Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Walang katao tao rito. Malawak ito pati narin ang pool ay mahaba. Malayang makakalangoy. Andito kaya sya? Nakita ko namang gumagalaw ang paspas ng tubig kaya baka siguro ay nandito ito ay sumisisid.
Tama, nakita ko na ito nang lumabas na ang kanyang ulo. Nakagoggles pa ito at nakarush guard. Long sleeves kase. "Kiara!" Tumingin ito sa pwesto ko. Kahit nakagoggles sya ay alam kong inirapan ako nito. Pumunta sya sa dulo kaya pumunta na rin ako roon. Hinintay ko syang makalapit.
"What?" mataray na tanong nya. "Kalma, hindi ako magtatagal, pinapabigay lang to sayo ni Jake, dahil di mo daw sya pinapansin" Nagsalubong ang kilay nito.
"Kelan ka pa nya naging alalay?"
"Hindi alalay, more on like, kaibigan, maasahan sa oras ng pangangailangan." wika ko. Aba i appreciate nya yon, with movements pa yon.
"Tsk" saad nya at pinatalsik ang tubig sa gawi ko kaya napaatras ako. Umahon ito sa pool. Pagkaahon nya ay di ko maialis ang tingin ko sakanya. Nakarush guard nga ito, maikli ang mga short kaya kita ang mapuputing legs nito. Mahaba ang bias nya. Nang iangat ko ang tingin ko ay tumambad sa akin ang maliliit nyang bewang na hindi mo gaano makikita sa uniporme namin. Kita ang hubog ng katawan nya rito.
Dumagdag pa ang mamasa masa nyang leeg at ang mga labi nyang natutuluan ng tubig mula sa mga basang buhok nito. Napalunok nman ako. Woa. Kapag pala tinignan sya ng matagal ay makikita mong may natitirang maganda sakanya.
"Pati babae ngayon, manyak na?" saad nya. Agad akong napaubo at iniwas ang tingin ko. Napatitig pala talaga ako sakanya, siguro kase naiinggit ako, sana ganun din kahaba ang mga paa ko. "Talagang inuuna mo walang kwentang bagay kesa magpractice para sa laban no?" wika nya. Napatingin naman ako sakanya na galit.
"Kung di ko lang kaibigan si Jake, hindi ko gugustuhin na makausap kita ngayon, alam mo okay nga na di mo nako pinapakialaman e, ang tahimik" sumbat ko rito. Nanatili lang itong nakatingin sakin.
"Whatever, you're annoying" Nyenye, yan na naman sya sa favorite sentence nya. Nagulat ako ng pumatay ang lahat ng ilaw. Woah, glass ang bubong ng pool kaya medyo may liwanag kami rito dahil sa langit. Ngunit pagabi narin kaya konti lang ang nabibigay nitong liwanag.
Nang tignan ko si Kiara ay paikot ikot ang tingin nito. Napatawa naman ako.
"Takot ka ba sa dilim?" asar na tanong ko rito. Sinamaan ako nito ng tingin. "I need to take a shower" saad nya. Tumango naman ako kahit wala akong pake.
"C-come with me" Tinignan ko sya at hinihintay na sabihin nyang joke lang. "I-it's dark, walang light sa cr, I can't just hold the flashlight while bathing, j-just hold the flashlight outside" bakas ko sa boses nito ang kaba. Muka ngang takot sya sa dilim. Tinignan ko lang ito.
"You know what nevermind, i can go out like this" wika nya. Naglakad ito papunta sa pinto, tinignan ko sya, sobrang maiksi talaga ang short nya at okay, ang sexy nya. "Magbihis ka muna, sasamahan kita" wika ko na lamang. I sighed, ano na namang desisyon yan Maddi.
_______________"Malapit ka na ba?" inis na tanong ko. Pang ilang tanong ko na yan sakanya. Nasa labas ako ng cubicle kung saan sya naliligo. Nakataas ang kamay at nakatutok sa loob ng cubicle nya ang flashlight.
"You're acting like it's a hard job, you just need to hold it and wait for me to finish bathing" sigaw nito. Nagpigil naman ako.
