Maddi's POV
Namangha ako sa ginagawa ni Kiara kanina. Ang galing, siguro dahil first time ko rin makakita ng ganon. Kumukonti na nga ang tao at nagsisialisan na. Hinanap ko sila Lorie, hindi ko ito makita.
"Mas mataas sana ang points mo kung hindi ka nagtanga tangahan kanina!" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nasa kabilang pader ito. Sinandal ko ang tenga ko rito.
"Anong nangyare kanina ha? Anong klaseng pakana yon?!" diin na diin ang mga sigaw nito. Pamilyar sakin ang boses na ito ah?
"Magusap tayo mamaya paguwi! Pinapahiya moko!" Nagulat ako nang lumabas ito sa kaliwa ko. Agad akong umayos ng tayo at yumuko. Nakakahiya, nakita nya akong nakasandal. Tinarayan lang ako nito at umalis na. Sinundan ko pa nga ito ng tingin. Grabe nakakatakot ang aura nito. Aha! Kamuka nya si Mrs, Leonora.
Agad akong napaayos muli ng tayo ng sumunod na lumabas si Kiara. Shit, sya kaya ung pinapagalitan?
"Kanina ka pa dyan?" tanong nito.
"A-ah, kararating ko lang! Hinahanap ko lang si Jake." wika ko. Katulad ng nauna ay tumaray lang ito syaka umalis na. Tinignan ko itong papaalis. Pagagalitan kaya sya? Parang takot ang itsura nito kanina.
Susundan ko na sana ito upang kamustahin ng dumating si Jake.
"Uy Maddi! Ginagawa mo rito?" tanong nya. Nagtaka naman ako. "Huh? Pinapapunta moko diba?"
"Ako? Bakit?" tanong nya. Kinuha ko agad ang cp ko. Tumawag sakin si Lorie eh.
"Hello?" sagot ko sa tawag.
"Maddi, pumunta ka dito sa competition oh" wika ni Lorie.
"Huh? Wala naman akong gagawin dyan"
"Sige na please, hanap ka ni Jake."
"Ah wala wala" saad ko at tinago na ang cp. Weird. Sabi ni Lorie tawag ako ni Jake?
"Gusto mo don muna tayo?" anyaya nya. Muli kong tinignan ang dinaanan ni Kiara palabas. Okay lang kaya sya?
"Ah hindi na, may pupuntahan pa kase ako" wika ko at nagpalaam na.
Andyan pa kaya si Kiara? Mama nya kaya yon? Nasabi ni Jake ang tungkol sa mama nito. Hays. Lumabas ako upang tignan kung nandyan pa ba sya.
_________________
Lorie's POV
Tahimik kong tinitignan ang cake na ginawa ko.
Congratulations best friend.
I guess hindi ko ito mabibigay sa kanya. Pinicturan ko nalang ito upang istory ng biglang may kamay na sumulpot sa picture ko. Agad kong hinampas si Jake. Kinuha nya na naman kase ang icing.
"Mhm! Sarap ah!" wika nya. Tinignan kk ang cake. Nasira na ang design nito dahil sa ginawa ni Jake.
"Kainin na naten, matutunaw yan" wika nya pa. Malungkot akong umupo sa upuan. Tinignan ang pagkain ni Jake sa cake na gawa ko.
Kita kong nanginginig ang mga tuhod ni Kiara sa harap. Inaatake ito ng panic attack.
"Kinakabahan ata si Ara" wika ni Zeke. Hindi ito makakilos, nakatayo lamang ito. Tumitingin tingin ito sa paligid. Para bang may hinahanap.
"Ano gagawin naten?" tanong ni Jake. Tinignan ko si Jake. Naalala kong nagtanong sakin si Maddi kung single si Jake. Tinignan ko si Kiara. Maaring si Maddi ang hinahanap nya. Ah shit. Bahala na.