Another day na naman, another day of school. Hindi ko alam, excited naman akong pumasok dati ngayon nakakatamad na. Kung wala kasing sumira edi sana araw araw ako nakangiti.
"Hi Maddi!" bati sa akin ni Lorie nang makaupo na sya. Hindi ko na sya hinintay dahil nauuna naman pala ko pumasok at laging late si Kiara.
Maaga naman syang napasok, hindi ko alam kung saan sya pumupunta. Syaka ano bang pake ko sa kanya.
"Goodmorning Class 1" Tumayo na kami at binati si Sir. Nagsimula na rin ang klase, hanggang matapos ay di parin nagpapakita si Kiara. Woa, absent kaya sya? Mabuti na rin.
"Lorie! Mcdo tayo mamaya after class" masayang wika ko rito. Nagtaka naman ito. "Uh okay? Ang sigla mo naman" Bahagya nalang ako natawa. This will be a good day.
Maingay ang room habang naghihintay ng dadating na teacher. Hindi ko pa pala halos kilala tong iba kong kaklase. Pero sila nagkakasiyahan na, halos kilala na ang isa't isa.
"Hi... Maddi diba?" Napatingin ako sa grupo ng lalaking lumapit sa akin. Magtotropa ata sila. Dahan dahan naman akong tumango.
"Ah Troy! tapos si Kevin syaka Migo" wika nya sa pagpapakilala nila sa akin. "Ahh, ah! si Lorie" pinakilala ko rin si Lorie. Hindi nya ito pinansin.
"Pansin ko kase tahimik lang kayo e, gusto mo ba sumama maya sa lunch? di lang naman kami, kasama si Angel syaka Mica, so di lang kayo babae" paliwanag nya.
"Ahh" tinignan ko si Lorie. Tumango naman ito. "Ahh sige sige" sagot ko rito. Ngumiti na lamang sila at nagpatuloy sa pagbabatuhan. Tama bang makikipagkaibigan ako sa kanila.
"Sino yon?" tanong sakin ni Lorie. "Di ko alam, lumapit eh, ayaw mo nun may bago tayong kaibigan" wika ko. "Mhmm, mukang basagulero eh haha" nagtawanan naman kami.
"Lorie!" napatingin kami sa tumawag mula sa pintuan. Si jake. Pinapapunta nya sa labas si Lorie. Umirap muna si Lorie bago sinenyasan ako na antayin sya.
Woa naalala ko ung kagabi. Pinapagalitan parin pala si Kiara ng mama nya. Akala ko hindi na, sa angas nya ba namang yon. "Oy Maddi diba? Hello! Ako si Lylia eto naman si Jacob, boyfriend ko" Ngumiti na lamang ako dahil di ko naman alam ang isasagot.
"Kasali ka rin pala sa Surfing Club?" Nagulat ako sa sinabi nya. "H-huh?" Nagtinginan naman sila. "Ano ka ba, matagal pa yon, pagtapos pa yon ng Tennis, nagulat nga ako, may reservation ka agad eh" saad nito. Naguguluhan ako sa mga sinasabi nito. Anong surfing?
"Surfing? H-hindi ko alam yon" wika ko.
"Eh bakit ka nagpaVIP reservation? Agawan kase pwesto dun eh, kaya nakakainggit na di mo na kelangan makipagunahan sa fill up day" paliwanag nya. Patuloy ko paring pinoproseso ang sinasabi nya.
"H-hindi ako nagpareserve, baka mali ka ng nilapitan" saad ko. Nagtaka naman ito.
"Huh, wait.... eto oh Maddi Salazar, Lorie Bejo, and Zeke Coal ung nasa VIP list oh" saad nya. Tinignan ko rin ito sa cp nya. Huh?
"Actually kami ng bf ko sasali din dyan, sana may slot pa para saming dalawa huhu" wika nya. Huh? Kelan ako nagpareserve?
"Why?" Dumating na si Lorie. "Ah wala po, kinakausap lang namin sya" Umalis na rin ang dalawa. "Nyare, bakit daw" tanong sakin ni Lorie.
"Ah, tinanong lang nila ko kung nagpareserve ako ng VIP sa surfing, hindi naman pero nandun ung pangalan ko, kasama ka nga eh" saad ko.
