Chapter 3

8 2 0
                                    

Pagtapos ko linisan ang aking katawan ay humiga na ko sa hindi kalambutan kong kama.
I was expecting my first day to be memorable pero sobrang nabwisit lang ako ngayong araw.

Ano bang akala nya sa sarili nya, isa ba syang goddess o prinsesa na sakop nya buong lugar? Napaka.

From: Mama
Nakauwi ka na ba anak? Kamusta ang school?

Huminga na lamang ako ng malalim nang mabasa ko iyo. Gusto ko nang umuwi ma.

To:Mama
Okay lang po mama, ang ganda po ng school syaka mababait po ung mga tao.

Talaga lang ha. Kiara Cameo. Ang ganda ganda ng pangalan ang panget ng ugali. Mastalk nga.

Walang laman ang feed nito sa Facebook, ganun rin sa Instagram. Aba pamysterious pala ang peg nya. Pinatay ko nalamang ang cellphone ko at pumikit. Wag mo na alalahanin yun, wala namang ambag sa buhay mo yon. Malalagpasan mo ng maayos ang 4 years kung hindi mo sya papansinin Maddi.
_____________

Kung ano ang kinasaya ko sa pagpasok ko kahapon ay kabaligtaran ng nararamdaman ko ngayon. Ugh, papasok na naman, makikita ko na naman sya. Okay. Wag mo syang pansinin.
Napadaan ako sa salamin papasok sa banyo at nakita ang sarili ko. Nakabusangot na naman ako ang aga aga. Pilit akong ngumiti.

Wag mo na lang pansinin, Maddi.
_____________

Tahimik akong nagaantay rito sa bench sa harap ng gate, baka makasabay ko dito si Lorie. Nakakahiya kase pumasok magisa.
Sigurado naman akong wala pa sa room yon dahil maaga akong nakarating dito ngunit di ko pa sya nakikitang pumasok.

Ang init na nga grabe, pero gusto ko paring antayin si Lorie. Nakakita ako ng isang pusa, may kagat kagat ito ng dahon sa bibig nya. Woa, may nakakapasok palang pusa dito. Agad ko itong nilapitan.

"Hi ming ming! Para sakin ba yang dahon na yan" wika ko rito. Malambing ito at hindi mailap sa tuwing hinahawakan sya.

"Aw you're so cute, papangalanan kaya kita? hmmm.." sinuri ko sya. Itim at puti ang kulay nito. Pang tiger ang style ng mga kulay sa kanya, mataba ito at maamo.

"Alam ko na! Tigereo!" nakangiting saad ko. Ang cute kaya, tiger sya na parang oreo.

"Hi Tigereo! Hmm mahaba yun masyado kaya pwede reo nalang nickname mo, diba ang ganda? Hi reo" pagkakausap ko rito. Nagmemeow lang sa akin ito.

"Galing ko talaga, what a terrific name"

"Terrific? U mean, Terrible?" Napatingin ako sa isang babaeng naksandal sa pader habang nakatingin sa amin. Ugh. Papansin ba talaga sya?

"Siguro wala kang sense of knowledge, siguro pinapangalan mo sa mga pusa mo, mingming lang" Wika ko. Nakita kong nagtaas ito ng kilay. Haha akala mo ikaw lang marunong mangasar.

"Kesa sa Tigiero mo, kahit bata pipiliin nalang mag psps kesa tawagin sa pangalan nyang napakahaba" sagot nito. Nakayukom nalang ako ng aking kamao dahil gusto ko syang sakalin.

"Hindi ka kase marunong magisip ng pangalan, and ify Tigereo yon hindi Tigiero" saad ko at binalin ulit sa pusa ang atensyon ko.

"Tigereo, Tigiero, parehas panget pakinggan" saad nya at tinalikuran nako.

"Aba, anong gusto mo? mingming?" sigaw ko at inirapan sya. Aba napaka pakialamera naman nung babaeng yon. "Hay nako reo ikaw pag naging tao ka wag na wag mo gagayahin ung ugali nya, napakabaho" bulong ko rito.

Just My Not-So Denial ClassmateWhere stories live. Discover now