Maddi's POV
"So before we leave, remember again that our trip will be held next week. So be prepared ha? Dalhin lang ang dapat dalhin." saad ni Mrs. Leonora. Tumango na nga kami at nagayos na ng mga gamit upang umalis.
"Hi! Sana magkatent tayo" wika ni Lylia sa akin paglapit. Nginitian ko na lamang ito at tinuloy ang pag aayos.
"Maddi, di ako makakasabay sa lunch ha? may gagawin ako eh" wika sa akin ni Lorie.
"Uhm sige, di rin naman ako kakain" Tumango ito at umalis na rin. Nagkatinginan pa nga kami ni Kiara ngunit agad ko rin itong iniwas at umalis na.
Medyo maingay na ang hallway dahil lunch na nga. Kaliwa't kanan ang mga sigawan. Akala mo hindi mga college ang mga ito. Patuloy lamang ako sa paglalakad nang may tumama sa aking bola.
"Ah shit." daing ko nang mapabagsak ako sa lupa.
"Oops! Sorry!" Nakita ko palang ito ay nainis na ako. "Court ba to ha?" sigaw ko rito. Loud enough to catch the people's attention.
"Woa, I didn't mean to. Ang oa naman ng reaksyon mo." Lalo pa akong nainis nung sinabi nya iyon.
"Tinamaan ako ng bola sa muka tas sasabihin mo oa?! Ikaw kaya batuhin ko?" Kinuha lang nito ang bola nya.
"Look I'm sorry-"
"Zeke!" Napalingon kami. Aha dadating nga sya. Knight in shining armor yarn? Tinarayan ko nalang ito at umalis na. Rinig ko pa nga ang mga bulungan. Eh ano, porke ba idol nyo yon.
Tahimik akong kumakain dito at nasa harap ko si Jake. Nagccp ito habang kumakain. Naiinis parin talaga ako kanina.
"Nabalitaan ko nangyare kanina ah, idol kita!" saad nya. "Ts. Nakakainis naman kase talaga, magshoshoot ng bola akala mo nasa sakin ung ring." saad ko.
"Feeling kase non hari sya ng daan." Napatingin naman ako kay Jake. Sa cp parin ito nakatutok. Galit din sya don? Bakit? Gusto nya ba si Kiara? Nagseselos din ba sya– DIN?! No. Shut up Maddi. You're not.
"Can i sit here?" Tinignan ko lang si Kiara.
"Natural, upuan yan e" sagot ko. Nanliit naman ang mga mata nito."Una nako Jake." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito at umalis na ko. Nagulat ako nang may humila sa akin ng nasa tapat na ko ng cr. Nakita ko na lang na nagpapadala ako sa mga hila nya at nandito na nga kami ngayon sa cr.
Walang tao dito at nakasandal ang kamay nito sa pader na sinasandalan ko. Sobrang lapit ng mukha nya at rinig ko ang bawat paghinga nya.
"K-Kiara." mahinang sambit ko dahil feeling ko ay nanghihina ako. Titig na titig ito at tila ay galit.
"Ilang beses ako nagpakumbaba sa pamamahiya mo sakin. Bakit ka ba nagkakaganyan?" Pilit ko syang tinutulak at hinahawakan ang kamay nya upang makaalis ngunit para itong lalake sa lakas nya.
"Just tell me the reason. May nagawa ba ko?" Ngayon ay medyo mahinahon na ang pagkakasabi nito. Iniwas ko ang tingin ko.