiara. Pero sa aming tatlo si Kiara ang pinaka kawawa, kaya hindi ko alam kung free si Kiara sa sabado. Itatanong ko nalang. Nakangiti ako habang naglalakad at mabilis na napalitan iyon ng pagtataka nang makita si Kiara na nakangiti habang hinahaplos ang pusa.
"Kiara?" tawag ko rito, lumingon ito. "Oh, Lorie, wait sabay na tayo pumasok, inaantay ko lang ubusin nya to para matapon ko sa basura ung lata" wika nya. Tinignan ko ito, nagpapakain nga ito ng canned cat food.