"IT IS A HARD JOB" diin ko rito. "Nakakangalay okay? ilang libag ba nandyan sa katawan mo at inaabot ka ng siyam siyam sa pagligo" sigaw ko pabalik.
"Shut up" wika nya. Napahinga na lamang ako ng malalim. Ah! Nakakangalay! Nakaisip ako ng kalokohan at tinanggal ko ang flashlight. Laking gulat ko ng sumigaw ito. "Maddi!" Woa, that was the first time she called me by my name. Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang tawa ko.
"Maddi, don't mess with me, bring back the light!" sigaw nya. Nagpipigil parin ako ng tawa. Nagulat ako ng matumba ang mop mula sa pagkakatayo nito at mas lalong kinagulat ang mabilis na pagbukas ng pinto ng cubicle ni Kiara. Tumakbo ito at nang makita ako ay agad na nagtago sa likod ko.
"What was that?" rinig ko ang kaba sa boses nito. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakatwalya lang ito. Di ko pa napapatay ang flashlight kaya kitang kita ko ang mula collarbone hanggang cleavage nito. Agad akong napalunok. Meron itong cleavage gawa ng pagipit ng twalya sa mga dibdib nito.
Agad nyang inalis ang flashlight na nakatutok sa kanya kaya tumalsik ito.
"Why the hell are you pointing it at me" Agad akong umubo at kinuha ang flashlight. Biglang nagkaroon na ng kuryente kaya dali dali syang pumasok sa cubicle. Inayos ko ang buhok ko at kabadong inayos ang mga damit ko. Para akong manyak dun ah.
______________Kasalukuyan syang nagtatali ng sintas nya. Hindi ko alam bakit ko pa sya hinintay matapos. Pwede ko namang iwanan nalang sa locker nya ung pinapabigay ni Jake.
"Oh, una nako" saad ko pagkaabot sakanya ng papel. Medyo natuliro pako at pumasok sa cr imbis na lumabas. "uh" napatingin naman ako sakanya.
"D- don't tell anyone about this" wika nya. Na ano? na takot ka sa dilim? HAHA so funny. Tinanguan ko na lamang iti dahil nahihiya parin ako sa nangyare. Bakit yun pa una kong nakita, naiinggit siguro ako. Bakit, malaki naman dibdib ko ah!
"Including your boyfriend" Napatingin ako sa sinabi nya at nagtaka. "Boyfriend?" tanong ko sakanya. Hindi nya ito sinagot.
"Wala akong boyfriend excuse me" saad ko rito. "You're not into boys?" Nagulat ako sa tinanong nya. "Huh? I mean wala akong time, scholar ako, kelangan ko ma maintain grades ko at magkaroon ng malinis na pangalan" mariing wika ko rito.
"So you're straight?" tanong nya na tila walang pakialam sa dami ng sinabi ko. Sinagot ko lang ito sa pamamagitan ng panliliit ng mata.
"Nvm, no one will dare to date you naman" saad nya na kinainis ko. "Lalo ka na, bossy, porke achiever " binulong ko na lang ang last term.
"Ano kayo ni Jake?" Kinunotan ko lang ito ng noo. "Andami mo namang tanong, kelan ka pa nagkaroon ng pake sa buhay ng iba?" mataray na tugon ko rito.
"So wala kayo?" Hindi nya talaga pinapansin ang mga sinasabi ko. "Walang kami"
"Then don't act like one" saad nya. Tinarayan ako nito bago umalis. "Wala man lang thankyou?" sigaw ko. Muli itong lumingon.
"Ket tumalon ka dyan, di mo maririnig sakin yan" Ung pool ang tinutukoy nya. "Aba di ako marunong lumangoy" wika ko rito. Nakita ko ang pagkabigla nito.
"Sasali ka ng surfing, di ka marunong lumangoy" wika nya. Tinarayan ko naman sya.
"Wag na, sayo na yang thank you mo" saad ko rito at inunahan sya umalis.
"Learn to play tennis, wag kang puro Jake" sigaw nya. Tinignan ko sya pero di ko nilapitan.
"You're acting like a jealous dog" saad ko. Nanigas ako ng makita itong nagsmirk.
"You're stupid" saad nya. Namalayan ko na lang na ako nalang magisa dito. Aba! Bwisit yon ah!__________________
