Maddi's POV
Mabilis ang takbo ng araw at ngayon ay sabado na. Tumingin ako sa bintana ng jeep. Papunta ako ngayon sa mall. Naubusan na rin kase ako ng stock ng mga biscuit at kape ko, balak ko na rin bumili ng isa oang electric fan dahil mainit talaga sa kwarto ko.
"Para po!" Pumara na ko nang makitang nasa tapat na kami ng mall. Masaya akong naglalakad papasok. Anlalaki ng mga mall dito. May naaninag akong babae na nakatayo malayo. Nang tignan no ito ng maigi ay dali dali ko itong nilapitan.
"Kiara?" tawag ko rito. Ayan na naman sya sa mataray nyang tingin. "Hinihintay mo ba magsarado ung mall bago ka pumasok?" saad nito.
"Hindi ko naman sinabing magantay ka ah!" tinarayan ko ito nang tumalikod na ito sa akin at nauna maglakad.
Tama, ngayong araw pala ang napagusapan din naming sasamahan nya ko. Hindi naman talaga napagusapan. Bigla nalang sya sumama.
Naunang pinuntahan namin ang stall ng takoyaki. Bumili kase sya nito.
"Wag mo lagyan ng hot sauce, di ako kumakain ng maanghang" wika ko kase nakita kong nilalagyan nya ng hot sauce ang takoyaki. Kumunot ang noo nito.
"Di naman para sayo to ah?" Agad akong napahiya dahil medyo malakas ang pagkakasabi nya. Ang sarap nya sampalin sa totoo lang. Tumalikod na lamang ako. Ah lupa kainin mo ko!
"Ano ba mga bibilhin mo?" rinig kong tanong nya. Inirapan ko lang iyon kahit alam kong di nya ito makikita. Nakakairita nama kase, oo nga antanga mo din Maddi, wala naman syang sinabing para sayo yon. Aba naman kase andaming takoyaki inorder nya, mauubos nya ba yon lahat?!
Tinignan ko ang oras sa cp ko. Hays dapat kanina pako tapos mamili eh. "Mauuna nako" wika ko. Sumigaw pa ito ng wait pero di ko na ito pinansin at pumunta na sa grocery store.
Namimili ako ngayon ng maiging panghugas ng plato. Naubos na kase ang akin, gusto ko ung mabango at talagang nakakalinis ng hugasin.
"Andito ka lang pala" Tinignan ko ang nakapamewang na si Kiara. "Oh" sabay abot nya sa akin ng plastik na may lamang box of takoyaki.
"Ano to?" Sinamaan ako ng tingin nito.
"Walang hot sauce yan, bilisan mo mamili, ayoko maglakad lakad." saad nya at umalis na. Hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa utak nya minsan._______________
Lorie's POV
Iritang irita na ko dahil andito na naman kami sa bike shop. Namimili na naman sya ng bago nyang helmet. Ang usapan, sine. Aba halos magdadalawang oras na kami dito.
"Ano ba, nakapili ka na ba?! Malelate tayo sa show" iritang wika ko rito. Patuloy parin ito sa pagpili. Napairap na lamang ako at umupo sa isang upuan dito. Pinanood syang pumili na halos lahat naman ay natignan nya na.
"Ano mas bagay, puti or black?" tanong nya habang pinapakita ang bagong piyesa na naman sa bike nya. "Pink." sarkastikong saad ko rito. Kanina pa sya tanong nang tanong. Puro puti o itim lang naman.
"Sige. Kuya may pink kayo na ganto?"
Agad ko syang nilapitan at hinampas.
"Ano ba sabi mo pink"
"Nagbibiro lang ako" inis na saad ko. "Ung white" dugtong ko pa.
"Alam mo namang pinagkakatiwalaan ko fashion mo" Tinarayan ko na lamang ito at umupo na ulit. Aaaaaaa ang tagal.