Maddi's POV
Hapon na at medyo konti na nga lang ang sinag ng araw. Palubog na rin kase ito. Nakakalungkot lang isipin na huling gabi na namin ito rito ngayon, dahil bukas ay babalik na at balik eskwela na naman.
"Ganda talaga ng sunset no?" Napatingin naman ako kay Lorie. Tinanguan ko ito.
"The sunset is beautiful, isn't it?" singit ni Jake. Andito rin pala ito. "Mhm" sagot ni Lorie.
"Di ka ba kinilig?" takang tanong ni Jake. Natawa naman ako. "Saan?" tanong ni Lorie.
"Diba I Love You daw ibig sabihin nun?" tuluyan na nga kaming natawa ni Lorie sa sinabi ni Jake. "HAHA the moon is beautiful yon" patuloy parin kami sa pagtawa habang si Jake naman ay napakamot nalang sa batok nya.
"Hay nako Jake, yan kase nalito ka na sa dami ng babaeng binabanatan mo" pang aasar ko rito. "Hoy hindi ah!"
"HAHA oo nga- uy Kia" napatingin naman ako sa kararating lang na si Kiara, as expected nakabuntot na naman si Zeke.
"Daluhan nyo yung iba, hindi yung kayo kayo lang magkakasama" saad ni Kiara.
"Uy si club president, ih sino ba sila" agad ring hinampas ni Lorie si Jake. "Kapupunta ko lang don, naglalaro nga sila uno eh" saad ni Lorie. Nagkatinginan kami ni Kiara saglit pero iniwas ko rin agad.
"Wanna go swimming Ara?" yan na naman, umeeksena na naman sya. "Palubog na araw, magsuswimming pa?" tanong ni Kiara. Inismiran ko si Zeke. Ha! Kala mo papayag noh?
"Pero gusto mo ba? Sige samahan kita" saad ni Kiara na ikinalaglag ng panga ko. Seryoso sya? Nakasmirk sakin ngayon si Zeke at niyayabangan ako. Seryoso ka Kiara? Seryoso ka talaga?
"Nope, lamig eh. Syaka parang GALIT ung dagat" diniinan nya talaga iyon habang nakatingin sa akin.
"Hm? Oo pagabi na rin kase" inosenteng saad ni Kiara. Nakakainis talaga sya.
"Cr lang ako" wika ko at iniwan na rin sila. Naghilamos na ko dahil nanlalagkit na nga ako sa mukha ko nang may pumasok at sinirado ang pinto.
"Kiara" saad ko at lumapit lang ito sa akin. Wala itong ginagawa, nasa harap ko lang sya at nakatingin sakin.
"What's wrong?" tanong nito. Hindi ko ito pinansin at sinubukan nalang buksan ang pinto ngunit agad rin syang humarang.
"May nagawa bako Maddi?" huminga ako habang umirap at syaka bumalik sa lababo. "Pwede bang kausapin mo na ko?" saad nito at hinawakan ang kamay ko. Inagaw ko rin iyon.
"Maddi naman"
"Maddi okay, whatever I've done or i have said, please forgive me. I didn't mean to do that." wika nito. Kalmado ito at rinig ang bawat paghugot ng hininga.
"Talk to me na, please." wika nito at sinusubukang lumapit sakin ngunit hinarang ko ang kamay ko.
"Bakit ka nandito? Di ka nagpapakasaya magswimming sa galit na dagat" saad ko. Kita ko ang pagtataka sa mukha nito.
"Or hindi ka umiihip sa mata ng mga napupuwing? Ah! Napuwing ako, pero kaya ko tanggalin ng sarili ko." umarte pa ko ngunit kunot parin ang noo nito.
"Ano ba Kiara? Di ka ba talaga aware?"
"H-hey Maddi, don't be mad. I just don't understand you, give me a minute. I'll try to analyze -"