Maddi's POV
Kasalukuyan akong nakapila para kunin na ang inorder kong milktea.
"Ms. Kiara?" Agad akong pumunta sa harap at kinuha na ito.
"Ang ganda po ng name nyo, Ms. Kiara" saad nya. "Ah hindi po akin ito, pinautos lang po" wika ko at umalis na. Maganda bang name ang Kiara. Oo nga no? What if ipangalan ko to sa anak ko–wait. No, no Maddi. Baka maging kaugali nya pa ang magiging anak ko.
Pumasok nako sa aming classroom, at nakita si Kiara na nakasalpak na naman ang earphone sa tenga. Napataray na lamang ako at lumapit sakanya.
"Oh, Cookies and Cream yan" saad ko. Tumingin ito sa akin ng salubong ang kilay.
"Since when did I like cookies and cream?" Nagpigil ako ng inis. Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi nito."Alam mo, you should try other flavors, hindi ung nagsstick ka sa isang flavor, promise masarap yan, favorite ko yan eh" paliwanag ko dito sabay taas baba ng aking kilay. Magkaharap kami ngayon at dito ko narealize na makakapal pala ang mga pilikmata nito. Nagtaka ako ng itulak nya ko at tunalikod. "I don't care".
Nang makita kong iniinom nya naman ito ay umalis na ko at bumalik na sa upuan ko. Sinalubong ako ni Lorie.
"Para san yun?" tanong nya. Napahinga na lamang ako at tumaray bago umupo. "Wala, sabi nya eh, syaka atleast di nako naguguilty sa ginawa nya diba?" sagot ko at hinanda ang mga papel at ballpen sa lamesa ko.
"She's somehow kind, no? Pag nakilala mo sya ng matagal, makikita mo na di naman sya ganon kataray." saad nya habang nakatingin kay Kiara. Tinignan ko rin si Kiara. Iniinom nito ang milktea habang umiindayog ang mga ulo dahil siguro pinapakiramdaman nya ang kanta.
"Mataray parin talaga sya, signature nya na ata yon" wika ko at tumawa naman kami. Umayos na kami ng upo nang pumasok na si Sir Martinez sa room.
"Goodmorning Class 1" Binati naman namin ito.
"So for today, we need to creat a group, 5 members each okay? Ang gagawin lang natin ay magresearch about Japanese Culture, okay? You can use the books in the library, para saan yun kung hindi gagamitin." tumaray na lamang ako nang tumawa sila sa lame joke na yon. Sino kaya magiging kagroup ko.
"So count to five, simulan mo na Jacob" Nagbilang na nga at nang kay Kiara na ay number 1 ito. Nagbilang pa hanggang umabot kay Lylia, number 2, at kay Lorie na katabi ko. Number 1 ito kaya ako ay Number 2. Alam ko namang di kami magiging magkagrupo ni Lorie dahil magkatabi kami. Pero sayang lang.
Natapos na ang dalawang subject at recess na. As usual ay kumakain kaming dalawa ni Lorie sa cafeteria habang inaantay si Jake. Ahead kase ang recess namin ng 10 minutes kumpara kela Jake.
"Orderan na kaya natin si Jake?" suggest ko na tinawanan lang nya. "Kung ako sayo wag na, paiba iba taste nun kada araw, sya masusunod nang kakainin nya." saad nya.
Weird, kay Kiara, paiba iba ng mood, si Jake naman paiba iba ng taste—ano kaya kay Lorie? So far wala pa naman akong napapansin. Natawa na lamang ako sa naisip ko.
"So sinong kagrupo mo?" tanong nya. "Ah.. sila Lylia, Angel, Jacob, syaka... si Troy" Sa totoo lang, kung pwede lang pumili ng kagrupo ay hinding hindi ko pipiliin si Troy. Nakakainis parin ang ginawa nya.
"Ahh, kagrupo mo na yung magjowa, kagrupo mo pa si Troy, goodluck" saad nya. Napailing na lamang ako.
"Ikaw, kagrupo mo si Kiara diba?" Tinignan nya ako. Bahagyang sumalubong ang kilay nito ngunit agad din nyang tinago.