Maddi's POV
Tahimik na nga kaming naglalakad ni Lorie papuntang cafeteria. Recess na ngayon. Pansin ko nga ay kanina pa tuliro si Lorie.
"Lorie okay kalang ba?" tanong ko rito.
"Oh, oo okay lang ako. Iniisip ko lang aasikasuhin ko jusko andami. Di ko alam pano imamanage" saad nya. Umupo na nga kami sa table. Panay parin ang check nito sa cp nya. Hindi ko na ito inabala pa at kumain na lang.
"Ugh" Napatingin ako kay Lorie. Patapos na ang recess ngunit nasa laptop parin ito. Hindi na nga ito kumain.
"Lorie! Maddi!" dumating na nga si Jake. Dala na rin nya ang tray nya. "Uy? Okay ka lang?" tanong nito kay Lorie. Tinignan ko si Jake. Ampogi nya parin talaga, pero....pero bakit parang may nagiba?
"Be quiet Jake please, I need to finish this" inis na saad ni Lorie. Tumahimik rin naman agad si Jake at kumain nalang.
"Lapit na surfing nyo ah?" bulong sakin ni Jake. "Uhuh, di parin ako marunong lumangoy" wika ko at kumain na rin.
"Tuturuan nga kita eh"
"Hindi na, tuturuan raw ako ni Kiara" saad ko dito. At napatikom ng bibig nang marealized ko ang sinabi ko.
"Close na kayo?" tanong nito. "Baliw, syempre sya president ng club" muka namang nakuntento na ito at kumain nalang.
"Ay alam mo ba nagpaslot ako" Nakangiti ko syang tinignan.
"Weh? Omg!" Pinatahimik nya naman ako.
Napatawa na lamang kami at nagpatuloy na sa pagkain.Naglalakad ako sa corridor papunta ng cr. Madadaanan ko mula rito ang Music Club. Kaya naisipan ko na ring sumilip doon. Ah shit. Kita sa siwang ng pinto ang mga ngiti ni Kiara. Para bang may kausap ito. Sinilip ko pa kung sino ito kaso hindi na ito makita sa siwang. I've never seen that smile of her. Ang genuine nito.
"Close your eyes nga" Boses ito ng lalake. Pumikit rin si Kiara nun. Nakita ko ang kamay ng isang lalake na tila ba ay nilalagyan ng eyeliner si Kiara.
"Wtf HAHAHA ang messy naman" Tumatawa si Kiara? Pilit ko paring sinisilip kung sino ang kausap nya. Bakit sya nakangiti ng ganyan? Ang taray taray nya diba? Bakit sya tumatawa kausap yon. Teka akala ko ba. UGH.
__________________
Lorie's POV
"I told you! Ngayon nagkakanda aligaga ka na?! Maulit pa to Lorianne, hindi ko na alam gagawin sayo! I'll deduct your allowance! Be home ng hindi lalagpas ng 7:30!" Napapikit na lamang ako ng marinig ko ang mga sigaw ni mommy sa kabilang linya. Hindi ko kase mapapasa ngayon ang summary ng bills. Napayuko na lamang ako. Hay nako. Mukhang magtitipid na naman ako.
Nakita kong nakabusangot si Maddi nang pumasok ito sa room.
"Maddi are u okay?" tanong ko rito. "Oo, wala lang sa mood" saad nya at hinanda na ang gamit nya. Hindi na ito nagsalita kaya hindi ko na rin ito ginulo.
Sunod na pumasok si Kiara. May dala itong pineapple juice. Inabot nya ito kay Maddi. Laking pagtataka ko nang inusog lang iyon ni Maddi. Nilapag iyon muli ni Kiara, sa pagkakataong ito ay marahas na inusog yon ni Maddi kaya nahulog ito.
"Maddi" bulong ko rito.
"I'm sorry, ayoko ng pineapple juice." wika nya at nagsulat na muli. Nagkatinginan pa nga kami ni Kiara at nagtatanong ito kung bakit nagkakaganto si Maddi. Nagkibit balikat na lang ako.