Chapter 34

11 2 0
                                    

Lorie's POV

Nandito ako ngayon sa tabi ng dagat. Dito ako dinala ng mga paa ko. Nanlambot na ang mga tuhod ko kaya napabagsak nalang ako rito at dito na rin umiyak. Akala ko ba tanggap mo na Lorie? Akala ko ba okay na?

Pinigilan ko ang luha ko ngunit lalo lang lumalabas sa tuwing pinipigilan. Inis ko itong pinupunasan.

"Tangina naman oh, tama na." sigaw ko.
"Tama na please." Alam ko namang lalo lang luluha to. Pero gusto ko na talaga syang pigilan kaya umupo nalang ako at yumuko sa mga kamay ko.

Tama na Lorie, dapat masaya ka. Tinulungan mo diba?

"Lorie!!" Agad kong pinunasan ang mga luha ko at huminga ng malalim bago ito lingunin.

"Bat ka nandito?" masayang saad nito. "Ah wala, nagmamasid, ganda ng dagat e. Last night na." sagot ko at pilit na pinipigilan ang mga luha. Umupo ito sa tabi ko.

"The moon is beautiful, isn't it?" Natawa naman ako rito. "Nu bayan di parin kinilig." Napailing na lamang ako.

"Do you know... how to confess to someone you like?" Agad akong napatingin dito. Bwiset naman to wrong timing. Kung alam ko edi sana ginawa ko na dati pa dba?

"Ako pa tinanong mo nyan" saad ko rito. Tumawa naman ito. "May tatanong ako sayo" Tumango naman ako at inantay ang tatanungin nito.

"Love or friendship?" natahimik naman ako roon. "Friendship." mahinang tugon ko. "Hindi ko kayang ipagpalit ang friendship sa love."

"Mhm, ako love." tinignan ko ito. "Kase may friendship kami ng love ko" pinakinggan ko naman ito.

"And I can't stay friends with someone I love. At least....I should try, right?" wika nito habang nakatingin sa akin. Masama ang kutob ko sa sasabihin nito ngunit hinayaan ko lang ito magsalita.

"At least, wala akong pagsisisihan" nadurog ang puso ko. If i tried....siguro, wala rin akong pagsisisihan ngayon.

"Lorianne." Napatingin ako rito ng tawagin nya ang full name ko. "What will you do if.... your friend confess to you?" Napalunok naman ako. Hindi, jake. Please.

"Jake..."

"What if I say i like you?" seryoso ang mga mata nito. Napaatras naman ako mula sa kanya. "Jake..." Nakita ko itong lumunok na tila ay nagaabang sa sasabihin ko.

"Jake, are you being serious right now?"

"Mhm, I'm trying to shoor my shot." Hindi ko ito matignan sa mata. "Jake..."

"Walang correct answer dito, just tell me how you feel." saad nya. Hinawakan ko ang kamay nito.

"Jake, we're good friends. I.......I only see you as a friend." tinapangan ko na ang loob ko dahil ayokong umasa pa ito.

"You're the most important person i have, and I don't want to ruin our friendship. Jake, I'm sorry." Nakatingin lang ito sa akin.

"Jake I'm really sorry, I just want to be your friend. Your forever best friend"
Hindi ito nagsasalita at nakatingin lang sa akin.

"Please Jake, I don't want to lose you" Ngumiti naman ito at bahagyang tumawa.

"Oo naman, nagtry lang naman ako. Ikaw ang wag umiwas sakin, iiyak ako" biro nya. Nakahinga naman ako ng maluwag at naintindihan nya.

"Nakakabigla ka naman kase, di pa nga ko tapos umiyak oh haha" Lumapit naman ito sa akin.

"Bakit ka umiiyak?" tanong nito.

Just My Not-So Denial ClassmateWhere stories live. Discover now