Jake's POV
"No." mabilis na tanggi ko sa pinapagawa sakin ni Lorie. Talagang pinuntahan nya pa ko dito sa bahay para lang sabihin yan. Nakakarindi sa tenga marinig ko palang ang pangalan.
"Jake dali na. Kailangan nga eh." Hindi ko sya pinansin at nagtalukbong nalang ng kumot.
"Jake dali na, 1 day lang naman, kelangan lang wala sya don sa bahay nil Kiara nun." Inis kong inalis ang taklob ko.
"Bakit hindi ikaw? Mas close naman kayo nun." wika ko. Sinimangutan naman ako nito.
"May gagawin nga ako, alam mo naman gano kabusy schedule ko eh" saad nito.
"Ts kahit na, iba nalang, wag lang yon. Hindi ko nga kaya magtagal ng isang oras kasama sya" saad ko. Hinampas naman ako nito.
"Bunganga mo ah! Niligtas ka nga nun sa puno ng mangga nung bata tayo!"
"Sinumbong nya naman ako, napalo ako nun. Nawala ung favorite toy ko dahil sakanya. Di ko sya mapapatawad." maktol ko at nagtalukbong ulit.
"Sige na please, tulungan mo lang ako. Ayain mo lang lumabas, the whole day dapat alam mong di sya pupunta kela Kia."
"Bakit ba kase?"
"Aasahan kita ha? Babye!!" Tignan mo! Iniiwas nya talaga sa usapan pag ganon na ung topic! Aaaaaa. Bahala na bukas.
*rings*
Nagising na nga ako sa tunog ng alarm. Hindi naman ako nagset ng alarm. Nang papatayin ko ito ay may sticky notes na nakadikit dito.
"Ako na nagset ng alarm para magising ka! By 11 dapat kasama mo na sya! Have a great day Jikjik ko!"
Bahagya akong napatawa. Sya na lang talaga ang tumatawag sakin ng Jikjik. Nickname ko yun nung bata pa lang ako. Nawala rin agad ang mga ngiti ko nang maalala ko ang dapat nga gawin ngayon.
Ah shit.
Katatapos ko lang maligo at heto ako ngayon. Pabalik balik dahil hindi ko alam pano ko to sisimulan. Nakakainis naman kase bakit kase ako.
Tinignan ko muna ng ilang minuto ang numero nito syaka napagdesisyunang tawagan.
"Hello?" mabilis itong sumagot sa tawag ko kaya di ko tuloy napaghandaan ang sasabihin.
"Hello? Magsasalita ka ba, hindi?"
"Samahan moko." Agad kong sinipa ang kama ko. Labag sa loob ko to pero anong magagawa ko.
"Wrong number ata natawagan mo"
"Hindi. Wag ka na maraming tanong. Magkita tayo 11 am sa sm north. Bilisan mo ah wag ka na dumaan kela Kia!" wika ko sabay patay ng call. Kung hindi lang dahil kay Lorie, hindi kita kakausapin eh.
Naiinip na ko kakahintay kay Zeke. Ang usapan 11am. 11:30 na, may balak pa ba syang pumunta. Namuo ang galit ko nang makita itong paparating, nakaayos pa ang damit at presto maglakad. Akala mo walang naghihintay sa kanya.
"Waiting for me?" mayabang na wika nya. Pinakyuhan ko ito sa muka at naglakad na. Ramdam kong tumakbo ito at tumabi sa akin.
"Is this a date? I'm not gay" Pinigilan ko ang kamay ko. Lakas talaga ng amats nito.
"Lul, kahit bakla di papatol sayo." tumawa lang ito.
_____________________