Chapter 12

7 0 0
                                    

"Ayan yang paddle mo na yan, gagamitin mo yan parang racket sa badminton, pero paddle tawag sa tennis" paliwanag ni Lorie sa akin.

Kahit sobrang luwag ng pwesto namin ay feeling ko sobrang sikip. Madilim ang tingin sakin ni Kiara habang nakacrossed arms at nakaupo sa isa pang table tennis. Si Jake din ay nakatingin sakin, na nakaupo malapit kay Kiara.

Tatlong mata palang ang nakatingin sakin kinakabahan nako, paano pa kaya pag sa laban sobrang daming tao roon.

"Wag kang kabahan, first time mo palang naman, natural na magkakaroon ka ng mistakes" saad sakin ni Lorie. Medyo napanatag ako kaya sinimulan ko na ang friendly fight namin ni Lorie.

"Focus on the ball, if i passed it on you you need to catch it by your paddle then passed it on me, be careful not to touch the net ha?" wika ni Lorie. Huminga ako ng malalim at hinintay ang bola na iseserve nya.

Natuwa ako ng mapasa ko iyon sa kanya, ngunit magaling si Lorie at nasalo nya iyon, pagkapasa nya ay di ko na ito nasalo. "Phew, di na masama para sa first timers, galing mo dun ah" sabi ni Kiara at kinuha ang bola. Tinignan ko si Jake, nakangiti ito.

"Nice one! Sa susunod focus ka lang sa bola kaae babalik at babalik sayo yon" saad nya na ikinangiti ko. Naglaro kami ulit. Hindi ko matalo talo si Lorie, pero maganda na rin iyon dahil bihira nalang kung mamiss ko ang bola.

"You did a great job ha? galing galing mo" wika ni Jake sabay abot sa akin ng tubig. Nagpahinga muna kami. "Susunod tayo naman laban" dagdag nya.

"Eh tapos dudurugin moko" sambit ko. Tumawa naman ito. "Hindi naman ako masyadong marunong dyan, pero gusto kita makalaro" wika nya. Natuliro ako at napaubo na lamang.

"Ah! Kinilig!" asar ni Jake kaya hinampas ko ito.

"Pero no joke, di halatang stress ka sa laro kanina, ganda mo parin" wika nya, tuluyan nakong namula kaya hinampas ko ito ulit.

"Hindi na kita ililibre ng langka, wala nakong pera" saad ko na lamang dito.

"Hindi ako nagbibir-"

"Uuwi na mamaya si tita, wag nyong sayangin oras, magset kayo ng date kung maglalandian kayo" putol ni Kiara sa sasabihin ni Jake.

"Ehem tara laban na ulit" aya ni Lorie kaya tumayo na ako. "Ako naman" saad ni Jake kay Lorie.

"Focus ah, sa bola tingin wag saken" saad ni Jake dahil sya ang magseserve. Tumawa ako dahil ang landi nito.

Pagkahampas nya ay nasalo ko iti, sya naman ang di nakasalo.

"HA! Ikaw ang magfocus sa bola, wag saken" pangaasa ko rito. "Pasmado kamay ko di nahampas agad" Natawa na lamang ako sa rason nito. Umulit kami at minsan natatalo ako, minsan naman sya.

"Oh para sa last round oh, sumuko ka na" asar sakin ni Jake. Hinanda ko ang sarili ko upang saluhin ito. Ngunit napasobra ito ng hampas at nagbounce ito sa muka ko. Nabitawan ko ang paddle at agadna hinawakan ang bibig ko. Hindi naman ito nadugo dahil di naman matigas ang bola, masakit lang sa pagkakatama nito.

Naramdaman kong nasa harap ko si Jake at tinitignan ang tama. Nanlaki ang mata ko ng sobrang lapit nito sa akin at hinawakan nya ang labi ko.

"Gago sorry, saan ka tinamaan?" tanong nya. Ramdam ko ang mga hininga nito. Lumapit na rin si Lorie. "Are you okay? What kind of serve is that, Jake?" pagkakamusta nya.

Just My Not-So Denial ClassmateWhere stories live. Discover now