"Ay weh, I didn't know na u like surfing din.... wait... don't tell me di ka na naman nagsusurf?" Dahan dahan ko itong tinanguan.
"Bakit nagpareserve? Kaya pala lumapit sayo yung dalawang yon, inggeterang frog yung magjowa na yon, gagawin lahat basta magkasama sila, so ew" wika nya.
"Hindi ako nagpareserve, hindi ko alam bakit ako nandun, hindi ako marunong magsurf, di nga ko marunong lumangoy eh" sagot ko rito. Tinignan naman ako nito.
"Hmm, baka may naglist sayo syaka nagbayad"
Sino naman kaya ang gagawa nun?
"Hindi na ba pwede magpaunlist?" tanong ko. Umiling naman ito. "Hindi ko alam eh, ang hirap kaya ng process para sa VIP reservation, kase sure na slot mo don, considering na antagal pa ng fill up, and for sure mapupuno agad yon, tapos ibabackout mo lang" sagot nya.
"Sumali ka nalang, para magkasama tayo" dagdag nya. "Pero di ako marunong magsurf" Tinapik lang nya ang balikat ko. Hays, ano bang nangyayare sa College Life ko. "Edi discover new things" saad ni Lorie. Naoabuntong hininga na lamang ako.
"Absent si Ma'am Jasmine" Ang susunod sana naming professor. "May meeting dun eh, chismoso talaga yun si Jake, tinawag ako para makinig kami sa pinagmemeetingan jusko" Tumawa na lamang ako.
"Inaasar nya lang naman si Kia dun" dagdag nya habang nagaayos ng gamit nya. "Hindi absent si Kiara?" tanong ko na ikinatawa nya. "Wala sa vocabulary nun ang salitang absent, nasobrahan na sa ego yon, konting bawas lang sa grade nya, magluluksa na yon" Sa bagay, Achiever nga eh, kung ano anobg sport pinapasukan.
"Di ko rin sya masisisi, ung mama nya- oh, nvm, tara lunch na tayo, 15 mins nalang naman na lunch na eh, una na tayo" wika nya.
Bitin ung kwento ha, pero hayaan mo na wala naman akong interes sa buhay ni Kiara.
_________________Tahimik na kaming kumakain ng magalarm na ang bell hudyat na Lunch na, wala e nauna na kami. Unti unti nang dumadami ang mga tao.
"Uy hi Maddi" si Troy. Kasama ang mgakaibigan nya. May kasama na rin silang dalawang babae. Yun na ata ung tinutukoy nya.
"Ang ganda nga Troy ha, malupet ka talaga pumili" wika nung isang babae. "Ingay mo naman Mica" saad ni Kevin. Kilala ko na ang mga muka nila.
"Pwede ba namin kayo samahan kumain" Tumango naman ako at bahagyang natawa ng makita ang mataray na tingin ni Lorie.
"Andami daming upuan dyan" saad ni Lorie nang uupo na sana sila. Si lorie talaga ang nagsasabi ng mga ayaw kong sabihin.
"Eh nagusap na tayo kanina na sabay sabay tayo kakain diba" wika ni Troy. Oo nga pala, pumayag na ko, nakakahiya naman.
Sinenyasan ko si Lorie na hayaan nalang at ngayon lang naman.
"Pero okay lang naman" wika ni Troy.
"Hindi hindi, okay lang, medyo mainit lang ulo nyan ni Lorie, sige masa maganda pag marami kasabay kumain" wika ko. Nang paupo na sila ay nagulat ako nang umupo sa tabi ko si Jake.
"Hi guys, pasabay kami" wika ni Jake kasama ang mga tropa nya. Ngayon ay dalawa nalang ang bakanteng upuan, sa tabi ko at isa sa side ni Lorie. Magkaharap kase kami.
"Dun na lang kami pre, dyan ka na yiee, may bakante pang upuan sa tabi ni Maddi oh" wika ni Kevin kay Troy. Umalis na ang mga kaibigan nito. At nang uupo na sya ay may naglapag ng tray sa lamesa.
Nagulat naman si Troy roon at umupo nalang sa side ni Lorie. Kaya medyo kaharap ko na sya. Nanlalamig ako nang maramdaman ko nang umupo sa tabi ko si Kiara. At lalong nanigas nang magdikit ang mga hita namin.
_____________