Kabanata 4
"Yzce! Pinakialaman mo na naman ba ang mga damit ko?!"
Natigil ako sa paglalagay ng concealer sa aking mukha nang biglaang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko. Bumulagta sa akin si Elaine na galit na galit habang bitbit ang isang dress na nakahanger pa.
The dress was in a mess. Punit-punit iyon at puro putik.
"Bakit ganito ang damit ko?!"
My brows furrowed. "Anong malay ko?"
"Anong 'anong malay' mo? E, ikaw lang naman ang pakialamera sa bahay na ito! Tangina naman, Yzce! Bagong bili ko lang 'to n'ong nakaraan e!" Nagdadabog at naiiyak na sabi ni Elaine.
"Hindi nga ako—"
"Magsisinungaling ka pa! Kairita ka talagang demonyita ka! Isusumbong kita kay Mamita!" she said before she stormed out of my room.
Naiwan akong tigalgal dahil sa gulat.
"Ayan kasi, pakialamera."
Nagtiim-bagang ako at sinamaan ng tingin si Barbie. "Hindi nga ako."
"Whatever." Sumunod siya sa kapatid.
I closed my eyes in frustration. Thinking that this might add up to more of Mamita's anger towards me, I suddenly feel so hopeless.
Lagi na lang ganito. Kapag may nawawala o nasisirang gamit dito sa babay, automatic na ako agad ang gumawa o may kasalanan. Kahit walang ebidensya, ako pa rin. Alam kong dahil ito sa ginawa ni Barbie noon. People think that because I, say, 'did' it once, the next happenings will also be me.
"Yzce!" sigaw ng kaklase ko.
"Aray!" Napaupo ako sa field nang tumama sa akin ang bola ng volleyball.
"Shit! Okay ka lang?"
Dumilat ako at hinimas ang ulo kong tinamaan ng bola. "O-Okay lang..."
Stupid, Yzce!
Tinanggap ko ang kamay ni Ella at inalalayan niya akong tumayo. Tumakbo papunta sa amin ang team mates ko.
"Okay ka lang, Yzce?" Concerned na tanong ng isa.
"Oo, thank you."
"Napaka ano kasi. Focus kasi, beh," ani Threya, ang pabida sa room namin.
I rolled my eyes habang hindi siya nakatingin. Nginitian ko naman ang mga klase kong concerned pa rin. Paulit-ulit kong sinabing okay lang ako hanggang sa magsibalikan na sila sa mga puwesto nila.
Hindi na 'ko ulit nag-space out at nanalo kami sa laro.
"Tubig." Inabutan ako ni Mina ng tubig pagkaupong-pagkaupo ko sa bleachers.
"Thank you."
"Anong iniisip mo kanina? Sakit n'ong bola. Okay ka lang?"
Natawa ako at hinimas ulit ang ulo ko. "Okay na. 'Di naman masiyadong masakit."
"Hindi? E, natumba ka nga e."
I pouted. Nag-beep ang phone niya kaya tumalikod siya sa akin para kunin iyon sa kanyang bag. Samantalang pumasada naman ang mga mata ko sa field.
I already lost count but it wasn't more than a week when I accidentally came into the Disciplinary Committee room. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako bumabalik doon bagaman inanyayahan naman ako. I just couldn't disturb them yet unless the case about Cedrick is done.
Yesterday, natapos na nga ang tungkol doon. Kaya ngayon, plano kong pumunta na.
Cedrick finally admitted na walang kasalanan ang Student Disciplinary Committee sa nangyari sa mukha niya. He revealed na ang nobyo pala ng babaeng ninakawan niya at tinutukan niya rin ng kutsilyo ang may pakana ng pambubugbog at pagtali sa kanya sa upuan sa may covered court. He just told everyone na sina Chasin iyon to save himself from the trouble Kristoff might put up once he revealed the truth.
BINABASA MO ANG
Melting His Frozen Kiss
Teen FictionYzce Toaine Samante likes Chasin Xabat----the cold, mysterious, Captain of Disciplinary Committee of their school. But she suddenly figured out a part of him that no one would like... would she still continue to like him? Date: May 10, 2023 - August...