Jake's POV
Nagpapalit na nga kami ng wetsuit namin, dahil magsisimula na kami magsurf. Di nga ako mapakali dahil ang cr ng boys dito sy walang mga harang. Sanay naman na ko lalo na kela Leo. Pero ngayong si Zeke ang kasama ko rito, feeling ko ay binobosohan ako nito.
"May sabon ka?" wika nya. Oh tamo, akala mo ay magkaibigan kami.
"Meron, at di ko ipapahiram sayo" saad ko at inayos na ang tuwalya sa bewang ko.
"Tinatakpan mo dyan?" pinakyuhan ko lang ito. At pumunta na sa harap ng salamin upang magbihis. Pumatay na nga ang shower hudyat ba tapos na rin ito. Tumayo ito sa harap ko. Tuwalya lamang ang nagtatakip sa katawan nito.
"Di ganyan, mahihirapan ka." saad nya at lumuhod sa harap. "Gago ka anong gagawin mo?" agad na wika ko rito.
"Pft, inaayos ko ung paa mo sa wetsuit. May gusto ka pa bang gawin ko?" Tarantado to. Hindi ko nalang ito pinansin at sinuot nya sa paa ko ang plastik. Pagtapos ay sinunod nya ang wetsuit.
"Yan edi mabilis napasok, kase madulas." wika nya. Sinamaan ko ito ng tingin. Tumawa lang ito kaya dali dali nakong lumabas. Gagong yon. Anong nakain nun.
"Oh Jake" Halos mapanganga ako nang makitang nakawet suit si Lorie. That body, Ugh. Agad kong iniwas ang tingin ko.
"Taray ah" saad nito. "Inaantay ko lang si Maddi, matapos magbihis tas tuloy na kami. Sino pala maggaguide sayo?" tanong nito.
"Guide?"
"Aba bakit, junior ka palang." Guide? Ngayon lang kase sumali sa ganto. Ngayon din kase naisip kong sabihin ang dapat sasabihin ko.
"Huy, sino nga?"
"Aba hindi ko ala-"
"Me" Napatingin kami sa bagong labas na si Zeke. Nakawetsuit narin ito. Kaya rin siguro mas pinili neto taekwando sa basketball. Malaki katawan e.
"Okay-"
"Teka anong ikaw? kelan pa nalista to?"
pagrereklamo ko."Jake." suway sa akin ni Lorie.
"Oh Maddi!" lumabas na rin si Maddi. Nakawet suit na rin ito. "Naks surfing girl" pang aasar ko rito, hinampas naman ako nito.
"Ikaw guide nyan?" wika ni Zeke.
"May pangalan ako." mataray na wika ni Lorie. "Hindi, si Kiara. Si Lylia junior ko. Ihahatid ko lang to kay Kia" sagot ni Lorie.
"Woa? Sana mahaba pasensya sayo ni Ara, sakin kase hinahabaan nya eh" taka kong tinignan si Zeke. Huh? Sinasabi nito?
"Wala akong pake." saad ni Maddi. Sinasamaan nga ng tingin ni Maddi si Zeke tapos si Zeke naman ay nakasmirk lang. Dali dali kong inakbayan si Maddi.
"Yaan mo yan, baliw yan. Tara na-" Hinila naman ni Zeke ang balikat ko.
"Bilisan mo dami tayong aaralin." saad nito at hinihila lang ako. Umalis na nga rin sila Lorie. Mula sa likod ay tanaw ko ang maiikli ngunit pantay pantay na buhok ni Lorie. Ang ganda nya kahit nakatalikod.
____________________
Maddi's POV
"Hawakan mong maigi" ginawa ko naman ang sinabi nito. "Kung pakanan ang alon, wag karing kumanan. Dapa lang." saad nya dahil sinubuka kong tumayo.
"Ah!" saad ko dahil nahulog ako. Agad nya rin akong nilapitan. "I told you don't put too much force." saad nya at nakahawak sa magkabila kong siko.