Chapter 32

5 0 0
                                    

Maddi's POV

Nagmumuni muni lang ako rito sa dagat nang mahagip ng mata ko si Kiara at Zeke. Nagising ako kanina ng wala si Kiara tas ngayon makikita ko kasama si Zeke. Nagkatinginan kami ni Zeke at umakbay ito kay Kiara. Si Kiara naman at di gumalaw dahil busy rin ito sa pagpapaliwanag ng nasa cp nya. Nananadya ba to ha!?

Lalapitan ko sana ito ng dumating si Lorie.

"Hi Maddi. How's your sleep?" tanong sakin nito. Muli ko munang tinignan sina Kiara, at nakasmirk lang si Jake habang umaalis sila. Anong trip nya? Nakikipaglaban ba sya sakin?

"Maddi?" Hinarap ko na si Lorie. "Okay ka lang?" tanong nito.

"Oo, okay ung tulog ko kagabi. Sarap pakinggan ung mga huni ng ibon." Tumango naman ito.

Bahagya pa kaming nagusap syaka napagdesisyunang kumain na. Grabe nakakagutom pa nga ang mga mababangong amoy ng pagkain. Sponsor ito ng school kaya libre ang mga ito.





Kukuha sana ako ng chicken nuggets nang may sandok na kumuha roon. Nang tignan ko ay agad kong binagsak ang plato ko.

"Marunong kang pumila?" saad ko rito. Hindi ako pinansin nito at patuloy lang sa pagkuha.

"Nantitrip ka ba?"

"Ay andyan ka pala, kinukuhaan ko kase si Ara. Nagugutom na kase" saad nya at finlip pa ang sandok bago umalis. Ang sarap nya sigawan pero hind ko alam bakit feel ko ay wala akong karapatan. Hindi ko nga alam kung ano kami ni Kiara. Ugh.

"Wag mo na pansinin" saad ni Lorie sa likod. Pinilit ko na nga lang wag pansinin at kumuha na. Pagtapos ay umupo na rin kami sa table, nakakainis pa nga dahil umupo si Lorie sa table nila Kiara kaya wala akong choice.

"Parang semi vacation na rin to no? Wala masyadong ginagawa this year sa club" wika ni Lorie. Tutok lang ang atensyon ko sa pagkain dahil naiinis ako na magkatabi silang dalawa.

"How's the food, Maddi?" napatingin ako dahil tinanong ako ni Kiara. "It's -"

"Ah Ara napuwing ako." Galit kong tinignan si Zeke. Seryoso sya? Lalo akong nainis nang agad ring ihipan ni Kiara iyon. Completely forgot about me. "Ansakit"

"Okay na ba?" alalang tanong ni Kiara. Tumango naman si Zeke na akala mo bata? Nagpapacute ba sya? Hindi sya cute sa totoo lang. "Ah dahil hinipan mo sayo na tong chicken ko" saad ni Zeke at binigay naman ang pagkain nya. Naiinis nga dahil todo ngisi rin itong si Kiara. Kinikilig ka ba?

"Oh? Maddi?" Tinarayan ko ito dahil halata namang tinawag nya ko on purpose. Sana mabulunan sya. "Hi guys!" dumating na nga si Jake at bago ligo ito dahil basa ang buhok.

"Kagigising ko lang-"

"Alam ko." singit ni Zeke. Agad rin namin syang tinarayan ni Jake. "Uy chicken nuggets."

"Gusto mo ba?" tanong ko at binigyan naman si Jake."Yay! Bait mo talaga" saad nito sabay gulo sa buhok ko.

"Required gawin yon?"

"Para san yon?"

Sabay kaming tatlo napatingin nang sabay na nagsalita sina Kiara at Zeke. Tinignan ko si Kiara at masama ang tingin nito kay Jake. Tinignan ko rin si Zeke na masama ang tingin sa akin. Inaano ko ba sya?

"Ehem. Kumain nalang tayo" saad ni Lorie kaya naputol ang tension. Woa, nakakatakot naman yon. I admit na natakot ako sa tingin ni Zeke kanina. Bakit kaya?






Just My Not-So Denial ClassmateWhere stories live. Discover now