Unti unti kong minulat ang aking mga mata. Nasa clinic pala ako. Inatake na naman ako ng anxiety ko. Hays. Ano ba kasing nangyare? Hindi ko alam na may gf si Troy, kung alam ko lang hindi ako papayag talaga.
"Hey you're finally awake!" Nilapitan ako ni Jake. "Okay ka na ba? Pupuntahan sana kita para sabay tayo magrecess nagulat ako matutumba ka na" wika nya. Nginitian ko ito.
Did he just save my life?"Okay na ko, siguro kase wala rin akong kain" saad ko. "Mhm sa susunod alagaan mo sarili mo, nabalitaan ko nangyare, gago talaga yon si Troy, pati ikaw idadagdag sa listahan nya"
"H-Hind ko alam na may gf sya, hindi ko rin sya nilalandi, inaya nya lang ako, nakakahiya tumanggi-"
"Hey chill, i know you wouldn't do that, gago lang talaga yun si Troy" saad nya. Napangiti naman ako ng malaman kong naniniwala sya sa akin.
"Tawag ka" Napatingin kami kay Kiara na nasa pinto. "Ako? Kinakausap mo na ko?" tanong ni Jake. "Tawag ka ni Ma'am Leonora."
"Sige pupuntahan ko muna yon Maddi ah, pagaling ka then pag magaling ka na sa lunch, sabay tayo" saad nya at umalis. Bago pa nga ito lumagpas kay Kiara ay ginulo pa nya ang buhok nito na ikinainis ni Kiara.
Uhuh, ganun nga sya sa lahat.
"Oh, bigay yan ng nurse, inumin mo raw" malamig na tugon ni Kiara. Aalis na sana ito.
"Kiara, hindi ko alam na may gf sya-"
"I don't care" mabilis na putol nya sa akin. Sabagay ano bang pake nya. Bakit ko ba kinukwento.
"Hindi ka umattend ng voluntary, para makipagdate?" tanong nya. "Kiara hindi, gusto ko lang linawin sakanya-"
"Pinagkakalat ng gf nya ung ginawa mo, scholar ka. Sana kase nagiisip ka bago gumawa ng desisyon." wika nya. Masisira ung pangalan ko. Naiiyak ako. Ano ba nangyayare.
"Kakausapin ko yung gf, magpapaliwanag ako-"
"You can't, she's aggressive, ano pang gagawin nya sayo" Natahimik ang buong kwarto. Hindi ko alam kung nagaalala ba sya sa akin o galit sya. Sa malamang galit sya, dahil mahalaga sakanya ang club, ang grades, masisira ang club pag di nagawa on time. Isisisi nya sakin dahil di ako nagvolunteer. AAAAA.
"Kung ganon.... pwede bang ikaw kumausap?" Hindi ko alam, yun nalang ang lumabas sa bibig ko. Expected ko nang di nya ko tutulungan pero sana kahit ngayon lumambot ang puso nya.
"Why would I?" Napahinga na lamang ako ng malalim. I'm doomed. "P-please" pagmamakaawa ko. Hindi ako pwede matanggal sa scholar, di ako kaya ipacollege ni mama. Naiiyak na naman ako.
"I won't." saad nya at umalis. Tuluyan na kong naiyak. Hanggang dito nalang ba ko?
________________Kagat labi akong naglalakad dala dala tubig at biscuit na binili ko. Lunch na at medyo kaya ko na maglakad. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Shit. Kumalma ka Maddi please.
*ting* Tinignan ko ang aking cellphone. Nagchat si Jake.
"Maddi sorry, may overtime sa laro e, baka di ako makasabay sayo, pagaling ka ^^" Bumuntong hininga na lamang ako. Pumikit at huminga ng malalim upang kumalma. Nadako ang tingin ko kay Troy na ngayon ay masayang nakikipagusap sa gf nya. Okay na sila? Hindi na rin ako tinitignan ng gf nya. Ang toxic naman ng relationship nila.
Napatingin ako ng biglang umupo si Kiara sa harap ko. "What?" pasigang tanong nya. Hindi ko nalang ito pinansin at binuksan na ang biscuit ko.
"That's only your lunch after fainting earlier?" Tinignan ko naman ang biscuit. "U-uh gusto ko lang kase mag-"
"Stupid." Kinuha nya ang biscuit ko at kinain.
"Hindi ka mabubusog dito. Take mine" saad nya at tinulak palapit sakin ang tray nya. Adobo ang ulam nito. Masarap nga.
"Uh, hindi na okay nako sa tubig" tanggi ko rito. Sinamaan nya ko ng tingin. "Tsk." Nilagay nya ang kutsara at tinidor sa mga kamay ko. Sya naman ay kinakain lang ang biscuit ko. Wala akong choice kundi kainin nalang.
"M-mukang good mood ung gf, baka pwede ko nang kausapin about dun" tawag ko kay Kiara. Nagccp ito, tapos na ubusin ang biscuit ko, ako naman ay di pa tapos kumain.
"No need, they already settled it" sagot nya na tutok parin sa cp. Kumain na lamang ako. Inubos na ito para maibalik na sa mga nagtitinda ang lagayan nang tumayo si Kiara, dinala nya ang tray ko sa mga tindera. Hindi nya man lang ako nilingon nun ha. Muli kong tinignan ang gf ni Troy, nakatingin pala ito sakin kaya nagkaabutan kami. Umiwas naman ako pero nakita kong papalapit sya sakin.
"Uhm hi! I'm sorry for accusing you kanina, hindi ko sinasadya, sana maging okay ka na" saad nya. Accusing?
"U-uh there's nothing going in between me and your bf-"
"I know, Kiara explained it to me na kanina. You were planning suprise pala for me, I'm really sorry, at the same time I'm sad kase di na surprise haha" Umalis na ito at bumalik na sa table nila ni Troy. Tinignan ko si Troy, di ito makatingin.
Surprise? Tinignan ko si Kiara na nakikipagusap sa mga tindera. Tinulungan nya ko?
"Uhm Kiara, thankyou-"
"I did it to protect the club. Hindi ka nagvolunteer para makipagkita lang, I'm sure it will damage the club." putol nya. Tumango na lamang ako. Well thank you parin dahil hindi ako naipit. Umupo na lang ako ulit sa upuan ko.
Mula sa upuan ko at tinignan ko si Kiara. Kita ang side view nito. Hm, puro talaga grades. Gagawin lahat basta mataas ang grades, hays. Hiniga ko na lamang ang aking ulo at nagpahiga sa lamesa.
Nagising ako sa biglang paghampas sa lamesa ko. "Sa clinic ka magpahinga para walang maingay, parating na si Sir." saad sakin ni Kiara. Pagtanggal nya ng kamay ay lumitaw ang isang gamot at isang sticky note.
Muli ko muna syang tinignan sa pagupo nya. Bakit nya pako kelangan gisingin? Syaka pano nya nalamang tulog ako eh nasa kaliwang likod nya ko. Imposible namang tumingin sya eh wala naman syang pakialam sa paligid.
Nilipat ko ang tingin ko sa lamesa ko. Gamot ito para sa sakit ng ulo. Nang tignan ko ang sticky note.
It is okay to say no sometimes, getwell soon :>
Tinignan ko si Kiara. Nakatalikod lang ito at di ako hinaharap. Sabi ko na nga eh, kaya pala parang pamilyar ung sulat sa sticky note sa coke dati.
Owned by: Kiara Cameo
Nakita ko nga pala yon sa libro ni Kiara. Ngumiti ako. Medyo bet ko ung mood nya ngayon ah. Sana wag magbago.
______________
