Maddi's POV
Napabalikwas ako ng bangon nang pagmulat ng mata ko ay mukha ni Lorie ang tumambad.
"Woah chill." saad nito. Tinignan ko ang paligid. Shit nasa kwarto pala ako ni Kiara.
Hinanap ko si Kiara ngunit hindi ko ito mahagilap. "Goodmorning!" bati sa akin ni Lorie. Pilit ko naman itong nginitian dahil nahihiya parin ako."Dinala ko na uniform mo, dinaanan ko sa bahay nyo. Buti kilala ako ng landlady pinapasok ako." saad nya. Nakita ko nga ang uniform ko na nakahanger at nasampay sa closet ni Kiara.
"Maligo ka na, para di tayo malate."
"U-uh Lorie-"
"Nagluluto lang sa baba si Kia. Take your time, Maddi." wika nito. Itinuro nya naman ang cr dito sa kwarto ni Kiara kaya pumasok na rin ako. Pagkapasok ko ay agad kong pinaghahampas ang tubig. Aaaaa. Nakakahiya. Nakita ka nyang tulog, ano itsura ko nun? Tapos nasa kwarto pako ni Kiara, sa kama. Aaaaaa! Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ah shit may mga muta muta pa ko.
"I don't"
Napapikit na lamang ako at sabunot sa sarili nang maalala ko yon. Ang sarap nya sigawan kagabi. If you don't like girls pala then don't act like you do. Pero baka hindi talaga, baka assumera lang ako. Aaaaaa no.
Nakasakay kami ngayon sa van. Tahimik. Hindi ako pinapansin ni Kiara kanina pa. Nasa gitna namin ni Lorie si Kiara. Tinitignan ko ito ngunit titig lang ito sa daan. Kahit sulyap mula sa kanya ay hindi ko matanggap. Nag-iba na naman kaya ang mood nito?
"Ano kayang pagkain sa cafeteria" rinig kong wika ni Lorie. Hindi parin ako makafocus dahil kanina pagkarating namin sa school ay naunang bumaba si Kiara nang hindi man lang kami nililingon. Bumuntong hininga na lamang ako.
"Huy? Okay ka lang?" tanong ni Lorie. Sasagutin ko sana ito ngunit nakita ko mula sa kalayuan ang mga ngiti ni Kiara. Kasama na naman nito si Zeke. Tuwing nakikita ko silang magkasama ay palagi nalang ito nakangiti. Kumaliwa na ito sa corridor kaya hindi ko na sila kita. Umalis na lamang ako at dumiretso na sa cafeteria. Binalikan ko pa nga si Lorie dahil naiwan ko pala ito.
"Ansakit ng ulo ko" wika ni Jake. Kumakain na kami ngayon. Hinahanap nga ng mga mata ko si Kiara, ngunit wala ito.
"Uminom ka ng gamot, ano ba naman kase pinaggagawa mo."
"Uy, concerned ka ba sakin?"
Nakita ko na nga si Kiara na may dalang tray kaya tinawag ko ito.
"Kiara-"
Hininto ko nalang ang pagtawag nang sumunod sakanya si Zeke. Inakbayan sya nito at lumabas sila ng cafeteria.
"Maddi? Okay ka lang?" tanong sa akin ni Lorie na tinanguan ko lang. Muli ko silang tinignan na hindi pa nakakalayo mula sa cafeteria. Magkaakbay parin ito. That was the moment i felt a heavy pain in my heart. Para bang bumigat ang paghinga ko kaya nagpaalam ako sa kanila magcr.
Agad kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Huminga ako ng paulit ulit dun dahil ramdam ko ang pamamasa ng mga mata ko.
"No, Maddi No." wika ko sa sarili ko. Naghilamos ako at muling tinignan ang sarili ko. Basa ang muka ko, ngunit ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na nga alam kung saan ang luha don.
"Why the fuck are you crying, Maddi?" sabay sabunot ko sa saking sarili. Maddi stop. You shouldn't feeling this way. Stop this nonsense Maddi.
Naglalakad ako ng tahimik sa corridor. Inutusan akong ihatid ito kay Mrs Leonora. Wala parin ako sa mood hanggang ngayon. Tinry kong balewalain yon at magfocus nalang sa paglalakad nang makasalubong ko si Zeke.